Matagal na ang pangyayari na ito, simula nang matagpuan ako ng mga magulang ko na nakabulagta sa ilalim ng punong narra na matagal nang nakatayo sa gitna ng aming lugar.Liblib ang lugar namin kaya kakaunti o bilang lamang ang mga pamilyang nakatira kasama na kami.
Naalala ko pa nun, na pagmulat ng aking mata, ang unang kong ginawa ay ang uminom ng maraming tubig na tila uhaw na uhaw at galing sa isang takbuhan. Pagkatapos kong uminom na halos maubos ko na ang laman ng pitchel ay tumungo na ako para maghilamos at pag isipan ang mga nangyayare sakin na tila hindi ko mawari kung ano.
Dahil maaga pa naman at hindi pa masyado tirik ang araw, napag desisyunan ko na lumabas at magpahangin. Nagbabakasakaling umaliwalas ang aking ngayon ay magulong isipan.
Hindi ko alam kung bakit, pero nakuha ang aking atensyon ng salaming nakasabit ngayon sa aming pader, na makikita mula sa labas dahil sa nakabukas na bintana, ‘Bakit parang may kakaiba dun?’ buong pagtatakang tanong ko habang naglalakad papasok sa loob ng bahay para puntahan iyon.
Isang simpleng salamin lamang ito na malaki at makikita mo ang iyong buong sarili pag lumapit ka dito, may naaninag akong isang imahe na tila gumagalaw, gumagalaw?
Kinusot ang aking mata para masigurado kong hindi ito kathang isip lamang, ngunit sa pagmulat ng aking mata ay kita ko pa din ang babae.
Kamukha ko siya, ngunit bakit wala siyang mata? Maputla at sobrang payat na babaeng hawig na hawig ko ang makikita sa salamin.
Imbes na matakot ako ay nilapitan ko pa ito ay kinausap, ‘sino ka?’
Ngunit sa halip na siya ay sumagot nanatiling nakatingin lang siya saakin na may pait at galit sa mukha.
Napaatras ako dahil sa kilabot na bumalot sa Sistema ko, na parang may mali sa nangyayare, nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang mga yabag ng paa ng nanay kong hindi ko alam san nanggaling.
Tinalikod ko ang salamin dahil naisip ko na baka makita nila mama ang babae sa salamin at matakot sila, ihaharap ko nalang ulit siya tuwing umaga upang kausapin at tanungin kung sino siya.
(FF)Lumipas ang 2 linggo ngunit wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ng babae sa salamin, kaya wala akong kalam alam kung anong nangyari at kung bakit siya nasa loob nito. Naisip ko din na baka hindi siya nagsasalita sa umaga kaya pati sa gabi ay tinatanong ko din siya, swerte nga siguro ako dahil hindi napapansin nila mama pagiba-ibang posisyon ng salamin.
Isang gabi napag pasyahan ko na kausapin siya sa huling pagkakataon, ‘sino ka?’ ang tanong ko, hindi na din naman ako natatakot dahil sa 2 linggong halos araw at gabing tinatanong ko siya, nakikita ko din ang itsura niya, ngunit sa di ko malamang dahilan bigla akong nilamig at binalot ng kaba dahil hindi ko inasahan ang sumunod na mangyayari.
Ngumiti siya sakin ng sobrang laki na halos kita ko na ang kanyang gilagid at kita ko rin kung paano dumugo ang dulo ng kanyang labi dahil sa sobrang lapad ng pagkakangiti, wala pa rin siyang mata ngunit may lumalabas na kung anong itim na likido na tila nag sisilbing luha.
Hindi ako makahinga sa sobrang takot dahil sa aking nakikita, kaya pinikit ko ang aking mga mata.
Napamulat ako nang maramdaman kong may naka baon sa dibdib ko mula sa likod na kung anong bagay na Matulis. Kita ko si mama na umiiyak at nakatingin sakin, ‘ibalik mo na siya’ sambit niya saakin.
Hindi sa hindi nila napapansin ang pag ibang posisyon ng salamin, kundi matagal na niyang alam na hindi ako ang anak niya. Namatay ito dahil napagtripan ito ng grupo ng mga kalalakihan at itinapon sa ilalim ng punong Narra. Tinanggal ang mga mata nito at ginahasa dahil sa takot na baka pag nakatakas ay makilala sila.
Wala akong naging ibang reaction kundi mapa ngiti ng mapait at tumingin sakanya na may lungkot sa aking mata. Kahit kailan ay hinding hindi ko mapapalitan ang kanyang anak na minahal, kahit pa gayang gaya ko na ang itsura niya.
BINABASA MO ANG
Bedtime Stories Compilations
Terrorᴀʀᴇ ʏᴏᴜ ᴀʟᴏɴᴇ? ᴡᴀʀɴɪɴɢ: ᴛʜɪs sᴛᴏʀɪᴇs ᴡɪʟʟ ᴍᴀᴋᴇ ʏᴏᴜ ғᴇᴇʟ ɢᴏᴏsᴇʙᴜᴍᴘs ᴀʙᴏᴜᴛ ʜᴏʀʀɪғʏɪɴɢ sᴄᴇɴᴇs ᴏʀ ᴇxᴘᴇʀɪᴇɴᴄᴇ ᴏғ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ.