𝟔 𝐩𝐦 - 𝐈𝐕

3 0 0
                                    


Anyway, eto na. Nangyari to sa bahay ng lola ng partner ko. Nakitira kami ng mahigit isang taon sa bahay ng lola habang nagpupundar pa kami para sa sarili naming bahay. Sa loob ng mga panahon na yun marami akong karanasan at ikukwento ang isa sa mga ito.

2storey ang bahay, ang kwarto namin nasa ibaba may isa pang kwarto pero nagsilbi lang tong storage. Dahil nga matanda na kasama namin sa bahay madalas nabobored kami at nagkukulong sa kwaro tuwing hapon na walang pasok sa trabaho.

Isang hapon nakatulog kami ng partner ko pero bandang alas kwarto na ito, nakaharap ako sa bintana at nakatalikod sa partner ko.

Naalimpungatan ako sa diko maipaliwanag na dahilan mabigat ang pakiramdam ko, dumapo ang tingin ko sq bintana at nakita ko na dumidilim na sa isip ko ay alas sais na pala mukhang nauna pa ako magising kesa sa pag tunog ng alarm na sinet ng partner ko ng 6pm.


Akma akong babangon ng maramdaman ko na may lumapat na kamay sa aking mukha at isa pang kamay sa bandang tagiliran ko.

Nagulat ako dahil kakaiba ang pakiramdam ng hawak ng mga kamay na iyon pero mas nakadama ako ng takot ng hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko.

Pumasok sa isip ko na eto nnaman, nakakaranas nanaman ako ng sleep paralysis. Simula pagkabata ko nararanasan ko na ito.


Ngunit iilang pagkakataon lamang na sa sandali ng sleep paralysis ko may kasama ako at oo hindi tao.

Maya maya pa naramdaman ko ang pakiramdam na dinidiinan ang aking mukha at tagiliran dahan dahan ko ibinaling ang aking mga mata na patungo sa nilalang na dumadagan sakin.

Nakita ko, nakita ko ang itsura neto. Isang lalaki na mahaba ang buhok na parang mga naka locks, maitim sya, walang saplot pangtaas ngunit may bahag na animoy kulay tela na madumi at mukhang kulay putik.


Matalas ang mga mata neto na nakatingin sakin habang tuloy tuloy nya akong dinidiin sa higaan, nararamdaman ko na halos lumubog na ko sa kutson at dahan dahan na din sumisikip ang paghinga. Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit galit sya sa akin.

Pinipilit ko na maigalaw ang ibang parte ng katawan ko ngunit pinipilit kong hindi makaramdam ng pagod dahil alam kong hindi ako pwede mapagod sa mga sandaling iyon. Nagdadasal ako sa Panginoon na tulungan nya ako. Tulungan nya ako makawala sa nilalang na ito.


Katabi ko lang ang partner ko sa higaaan ngunit parang wala syang nararamdaman, malapit na tuluyang dumilim at hindi pa din natatapos ang ginagawa sakin, nakita ang bar phone sa tabi ng asawa ko.

Umiilaw ito, maya maya pa bigla itong tumunog ng malakas at gayon din ang pagdating ng isang sasakyan sa harap ng bahay. Nagising ang partner ko upang patayin ang cellphone nya, biglang din tumigil ang lahat, dali dali akong tumayo at tumakbo para buhayin ang ilaw habang pilit ko pang hinahabol ang aking paghinga.


Nagtataka ang partner ko kung anong nangyayari, nakita ko ang cellphone nya at kinuha ito tiningnan ko ang oras at tama nga alas sais palang ng hapon.


Sa bawat sleep paralysis na nangyayari sakin alam ko ang oras aware ako sa oras at sa realidad kahit sa oras na tulog pa ang katawan ko, alam kong nasa ibang dimensyon ako at hindi ako pwedeng matrap dito.



Maraming salamat.

Bedtime Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon