Passion of Love
By...emzalbinoLuhaan at halos hindi na makita ni Geraldine ang kanyang dinadaanan habang papalayo siya sa bahay nila. Kaysakit sa kanyang dibdib na siya pa ang lumabas na masama gayong siya na ang muntikan ng mapahamak.
"DIYOS ko , kayo na Po ang bahala sa akin! Sa Inyo ko nalang Po ipinagkakatiwala ang aking buhay. Kung saan man ako mapapadpad sa mga sandaling ito ay nawa'y gabayan niyo ako at iligtas niyo ako sa mga masasamang nakaantabay sa akin" samo ni Geraldine na hindi alam ang direksiyon na pupuntahan kung saan siya tutungo.
Sa walang direksiyon tinatahak ni Geraldine dahil sa kalituhan ng isip ay hindi niya na alam kung saan na siya patungo hanggang sa mapadpad siya sa may highway kung saan ay kay dilim at madalang ang mga nagdaraang sasakyan at kapagkuwa'y biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Naku po saan kaya ako pwedeng sumilong?" tanong ni Geraldine sa sarili habang palinga linga siya sa paligid ngunit wala siyang makitang pwedeng mapuntahan hanggang sa makita niya ang malaking puno ng akasya kaya agad siyang tumakbo patawid sa kabilang bahagi ng kalsada dahil nasa kabila iyon.
Ngunit sa pagmamadali niya ay hindi niya nakita ang papalapit na truck ng mga gulay at sa gulat ay..
"Aaahhhh!!!" kaylakas ng tili ni Geraldine dahil sa pag aakala nitong masasagasaan ngunit buti nalang dahil bigla nakapag preno ang driver nito.
Dali daling bumaba ang driver na galit na galit at maging ang matandang babae na kasama nito ay bumaba na rin.
"Bakit ineng , gusto mo bang magpakamatay? Gusto mong kitilin ang buhay mo ay wag mo kaming idadamay dahil ayaw naming madamay sa kalokohang pinaggagawa mo!" singhal ng mamang driver kay Geraldine.
"So-sorry po mamang driver, tatawid lang po sana ako sa kabilang kalsada upang sumilong sa may puno ng akasya upang hindi ako gaanong mabasa at sa pagmamadali ko ay hindi ko kayo nakita" paliwanag ni Geraldine sa driver.
"Eh bakit ba kasi anong ginagawa mo sa ganitong oras dito sa lugar na ito? Hindi mo ba alam na delikado rito lalo na sa isang katulad mo?" saad ng babaeng kasama nito na kung nagkakamali ng sapantaha si Geraldine ay asawa ito ng mamang driver.
"Um-umalis po ako sa bahay namin" nakayukong wika ni Geraldine na nag umpisa ng mangilid ang kanyang luha.
"Eh bakit ka lumayas?" tanong naman ng mamang driver.
"Ka-kasi po ay pinagtangkaan akong gahasain ng aking amain at ng biglang dumating ang aking inay ay ako pa ang pinalabas nilang nang aakit daw sa amain ko at sinabi pa nito sa inay ko na matagal na daw naming ginagawa iyon at bilang kapalit ay hinihingian ko daw siya ng pera, pero hindi totoo ang mga pinagsasabi niya dahil siya ang musmong gustong humalay sa akin. Nakatulog ako sa sofa na hindi ko namamalayan at nagising nalang ako na may yumayapos sa aking katawan at humahalik sa akin at ng pilitin kong manlaban ay sinuntok ako sa may tiyan hanggang sa panghinaan ako at buti nalang dahil biglang dumating ang aking inay kaya hindi siya nagtagumpay ngunit iba naman ang nangyari dahil imbis na ako ang pagmalasakitan niya ay ang kanyang kinakasama pa ang kanyang kinampihan at ang masaklap pa ay kanina ko lang nalaman na hindi pala niya ako tunay na anak. At doon ko lang narealised ang lahat lahat na kaya pala wala siyang ka amor amir sa akin bilang anak niya at lagi niya akong pinag iinitan ng ulo dahil hindi naman pala niya ako tunay na kadugo" hindi na napigilan pa ni Geraldine ang pagdaloy ng kanyang luha habang isinasalaysay niya ang buong pangyayari.
"Ka-kawawa ka naman pala iha? Buti nalang at nakatakas ka?" biglang naging malumanay ang boses ng babaeng kasama ng mamang driver.
"Eh saan ka ngayon pupunta?" Anang mamang driver.