CINCUENTA Y CUATRO

309 18 1
                                    

Tricia's POV

It has been over a week simula nang maiuwi ng Manila si Tristan.

He is now under the care of Dr. Laxamana, an expert neurologist and a good family friend.

Narescue sila ng kasama niyang bangkero malapit sa Agutaya. Mabuti na lang at nataong may nagpapatrol na Coast Guard kaya nasagip sila. Ligtas ang bangkero. Tristan on the other hand is now in coma dahil sa sugat niya ulo.

Kuya James made it possible na madala si Tristan sa Manila. Mahirap man ang pagbyahe ay ginawan talaga niya ng paraan.

Sa ngayon, nandito siya naka-confine sa hospital kung saan ako nanganak. He is still in the ICU.

Discharged na kaming mag-ina at pinapauwi na ng doctor. I asked permission kung pwede naming puntahan ni Eoghan ang Tatay niya but hindi pumayag ang pedia niya. I insisted and pinayagan ako, pero pinaiwan pa rin si baby. Iniabot ko kay Mama ang anak ko.

Tinulak ni Kuya James ang wheelchair ko papunta ng ICU.

Nang makapasok ako sa loob, nakita ko si Tristan, nakahiga, walang malay, may benda ang ulo at may nakakabit na ventilator. May nakakabit ding blood pressure apparatus at ECG leads sa katawan niya. Continuous din ang monitoring ng brain activity niya.

I cried as I saw my husband in that state. I wheeled nearer to his bed.

I held his hand na may nakakabit pang IV at oximeter.

"Labs, gising ka na. Hinihintay ka na ni Eoghan," I bursted in tears as I remembered our son.

"Sabi mo sa akin, ikaw ang unang kakarga sa kanya? Sabi mo sasamahan mo ako when I give birth to our son, but you broke your promise, ang daya mo, ang daya-daya mo!" Humagulgol ako at napayuko na lamang sa braso niya.

I was in that position for quite a while, then a nurse came to me and said, "Doc, tawag na po kayo ni Sir sa labas, uuwi na daw po kayo."

I managed to stand up slowly at lumapit kay Tristan. I kissed his forehead and whispered to his ears, "Labs, gising ka na, please?"

I held his hand again and gently squeezed it bago ako umupo ulit sa wheelchair. Inalalayan ako ng nurse palabas ng ICU.

Sinalubong ako ni Kuya. Ipinaubaya na sa kanya ng nurse ang pagtutulak sa akin.

Habang pabalik kami sa kanila ni Mama ay nagsalita si Kuya.

"Ang sabi ni Doc Laxamana, walang kasiguruhan kung kailan magigising si Tristan, and if ever he wakes up, hindi pa masigurado kung ano ang magiging situation niya."

"K-kuya, ano'ng gagawin ko?" I asked him.

"Tricia, we'll get through this, ok? Kaya nating lagpasan ito. Your husband is a strong man. Hindi 'yan magpapatalo," he said at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Nang makalapit na ako ay ibinalik sa akin ni Mama si Eoghan.

"Anak, don't be so worried. Nandito kami to help you figure things out. Kasama mo kaming magdadasal para sa agarang paggaling ni Tristan," Mama said and hugged me.

"Salamat, Ma. I need to make myself strong for my son and my husband."

------------------------------------------------------------------------

Tristan's POV

Nagising ako at nakita ko ang sarili kong naglalakad sa isang malawak na damuhan. Sa di-kalayuan ay may nakita akong mayabong na puno. Nagpasya akong sumilong duon.

Nakaupo na ako ngayon sa lilim ng punong iyon habang pinagmamasdan ang malawak na damuhan.

"Ang ganda, ano?" Bigla na lang may nagsalita at nang lumingon ako ay nagulat ako sa nakita ko.

Paw Prints To ForeverWhere stories live. Discover now