-
Matagal na tong nangyare year 2010 or 2011 siguro. at ito yung unang araw at unang experience ko na maka kita. 10yrs old palang ako nung nangyare to sa bahay na inuupahan namin sa manila.
yung bahay namin sa manila ay pag pasok mo palang ng pinto ay sala kagad may sofa sa kaliwa at nasa kanan naman yung tv namin. maliit lang sala mamin kaya sa dulo ng sofa ay nadun na yung isang kwarto namin. at ang tapat naman ng kwarto ay kusina. at dun na kami kumakain.
so balik tayo sa kwento. bali galing ako nun sa paglalaro kasi saktong sabado nun at walang pasok bali hapon na ako naka uwi sa bahay. nag aabang na dun yung lola ko para bigyan ako ng isang palo hahaha kasi simula tanghali inabot ako ng hapon kakalaro sa labas. kaya ayun pag pasok ko ng bahay sinalubong ako ng pamalo ni lola. dahil bata pa ako nun medyo napa iyak ako sa hapdi. ikaw ba naman paluin nung panungkit sa sampayan.
at sinabihan na ako na mag linis na nang katawan kasi ang dungis kuna daw. bali anim pala kami sa bahay. yung lolo ko nag tatrabaho sya bilang mang gugupit halos gabi na sya na uwi. at yung tita ko naman ih saktong kakapa nganak nya palang sa una nyang anak. at yung asawa nya naman ih nag tatrabaho sa airport kaya umaga na nakaka uwi. at pumapasok din pagka hapon.
Gabi na ng maka dating yung lolo ko galing sa trabaho.. sabay sabay kaming kumain nun. tapos pinapasok na ako ni lola sa kwarto para dun narin magpa hinga. kasama ko sa kwarto yung tita ko at yung anak nya na almost 1 or 2months palang.
So ayun habang inaayos ko yung higaan ko ih napansin ko yung dalawang drum ng mantika na nilinisan ng lola ko para gawing damitan kasi sayang naman daw kung itatapon. kasi pwedi naman daw magamit pa.
so ayun na nga naka higa na ako nun at di namalayang naka tulog na. at sa sobrang himbing ng tulog ko nun hindi ko namalayan na 9am na pala ng unaga pero syempre bata pa ko nun kaya hindi muna ako bumangon kasi wala naman gagawin.
hindi ko pa dinidilat yung mata ko nun kasi medyo masilaw pa dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana. hangang sa unti unti kong dinidilat yung mata ko.
alam nyu yung pag unang dilat mo ih medyo malabo pa makikita mo? ganun yung sakin medyo malabo pa pero napa tingin ako nun sa may drum na nasa paanan ng papag ko napansin ko kasing masyadong maliwanag at nung unti unti ng lumilinaw yung paningin ko dun ko ka realize na isa palang babae na naka upo at naka tingin sa anak ng tita ko.
nagulat ako nun at napa baligwas sa higaan at halos tumakbo ako nun palabas ng kwarto. kitang kita ko din kung pano unti unting naging puting usok yung babae at yung usok nayun ih papunta sa ilalim ng papag ko.
pag labas ko ng kwarto nagka titigan kami ng tita ko at tinanong ako kung nakita ko din ba. tumango nalang ako sa takot at sinabi nya din na nakita nya din kaya hindi sya maka pasok sa kwarto kasi natatakot daw sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/319868724-288-k959192.jpg)
BINABASA MO ANG
Bedtime Stories Compilations
Horrorᴀʀᴇ ʏᴏᴜ ᴀʟᴏɴᴇ? ᴡᴀʀɴɪɴɢ: ᴛʜɪs sᴛᴏʀɪᴇs ᴡɪʟʟ ᴍᴀᴋᴇ ʏᴏᴜ ғᴇᴇʟ ɢᴏᴏsᴇʙᴜᴍᴘs ᴀʙᴏᴜᴛ ʜᴏʀʀɪғʏɪɴɢ sᴄᴇɴᴇs ᴏʀ ᴇxᴘᴇʀɪᴇɴᴄᴇ ᴏғ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ.