TRENTA Y SAIS

237 13 2
                                    

Tristan's POV

Maaga pa akong umalis at bumiyahe pauwi ng isla. Nasa bangka ako ngayon dala ang kabaong ni Bok.

Nang makalabas si James ng hospital, pormal kong inilipat sa kanya ang pagmamanage ng negosyo ko, kasama ang mga abugado ng mga magulang ko na ngayon ay permanente ko na rimg magiging abogado.

I know James will be a good manager and leader, hindi naman siya basta bastang mapapadpad sa malalaking kumpanya abroad kung hindi siya magaling.

With Jessica around, mas magiging magaan at maganda ang takbo ng kumpanya. As their wedding gift, binigyan ko sila ng shares of stocks, maliban pa sa pagiging part owner ng garments company ko. Ang pwestong iniwan ni Nikolo at ibinigay ko sa kanilang mag-asawa.

Nakarating ako ng isla at agad akong sinalubong ni Tata Teban.

"Tata Teban, kumusta po?" Niyakap ko ang matanda.

"Ayos lang, Tristan. Dala mo si Bok?"

Itinuro ko ang kahon na natatakluban ng lona. Pinagtulungan naming buhatin iyon at isinakay sa multicab. Bumiyahe na kami pauwi ng bahay.

Nadatnan namin duon ang kinuha kong katiwala ng bahay. Kasalukuyan siyang nagtatanggal ng damo sa mga halaman.

Agad kong pinakuha sa kanya ang piko at pala at naghanap ng magandang pwesto para paglagyan kay Bok. Napili kong ilagay siya malapit sa mga bulaklak na paborito niyang dalhin nuon kay Tricia.

Sinimulan kong hukayin ang paglalagakan kay Bok. Habang lumalalim ang hukay ay lalo akong nakakaramdam ng lungkot.

Inilagay ko na ang kabaong ni bok at nagpatong na rin ako ng puting bulaklak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Inilagay ko na ang kabaong ni bok at nagpatong na rin ako ng puting bulaklak.


"Balik ka, Bok ha? Sabi ko at pinala pabalik sa hukay ang lupa.

Nang tuluyan ko nang matabunan si Bok, duon bumuhos ang luha ko. Habang tinitingnan ko ang umbok ng lupa kung saan nakalibing si Bok, duon na nag sink in sa akin ng tuluyan, wala na ang pinakamamahal kong si Bok.


Naramdaman ko ang pagtapik ni Tata Teban sa balikat ko.



"Hindi makakatawid si Bok hangga't hindi mo siya tuluyang binibitawan, Tristan. May ipinangako ka sa kanya, tuparin mo iyon.


Napatingin ako kay Tata Teban at marahang tumango.


"Kayo na po muna ang bahala sa lahat, Tata Teban. Kung may kailangan ay magpasabi lang kayo agad. Kapag natapos ko ang plano ko para sa sarili ko, isusunod ko na ang plano natin para dito sa lugar na ito."


"Makakaasa ka Tristan. 'Wag mo kaming alalahanin, higit pa sa sapat ang binigay mo sa akin para sa pagsasaayos at pagmaintain nitong property mo."


Naghanda na ako para makabalik na din agad ng Maynila. Sisimulan ko na ang pagtupad ng pangarap ko nuon pa.

------------------------------------------------------------------------

Tricia's POV

I was browsing my emails sa laptop ko habang busy naman sina Ate at Jill na gumawa ng playlist ng mga kantang gagamitin para sa kasal. Naririnig ko pang nagtatalo silang dalawa.


"Ate, dapat upbeat 'yung tugtog, or di kaya 'yung mga pop na kanta, lagyan kaya natin ng Taylor Swift songs?" suggestion ni Jill.


"Jill, kasal po ang pinag-uusapan ha? Hindi foundation day or prom sa school. Suggest ka na lang ng iba," natatawang sabi ni Ate.



"Oh, My. Ate, Jill, basahin nyo nga ito. Is this real?"

Sabay na lumapit sa akin silang dalawa. Halos sabay nilang binabasa ang nakasulat sa email. Biglang tumili si Jill.



"OMG! Ate Tricia! Congrats! Congrats!"


"Patty for Harvard!" Sigaw naman ni Ate.

Natanggap ako for Masters in Global Science sa Harvard. Isang bagay na sinubukan ko lang pero hindi ko alam na matutupad pala. 2 years na malalayo ako kila Mama.


Nakapagdesisyon na sana akong ituloy ang residency ko pagkatapos ng kasal ni Ate. Si Jill ay babalik na rin sa US at si Ate naman ay magmomove out na rin dahil may sarili na silang buhay ni Kuya James after the wedding. This is my way sana para masamahan si Mama.


Hinintay naming makauwi si Mama bago ibalita sa kanya ang tungkol sa email ng Harvard sa akin.


"Grab it, anak. Isang magandang opportunity iyan para sa career mo," Mama said nang makausap namin siya.


"Pag umalis ako, paano ka? Babalik na si Jill sa US, uuwi na si Ate kila Kuya James, sinong makakasama mo dito?" I worriedly asked.


"Nandito naman si Rocco," pabiro niyang sabi at binuhat ang alaga ko.



"Mama naman," pagmamaktol ko.


"Joking aside, don't worry about me, I can manage. Pwede ko naman munang hindi pauwiin ang Ate mo at dumito na lang muna sila ng asawa niya. Hindi ba, you will manage Tristan's business, Aika?" baling ni Mama kay Ate.



"Si James lang, Ma. Mas magaling siya sa ganyan kaysa sa akin. I have something to tell you din po," Ate answered.


Nacurious kami kung ano iyon kaya lahat kami ay nakaabang sa sasabihin niya.



"May offer po ang Ateneo sa akin to work as part-time professor," she said happily.


Nayakap namin si Ate sa sobrang tuwa.


"Good news iyan, Aika. Pero papayag naman kaya ang asawa mo?" tanong ni Mama nang bumitaw siya ng yakap kay Ate.


"Nag-usap naman na kami, Ma. Sabi niya okay lang daw basta part-time lang. Ayaw niyang ma stress pa ako. Sa kanya pa lang quota na ako," natatawang sabi ni Ate.


We settled everything. Ako at si Jill ay sabay na aalis papuntang US pagkatapos ng kasal ni Ate. Si Ate naman ay maiiwan kay Mama kasama si Kuya James. Kahit na hindi pa nakakausap ni Ate si Kuya, sigurado naman siyang papayag 'yun. Alam niyang hindi matitiis ni Kuya si Mama.

I have to tell Tristan the good news. paniguradong matutuwa siya.


Sinubukan ko siyang tawagan. Walang signal kaya napilitan akong itext na lang siya.

~Tristan, I made it to Harvard.~

------------------------------------------------------------------------

Tristan's POV

Nang makadaong kami sa Puerto Princesa, sunud-sunod na notification sounds ang sumalubong sa akin nang bumalik ang signal ng cellphone ko. Tiningnan ko ang mga na receive kong message, halos lahat ay tungkol sa trabaho. Pero may isang nakakuha ng atensyon ko, text message galing kay Tricia.


~Can I see you?~


'Yun lang ang nireply ko sa kanya.


I'd better tell her what my heart and mind has been busy dealing with lately.



She needs to know.



She needs to know that hindi ko na siya nagugustuhan.


She needs to know that I am now in love with her.













Paw Prints To ForeverWhere stories live. Discover now