CINCUENTA Y TRES

283 15 12
                                    

Tristan's POV

Maaga akong nagising dahil babyahe na ako papunta ng Agutaya. Nagbihis ako pagkatapos ay chineck ko ang bag na dadalhin ko kung wala na akong nakalimutan.

Bago lumabas ng kwarto ay humalik muna ako sa noo ng aking asawa. Nagising siya at napatingin sa akin.

"Aalis ka na?"

"Opo, skat. Aagahan ko ang byahe para makabalik agad ako. I want to be with you sa panganganak mo. Gusto ko ako ang unang kakarga kay baby."

"Ok, please mag-iingat ka ha?"

"Yes, I will. Kasama ko naman si Sir Pogi eh," I said at inilabas ang kwintas ni Sir Jesse na nakasuot na sa leeg ko.

Napangiti naman si Tricia.

"Hmmm, 'wag mo iwawala 'yan ha? Alam mo namang sobrang importante niyan sa akin," she said.

Tumango ako.

"Go back to sleep na," I said and left her with a kiss on her lips.

Wala pang araw nang lumabas ako. Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ay gusto ko na bumalik kay Tricia.

Mabilis lang ang naging biyahe ko papuntang Agutaya.

Pagdating duon ay agad na sumalubong sa akin si Bien.

"Doc, mukhang may kumakalat na sakit sa piggery natin. Apat na po ang namamatay. Hiniwalay na po namin 'yung mga may sintomas. 'Yung dalawa pong inahin natin ay nilipat ko sa kabilang kulungan."

"Okay, good. 'Yung ibang mga hayop, wala namang problema?"

"Sa ngayon po, wala naman."

"Sige, titingnan ko 'yung may mga symptoms para mabigyan ng gamot at maagapan pa."

Akala ko ay hindi ganuon ka lala ang problema. Halos kalahati ng mga baboy na nasa piggery ay may manifestation na ng swine flu. Agad kong pinalinis ang kulungan at nilipat muna ang mga walang sakit sa bagong gawa na mga koral.

Hindi pa namin tapos ang dapat na gagawin ay may namatay na naman na baboy. Mabuti na lamang at mabilis nilang kinuha iyon upang maibaon.

Nanigurado na ako kaya nang matapos namin ang dapat gawin sa piggery ay pinalinis ko na lahat ng kulungan ng lahat ng hayop sa farm.

Ginabi na kami sa pagsasaayos ng lahat. Pagod na pagod ako kaya hindi ko na nagawang tawagan ang asawa ko at nakatulog na ako.

Nagising ako sa tawag ni Mama, alas tres ng madaling araw.

"H-hello, Ma?"

"Anak, dadalhin na namin si Tricia sa hospital, mukhang she's on labor na."

Nawala ang antok ko pagkasabi nuon ni Mama.

"H-ha? S-sige po, Ma. Pakisabi po kay Tricia papunta na po ako. Aalis na po ako ngayon."

"Anak magpa-umaga ka na lang, for sure makakarating ka naman dito in time for your son's birth."

"No, Ma. Babyahe na po ako ngayon. May kasama naman po ako," I insisted. May bangkero naman akong kasama pabalik sa mainland.

"Mag-iingat ka, anak."

"Yes, Ma. I will."

Hindi na ako nagsayang ng oras. Ginising ko ang bangkero at nagmadali kaming bumiyahe pabalik sa mainland.

Hindi nagtagal, nasa bangka na kami, palaot na at malayo na sa pampang. Nakita ko ang unti unting lumalaking mga alon.

"Doc, mukhang may makakasalubong tayong sama ng panahon!" Sigaw ng bangkero, sabay turo ng makapal na ulap sa malayo. Sumisigaw na siya, nakipagtagisan sa tunog ng motor ng bangka.

"Malayo na tayo sa Agutaya kung babalik pa tayo. Tutuloy tayo!" Mariin kong desisyon. Hindi pwedeng hindi ako makauwi. Maghihintay ang mag-ina ko.

"S-sigurado ka, Doc?! Lumalaki na po ang mga alon, hindi kakayanin ng bangka natin!"

"Oo, tutuloy tayo!"

Habang papalayo kaming lalo sa isla ay papalapit naman kami sa namumuong malakas na ulan. May pagkidlat pa itong kasama.

Malakas at malalaki na ang alon. Gumigewang na ang bangka namin at hindi na ito kayang kontrolin ng bangkero. Nagdesisyon na ako.

"Balik na tayo! Balik na tayo!" Sigaw ko.

Inikot ng bangkero ang bangka pabalik sa direksyon ng isla, pero hindi na niya ito nakontrol. Nahampas ng napakalaking alon ang bangka at tumaob kami. Hindi kami bumitaw at sinubukan naming baliktarin ito.

Sa pagsisikap namin na iposisyon ulit ang bangka ay pareho kaming nakabitaw ng bangkero. Tinangay ng malaking alon ang bangka kaya pinilit naming habulin iyon.

Mabilis kaming lumangoy para hilain ito. Nakalapit na sana ako nang biglang lumaki ang alon at tangay ang bangka. Saktong pababa ito ay napailalim ako sa alon at humampas ang ulo ko sa elisi nito. Unti unti ay nawawalan na ako ng malay. Huli kong naalala ay ang sigaw ng bangkero sa pangalan ko.

------------------------------------------------------------------------

Tricia's POV

Nagising akong nasa loob na ako ng kwarto sa hospital. Nakapalibot sa akin si Mama, Ate Aika at Manang Sabel.

"M-ma..."

"Trish, anak, how are you feeling?"

"O-okay ako, Ma. Si baby po?"

"Nasa nursery na. Dadalhin din siya dito mamaya."

"S-si Tristan po? Nasaan na si Tristan?" tanong ko.

Nagkatinginan sina Mama at Ate.

"P-papunta na siya, may inasikaso lang," si Ate na ang sumagot.

"Yung phone ko po?"

Iniabot ni Ate ang cellphone sa akin.

Sinubukan kong tawagan ang number ni Tristan ngunit out of reach ito. Isang beses ko pa siyang tinawagan ngunit ganun pa rin. Biglang may namuong kaba sa dibdib ko.

Naalala ko ang ibinigay na sticky note ni Tristan sa akin. Kinuha ko ito sa likod ng casing ng phone ko. Iniabot ko ito kay Mama.

"That's our son's name, Mama. Namesake siya ni Papa."

Napangiti naman si Mama. Itinago niya ang ibinigay kong sticky note.

Biglang dumating si Kuya James na humahangos.

"Ma, si Tristan..." bigla niyang nasabi. Natigilan siya nang makitang gising na ako at nakatingin sa kanya. Huli na para mapigilan siya nina Ate at ni Mama.

"Bakit, ano'ng nangyari kay Tristan Kuya?" Nag aalalang tanong ko.

"Tricia," pagkasabi ay hinawakan ni kuya ang kamay ko.

"Si Tristan," napayuko siya.

"Ano'ng nangyari, Kuya?" lalo akong kinabahan.

"T-tumaob ang bangka niya na sinasakyan pabalik ng mainland," pagsisimula ni Kuya.

"N-nasaan na si Tristan, Kuya? Nasaan ang asawa ko?"

He was about to answer me nang tumunog ang cell phone niya.

"Saglit lang, Tricia," lumayo ito sa akin at sinagot ang tawag sa kanya.

"Hello, o, ano? Saan? Sige, pupunta ako."

He ended the call at lumapit ulit sa akin.

"Tricia, si Tristan," he said in a sad tone.

"Ano'ng nangyari kay Tristan, Kuya?"

He gave a heavy sigh.

Paw Prints To ForeverWhere stories live. Discover now