Passion of Love
By...emzalbino"Walang hiya kayo, mga hayop!......muling sigaw ni Aling Rosie saka punagsusuntok nito si mang Edgar na agad naman nitong isinuot ang boxer short na nahubad samantalang si Geraldine ay hindi makapagsalita sa pagkakagulat nito at ni hindi niya magawang tumayo man lang dahil sa panghihina nito sa pagkakasuntok ni Edgar sa kanyang sikmura.
"Rosie mahal sandali lang at magpapaliwanag ako!........ani Edgar saka bigla niyang niyakap si aling Rosie na nagwawala.
"Ano ang ipapaliwanag mo huh!........bulyaw nito sa kinakasama habang panay ang pagpupumiglas nito.
"Rosie mahal patawarin mo ako dahil natukso ang isang kagaya kong lalaki kay Geraldine, alam kong mali ang ginawa kong ito ngunit sino ba namang lalaki ang makakatanggi sa kanya kung palay na ang lumalapit. Lalaki ako mahal, kung ilang beses ng may nangyari sa amin at noong una ay sinabihan ko siya na tigilan na niya ako pero hindi niya ako pinakinggan at ang sabi niya ay sustentuhan ko lang daw ang kanyang pag aaral para makatapos siya at okay na ang lahat. Hindi ko kasalanan mahal ang nangyaring ito dahil ang anak mo ang siyang lumapit at nagpakita ng motibo kaya may naganap sa amin kaya patawarin mo na ako mahal ko"...........naglalambing na saad ni Edgar saka pinaghahalikan nito ang leeg ng asawa samantalang si Geraldine ay nagulat sa mga pinagsasabi ni Edgar..
"Sinungaling ka tiyong Edgar! Ikaw ang gustong humalay sa akin! Nakatulog ako dito sa may sopa at naalimpungatan nalang ako ng maramdaman kong may humahaplos sa aking katawan at ng magmulat ako ng aking mga mata ay nakita kitang nasa harapan ko at ng manlaban ako ay saka mo ako sinuntok sa sikmura!........sigaw na paliwanag ni Geraldine kay Edgar.
"Haliparot ka talagang babae ka! Wala kang utang na loob! Matapos kitang palakihin at pag aralin ay heto ang igaganti mo sa akin! Heto pa ang isusukli mo sa lahat ng mga sakripisyo ko sayo huh! Sana kung alam ko lang na gagawin mo ito sa akin ay sana pinabayaan nalang kita sa tabi ng simbahan noon! Sana hindi ko na sinunod noon ang kagustuhan ng iyong itay para mas nauna kang namatay sa kanya dahil wala ka palang utang na loob!..........taas baba ang dibdib ni Rosie sa galit ng mga sandaling iyon at ng makawala sa pagkakayakap sa kanya ni Edgar ay agad na nilapitan si Geraldine saka nito biglang hinila nag buhok ng dalaga.
"Inay hindi po totoo ang mga sinabi ni tiyong Edgar! Hindi po ako ang may kagustuhan ng lahat! Siya po ang gustong humalay sa akin at wala pong nangyari sa amin gaya ng kanyang sinabi dahil sa bigla ninyong pagdating hu hu hu!......humahagulgol na paliwanag ni Geraldine habang isinasangga nito ang mga kamay sa pagsabunot ni aling Rosie sa kanyang buhok.
Pak! Pak!..... Mag asawang sampal ang biglang dumapo sa pisngi ni Geraldine at kahit na anong sakit nito ay parang hindi niya ininda dahil mas masakit ang mga paratang na walang katotohanan na sinabi ni Edgar at ang mga sinabi sa kanya ni aling Rosie.
"Lumayas ka ngayon din bago pa kita mapatay! Layas! Layasss!......halos lumuwa sa galit ang mga mata ni aling Rosie na ang mukha nito ay pulang pula sa galit at ni hindi na niya naririnig pa ang bawat paliwanag ni Geraldine.
"I-inay hu hu hu!....buong paghihinagpis na sabi ni Geraldine sa nanghihinang boses nito.
"Wag na wag mo akong matawag tawag na inay dahil hindi kita anak! Hindi kita anak dahil hindi ako pwedeng magkaanak! Naiintindihan mo!.....sugaw ni aling Rosie sabay duro sa mukha ni Gerladine at ng hindi nakapagpigil ay isa na namang sampal ang dumapo sa pisngi ng dalaga na siyang ikinaputok ng labi nito.
"Ka-kaya pala na ang init ng dugo ninyo sa akin, kaya pala ni hindi ko man lang maramdaman sa inyo ang pagmamahal ng isang ina? Kaya pala kahit kaunting malasakit ay hindi niyo man lang ako mabigyan dahil hindi naman pala tayo magkadugo? Pero salamat parin inay dahil lumaki ako ng ganito, at salamat narin sa pagsasabi ninyo ng totoo"........humihikbing sabi ni Gerladine saka pilit niyang itinayo ang sarili na kahit na namimilipit siya sa sakit ng sikmura ay ginawa parin niya para lang makapagbihis.