PASSION OF LOVE
By...emzalbinoWalang kamalay malay si Carl sa nangyayari sa kanya, ang tanging alam lang niya ay lasing na lasing siya ng gabing iyon..At ni hindi na nga niya namalayan pa kung nakauwi nga siya ng ligtas sa kanilang bahay o hinatid siya ng kanyang mga barkada.
Biglang napabalikwas si Carl ng maramdamang parang may kung anong nakadagan sa kanyang mga hita at dahil umaga na ay maliwanag na sa labas kaya nanlalaki ang kanyang mga mata ng makitang may babaeng nakayakap sa kanya na ang mga hita nito ay nakadantay pa sa kanyang hita kaya siya nagising,ngunit ang ikinamangha niyang lalo ay nakahubo't hubad rin ang babae na tanging ang panloob na maliit na tela lang ang siyang suot nito...
Sa biglaang pagbangon niya ay nagising si Wendy at nakangiti ito kay Carl..
"Good morning Carl, gising kana pala".......masayang bati ni Wendy kay Carl at muli sanang yayakap sa binata ng maagap na umiwas si Carl sa kanya...
"A-anong ibig sabihin nito! Anong nangyari at bakit nandito ka sa kwarto ko!.......histerikal na wika ni Carl..
"Excuse me Carl! You are not in your room, you're in my house instead!.....sagot naman ni Wendy.
"No! Papaanong nangyari iyon eh umuwi na ako kagabi?!.......ani Carl na halos sigawan na nito si Wendy..
"Calm down and listen to me Carl! Lasing na lasing ka kagabi at hindi mo na kaya pa ang mag drive kaya ipinasya kong ihatid kana sa inyo ngunit ng halos hindi pa tayo nakakarating sa inyong bahay ay biglang nagsusuka ka at hindi ko alam ang aking gagawin kaya dinala kita sa aking town house na siyang malapit ng mga sandaling iyon, ngunit habang nililinis ko ang katawan mo ay bigla mo akong hinila at niyakap. Nagpupumiglas ako ngunit kahit na lasing ka ay malakas ka dahil sa lalaki ka, pinaghahalikan mo ako, nagmamakaawa ako sayo na itigil mo ang ginagawa mo sa akin ngunit sabi mo ay pananagutan mo ang anumang mamagitan sa atin at sinabing mong pakakasalan mo ako ngunit kahit na ganoon pa man ay ayaw ko parin ngunit wala akong magawa ng kinubabawan mo ako at pinag huhubad mo aking mga saplot at iyon nga nakuha mo nga ang iyong gusto, ni hindi lang minsan mo akong ginamit kundi inulit mo pa hanggang sa tuluyan ka ng makatulog sa kalasingan at pagod"........kwento ni Wendy kay Carl na noon ay humuhikbi na ito dahil sa ginawa sa kanya ng binata...
"No! You're lying! Hindi totoo ang mga punagsasabi mo dahil wala akong matandaan na may ginawa ako sayo! Tell me Wendy na nagsisinungaling ka lang! Please tell me!?......hindi makapaniwalang sabi ni Carl na waring nakikiusap sa dalaga..
"Im not lier Carl at totoo lahat ang mga sinabi ko sayo. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa mo ito sa akin dahil ayon sa kwento ng punsan ko tungkol sa inyong magkakaibigan ay ikaw ang pinakamabait pero ngayon ay hindi ko maisip na kaya mo palang gawin ang mga ganoong bagay kahit sa walang kalaban laban na isang babae!.......muling saad ni Wendy..
"No! Hindi totoo ito! Nooo!.....sigaw ni Carl saka nito pinagsusuntok ang mesa sa kanyang tabi at noon din ay biglang tumulo ang kanyang mga luha dahil mula ng tumuntong siya ng kolihiyo ay sinikil niya ang kanyang puso na wag munang umibig kahit na kung minsan ay may mga kababaihan na nakakakuha ng kanyang atensiyon, pilit niyang iniignora ang damdaming nais na sumibol sa kanyang puso para lang makamtan niya ang tagumpay sa kanyang pangarap na makatapos ng pag aaral ngunit ngayon ay biglang parang binagsakan siya ng langit sa nangyaring ito sa kanya, ni minsan lang niya nakita ang babaeng ito na nagsasabing may nangyari sa kanila na hindi naman niya maalala dahil sa sobrang kalasingan.
Maya maya ay biglang tumunog ang cell phone ni Wendy kaya sinagot ng dalaga at noon ay biglang kinabahan si Carl dahil hindi nito alam ang kanyang gagawin ng mga sandaling iyon...
