Chapter 3

753 16 0
                                    

PASSION OF LOVE
By...emzalbino

Sa paglipas ng mga araw ay pikit matang iniignora ni Geraldine ang pakikitungo ng kanyang inay sa kanya,.. Tinitiis nito ang magaspang nitong pagtrato na para bang iba siya sa kanya dahil ang nais niya ay makatapos siya ng pag aaral..

Isang gabi dahil sa gabi na ng makalabas si Geraldine sa pinapasukan nitong restaurant bilang part timer ay halos mag aalas onse na ng gabi at buti nalang dahil mabait ang may ari ng restaurant at pinakain na siya roon ng malamang hindi pa siya kumakain ng hapunan..

Pagdating niya ng bahay ay saktong lalarga na sana ang kanyang inay para mamili ng mga paninda nitong mga gulay sa palengke..

"Magandang gabi po inay".....bungad na bati ni Geraldine sa ina nito sabay abot ng kamay ng ina at nagmano..

"Bakit ngayon ka lang huh! Anong oras na at alam mo namang napakaraming trabaho dito sa bahay pero kung saan saan ka pa nagpupunta! Siguro nakipag date ka pa sa nobyo mo ano!?.....pasinghal na sabi ng kanyang inay ni Geraldine..

"Eh inay alam naman po ninyong nagpa part time job ako eh at saka wala naman po ako g sariling sasakyan para makauwi agad"......paliwanag nito sa ina.

"Marami kapang satsat! Hala ayusin mo na ang mga pinggan sa kusina at takpan mo nalang iyong ulam sa may mesa na para kay tiyong mo Edgar dahil nasa may inuman pa siya at mamamalengke na ako para makauna ako sa mga sariling gulay!..........pabalang na turan ni aling Rosie kay Geraldine saka nagmamadaling umalis ng bahay dahil tinawag na siya ng isa sa kanilang kapitbahay na nagtitinda rin sa palengke....

Tumuloy sa loob ng bahay si Geraldine at saka ibinagsak nito ang dalang bag sa kawayang upuan at deretso ng kusina at totoo nga ang sabi ng kanyang inay na may natitira pa palang trabaho na dapat niyang tapusin kahit na maghahating gabi na...

"Tiis tiis lang Geraldine dahil ialng taon nalang ang ipagtitiis mo at makakaalis ka rin sa lugar na ito!.......buntong hiningang bulong ni Geraldine sa sarili habang sinisinop nito ang mga kalat na pinggan sa lababo...

....

MANILA....

Sa kabilang dako ay masayang masaya si Carl Mendoza dahil sa wakas ay nakatapis na siya bilang NAUTICAL at proud na proud ang kanyang mga magulang na sina Henry Mendoza at Vivian Mendoza dahil ang kaisa isa nilang anak ay matagumpay nilang napagtapos sa kursong pinili nito...

"Dad, mom thanks for everything, for all your sacrifices for me and i'll promise to both of you na gagawin ko ang lahat para matupad ko ang mga sinabi ko noon sa inyo na magiging isang kapitan ako ng barko but for now daddy i still need your help para mairecomenda mo ako sa panyero mo sa kanilang kompanya sa International Shipping Line Comp.dahil noon ko pa gustong makapagtrabaho roon".......ani Carl sa ama at ina nito..

"Well iho don't about that, it's just a small matter only dahil noon pa man ay sinabihan na ako ni panyero Jaime Guzman na kung sakaling makatapos ka ng pag aaral ay pu puwede kang magtrabaho sa kanilang kompanya"......sagot ni Henry sa anak na ikinatuwa ni Carl..

"Wow is it true daddy!.......nanlalaki ang mga mata sa sibrang saya ni Carl dahil sa sinabing iyon ng ama.

"Yes iho! Alangan namang magsisinungaling ako sa iyo eh anak kita!.....may pagmamalaking turan ng ama nito..

"See mommy! Magkakatrabaho na agad ako!.....masayang saad ni Carl saka niyakap ang ina at pinaghahalikoan nito sa pisngi at niyakap din ang ama nito..

"I know anak na you deserves all this dahil napakabuti mong anak and i'll always for your succes!.....turan ni Vivian sa anak nito at niyakap ang kanyang unico hijo...

Passion of Love....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon