TRENTA Y OCHO

287 9 1
                                    

(the video above was the wedding song mentioned in this chapter)

Tricia's POV

Ate and I were gigling nang ibaba ko ang tawag ni Tristan.

"Naiimagine ko ang mukha ng Kuya James mo, for sure kabadong kabado siya," Ate said na natatawa pa rin sa nangyari.

It was her idea na i-prank si Kuya, para naman daw makabawi siya dahil lagi na lang siya ang binubully nito.

Nang makarating kami sa simbahan, lahat ay nasa loob na. Iniwanan ko na si Ate sa labas at pumasok na ako sa loob ng church para sa entourage.

Nagsimula na ang entourage and when it was Tristan's turn to walk, hindi ko napigilan ang humanga sa kanya. He looked dashing sa suot niyang barong. 'Yung sinasabi nilang makalaglag-undies na kagwapuhan, eto na 'yun.

Hindi naman nakaligtas kay Jill ang reaction ko. Lumapit siya sa akin.

"Ate, tumutulo na laway mo, nakanganga ka pa habang tinitingnan si Tristan," pang aasar niya.

Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Jill, anuba? Panira ka ng moment eh," pagmamaktol ko.

"Tama na 'yan, mauuwi na naman sa away 'yan mamaya,"sinaway na kami ni Mama.

It was Jill's turn kaya naman naglakad na siya, sumunod ako sa kanya dahil dalawa kaming maid of honor sa kasal ni ate.

I saw how Tristan looked at me habang naglalakad ako. Kumindat pa ito kaya naman napangiti ako.

It was Mama's turn. Kasama niyang maghahatid kay Ate sa altar si Tito Butch, Papa's brother. Huminto sila sa gitna and stepped aside to give way for Ate Aika's entrance sa church.

Dahan dahang nagbukas ang pinto, then there stood Ate. Jon Mullin's song, Last Love was sung by the choir as ate started walking slowly towards Mama and Tito.

 Jon Mullin's song, Last Love was sung by the choir as ate started walking slowly towards Mama and Tito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

As she approached Mama and Tito, they hugged her both. I saw Mama wiped her tears and held Ate's hand. Naka angkla naman ang kabilang braso ni Ate sa braso ni Tito Butch.

Dahan dahan na silang naglakad papalapit kay Kuya James. Nasa likod naman niya ang parents niyang naluluha na ring tinitingnan sila Ate habang naglalakad.

Humakbang na si Kuya at sinalubong na sila Ate. Nagmano muna ito at yumakap kay Tito, pagkatapos ay nagmano at bumeso kay Mama.
Mama leaned and said something na nagpangiti kay Kuya.

He then held Ate's hand at inalalayan ito para makapunta sa pwesto nila.

The ceremony then began.

Throughout the wedding, kay Tristan lang ako nakatingin, I just can't help myself but admire him. Habang tumatagal ay gumugwapo siya sa paningin ko.

Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang magpalitan na ng wedding vows sina Ate at Kuya.

Si Kuya James ang nauna.

"I was nervous kanina, akala ko talaga, iindyanin mo ako sa kasal natin," he chuckled.

"I had a prepared wedding vow, but I had to change it, dahil sa prank mo sa akin."

"First time in my life, I was very nervous, hindi dahil sa mapapahiya ako, or iniisip ko na sayang 'yung ginastos kung hindi ka sisipot," nagtawanan pati na ang mga bisita.

"I was nervous, er, scared. Scared would be the best word of what I felt kanina. I was scared, I thought I'd lost you."

"Habang tumatagal ang paghihintay ko, lalo akong nanabik sa pagdating mo. Nang makita na kitang naglalakad, gustong bumuhos ng nararamdaman ko para sa'yo. Gusto na kitang takbuhin, yakapin at ibulong ang lagi't lagi kong dasal, na sa iyong pagdating, hayaan mong araw-araw kitang mahalin."

"Jessica Marie Gerona Robredo, sa harap ng altar na ito, saksi ang Diyos at ang lahat ng naririto sa loob ng simbahang ito, buong puso't isip na nangangako akong dadamayan ka sa gabundok na problema, sasamahan ka sa dagat ng ligaya, ulanin man tayo ng pag-aalala o sikatan ng magandang umaga, sa alinlangan o katiyakan, sa panahon ng kakulangan o sa oras ng nag-uumapaw na kasaganaan, sa wakas at kabuuan, hinding hindi ako lilisan."

Si Ate naman ang nagsalita.

"Gabi-gabi kong ikinukwento kay Papa kung gaano ako kasiguradong mahal kita. Laging ikaw lang ang magiging rason kung bakit matapang akong sasagot ng oo, kung bakit papanatag ang puso sa kabila ng mga alalahanin ng mundo. Laging ikaw lang ang babawi sa mga pagkukulang nito at pagkakamali. Ikaw lang ang pupuno. Ikaw ang sasapat. Ikaw lang lagi ang papawi sa mga duda ko sa sarili. At mananatili, matapos man ang gabi, at sa pagsibol ng araw, mahal kita, walang bahid ng kahit o bakit."

"Salamat sa pagpapakita at pagpaparamdam sa akin ng pagmamahal na hindi laging maaliwalas, pero sabik sa bukas. Hindi maramot ang labi sa salamat at patawad. Malapad ang mga palad para tumanggap.
Hindi maputi at makinis, pero tapat at malinis. Walang bahid ng pagpapanggap. Kung nangako ay tutupad. Kung walang salita ay gagawa. Tumatalima, umuunawa, tumitindig sa tama. May kakulangan, pero gagawan ng paraan. Malayo sa perpekto, pero hindi agad sumusuko. Kayang lumaban, hindi takot manindigan, at kung subukin ng panahon, hindi nang-iiwan."

"James Dean Alba San Agustin, simula sa araw na ito, iniaalay ko ang buong puso at pagkatao ko sa iyo bilang iyong kabiyak at katuwang sa buhay. Alam kong hindi magiging madali ang bukas pero nagtitiwala ako sa iyo, at sa pagmamahal na mayroon tayo para sa isa't isa."

Pagkatapos magsalita ni Ate ay niyakap siya ni Kuya. Pareho na silang naiyak. Pati kami nila Mama at ang ibang bisita ay napaluha na rin nang marinig ang vow nilang dalawa.

The ceremony continued.

Then, the most-awaited part.

"May our Almighty Father bless you in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Go in peace, and James, you may now kiss your bride," the bishop said.

Ate Aika and Kuya James faced each other. Iniangat ni Kuya ang veil na nakatakip sa mukha ni Ate. Saka niya ito tinitigan.

Then, he gave Ate a sweet kiss on the lips. Nagpalakpakan ang mga tao. Ate then grabbed Kuya James' collar at siya naman ang humalik dito dahilan para maghiyawan ang mga tao.

Pagakatapos ay nagpicture taking na. When it was our turn na magpapicture, lumapit sa akin si Tristan at bumulong, "You look so beautiful today. Pwede na ba kitang pakasalan?"

Natawa ako sa sinabi niya at kinurot ko sya sa tiyan. Hindi naman nakaligtas kay Jill ang sinabi ni Tristan kaya humirit din ito, "Hindi mo pa nga girlfriend si Ate, papakasalan mo na? Manghihingi muna ako ng dowry, no!" Pangiti ngiti pa siya habang sinasabi iyon.

Napakamot na lang sa ulo si Tristan.

Then, we all went to the reception. Magkasama sina Jill at Mama sa kotse. Ako naman ay isinabay na ni Tristan kaya nagkaroon kami ng time na magkasarinlan.

"Ang gwapo mo ngayon, Doc," I said to him nang makaupo na ako sa shotgun seat ng kotse niya.

"Ngayon lang?" Tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.

"Oo ngayon lang, ngayon ka lang nagmukhang tao sa paningin ko eh," biro ko sa kanya.

"Ang sakit naman nun!" Sabi niya sabay hawak sa dibdib. Natawa lang ako sa reaction niya.

"Bilisan mo na po, baka mahuli tayo may part pa tayo sa reception,"pag-iiba ko ng usapan.

Mabilis naman siyang sumunod.
















Paw Prints To ForeverWhere stories live. Discover now