PASSION OF LOVE
By...emzalbinoHingal kabayo ang hitsura ni Geraldine habang kaylalaki ang mga hakbang nitong papunta sa kanilang eskwelahan..
"Hoy Geraldine late kana naman!....bungad na sermon ni Ella ang kanyang matalik na kaibigan sa kanilang eskwelahan.
"Eh alam mo na naman ang dahilan diba?.....tanging sagot ni Geraldine na patuloy lang ito sa paglakad.
"Hmp! Ewan ko diyan sa inay mong suwapang at ni hindi ka man lang niya patigilin sa pagpa part time at saka imbis na papasukin ka ng maaga ay pinapagawa pa lahat ng trabaho at pati ang pagluluto ng pagkain ng tiyo Edgar mo!....nakaingos na wika ni Ella.
"Pabayaan mo na Ella at ayaw ko ring makipagtalo kay inay dahil ako rin lang naman ang talo sa bandang huli kaya mas mabuti na ang ganito na ako mismo ang nagpu pursiging makatapos ng aking pag aaral at baka isumbat pa ni inay ang lahat ng kanyang nagawa kung sakali man, buti nga si tiyo g Edgar at binigyan niya ako ng pera kaya mababayaran ko na ang utang ko sa iyo".....ani Geraldine saka pumasok sa kanilang silid aralan na noon ay naroroon ang kanilang propesor....
"Geraldine sa wakas ay dumating kana! Alam mo kung hindi ka lang magaling sa klase ay baka i kick out kita rito sa classroom ko, wag mo namang samantalahin ang aking kabaitan dahil ayaw kong matawag na may favoritism dahil lagi nalang kitang pinapatawad sa bawat mga pagliban mo ng ilang oras sa klase ko! Lagi ka nalang ganyan!.....nakataas ang kilay na sabi ng baklang propesor ni Geraldine..
"Eh kasi naman po marami po akong mga trabaho na tinapos kaya lagi po ako g nale late!..Hindi po bali at sa susunod ay hindi na po ako magpapahuli sa klase ko para hindi na po kayo magalit".....nahihiyang sagot ni Geraldine saka naupo na ito sa kanilang klassroom at sinundan lamang ng naaawang baklang propesor ang kanyang dalagang estudiyante na kahit na naaawa siya ay kailangan niyang maging patas ang pakikitungo sa bawat mag aaral sa kanyang klase para hindi siya masabi na may kinikilingan..
Alas Singko ng hapon ng matapos ang klase ni Geraldine ay kumain siya sandali sa isang karinderya at kumuha nalang siya ng pansit at tubig upang hindi na siya gumastos ng malaki,.. Matapos niyang kumain ay saka nagmamadali siyang pumasok sa kanyang part time job sa isang fast food na malapit lang naman sa kanyang eskwelahan...
Inabot siya ng alas nuwebe ng gabi dahil apat na oras ang kanyang kinukuhang oras at dahil kailangan pa niyang makipila sa haba ng mga taong nag uunahan sa pagsakay ng dyip pauwi ay pasado alas diyes na ng gabi siya nakauwi ng bahay..
Pagpasok niya ng bahay ay napamot na naman ng ulo si Geraldine ng makita ang mga kalat sa may sala at sa kusina na nagkalat ang mga platong kinainan sa lababo..
"Hay buhay nga naman! Araw araw nalng ganito ang nangyayari sa buhay ko, Wala man lang pagbabago!.....kausap ni Geraldine sa sarili saka inayos ang mga iba pang nakakalat sa may mesa at inilagay sa may lababo..
"Hoy babae! Nagrereklamo kaba huh!?....biglang bulyaw ni aling Rosie na noon ay biglang sulpot sa likuran ni Geraldine.
"Ay kabayo!.....gulat na bulalas ni Geraldine sa biglang pagbulyaw sa kanya ng ina.
"Wag kang mag inarte Geraldine dahil narinig ko ang sinabi mo! Bakit, nagrereklamo ka sa mga obligasyon mo dito sa bahay? Hoy babae! Pasalamat ka nga dahil pinag aaral pa kita eh, tapos iyang mga munting gawain ko lang sa bahay eh puro nalang reklamo ang naririnig ko sa bibig mo!?.......bulyaw ni Rosie sa anak habang ang hintuturo nito ay nakaduro sa pagmumukha nito..
"Inay hindi naman po sa nagrereklamo ako ngunit totoo naman po na lagi nalang nadadatnan ko ang bahay na magulo kahit na iniiwan ko itong malinis".....sagot ni Geraldine sa ina.
"Bakit nagrereklamo ba ako sa pagpapalaki ko sayo huh?.....
"Inay hindi ko naman po sinasabing nagrereklamo ako ngunit sinasabi ko lang po ang katotohanang nakikita ko, at wag niyo po sabihing kayo ang nagpapaaral sa akin dahil ako po ang gumagastos sa mga kinakailangan ko sa aming paaralan... Pinag iipunan ko po ang mga ibinabayad ko sa mga matrikula ko sa tuwing summer vacation ay imbis na nagpapahinga ako o kaya ay nagsa summer class ako ay pumapasok ako sa trabaho upang makaipon ng aking pangmatrikula at kahit na hindi na ako kumain sa isang kainan ay tinitiis ko para lang may maibili ako sa mga kakailanganin kong mga project sa school namin lalo na pag may mga activities kami sa pagluluto, Tinitiis ko ang pagkalam ng aking sikmura para lang hindi na humingi ng pera sa inyo dahil hindi na nga ninyo ako bibigyan eh makakatim pa ako ng sermon akya mas minabuti ko nalang na magsariling sikap para wala kayong maisusumbat sa akin"..... Hindi napigilan ni Geraldine ang ilabas ang lahat ng hinaing sa kanyang ina ngunit imbis na mahabag ito ay..
PAK!..PAK!...mas asawang sampal ang siyang dumapo sa pisngi ng dalaga dahil sa sinabi niyang iyon sa kanyang inay..
"Wala kang karapatang ipamukha sa akin ang lahat ng iyan! Kung gusto mong mag aral ay magsumikap ka, wag kang umasa sa akin dahil wala kang mapapala! At hindi porke't ikaw na ang gumagastos sa iyong mga pag aaral mo ay kaya mo na akong kalabanin! Hoy babae tandaan mo na kung hindi dahil sa akin ay wala ka rito sa mundong ibabaw kaya wag kang magmalaki dahil utang mo parin ang buhay mo sa akin! Kaya obligasyon mong gawin ang lahat ng mga trabaho dito sa bahay apara kahit sa ganong paraan man lang ay mabayaran mo ang sakripisyo ko sayo noong bata ka palang!.....nanggigigil na sigaw ni Aling Rosie sa lumuluhang si Geraldine.
"Alam ko po iyon inay ngunit".....hindi na naituloy pa ni Geraldine ang sasabihin dahil biglang dinakma ni aling Rosie ang mukha ng anak at mahigpit na pinisil ng kanyang kamay ang magkabilang panga ni Geraldine.
"Wag na wag mo akong sasagutin kong ayaw mong mapalayas sa aking pamamahay!...
"O- opo inay!.....humihikbing sagot ni Geraldine habang panay ang tulo ng mga luha nito saka naman patulak na binitawan siya ng ina at nagdadabog na pumasok ng kanyang kwarto..
"Diyos ko Po, bigyan mo Po ako ng sapat na tatag ng loob at katawan upang makayanan ko ang lahat ng mga pagsubok sa aking buhay".....piping samo ni Geraldine habang walang tigil ang pag agos sa kanyang mga luha..
...itutuloy..