4

92 1 0
                                    

Justine POV

I'm on my way to the hospital kung saan tinakbo si Ly and grabe yung kaba ko while driving kaya dinadahan dahan ko lang kasi baka ako naman maaksidente at hindi ko pa mapuntahan si Ly.

When i arrived at the hospital dumiretso agad ako sa nurse station and asked kung nasaan si Ly, and while waiting sa sagot ng nurse bigla kong nakita si tita Mozzy. "Tita"

"Justine" sabay beso sakin

"Tita where's Ly? How is she? Is she okay now? " Sunod sunod kong tanong kay tita

"Hey hey, Alyssa is okay now but the doctor said that she has a dengue." Pag papaliwanag ni tita sakin.

I'm shocked. Because kagagaling niya lang sa bakasyon tas saktong uwi niya ngayon then ganito yung nangyari.

"Come puntahan natin kwarto ni Ly" pag aya sakin ni tita.

Nag thank you ako sa nurse before we leave and sinabi ko na din na okay na at alam ko na yung room.

Naglakad na kami ni tita papunta sa room ni Ly and nung nakarating kami sa tapat nag stop kami ni tita at nagpaalam siya sakin. "Jus gusto ko pa sana mag stay kasi gusto ko maka sure that Alyssa is okay pero i need to go na kasi i need to attend a meeting dahil papalapit na yung season and hindi pwedeng dalawa yung magbababantay kay Ly. One companion lang pinapayagan ng hospital."

"It's okay tita ako na po bahala kay Ly, makakaasa po kayo."

"Thank you, Jus. Thank you so much. Tatawag ako after my meeting para macheck ko kayo and if ano na kalagayan ni Ly."

"Yes tita, magtetext din po ako sainyo to update u and Kiefer po sa kalagayan ni Ly. "

"Oh paano ikaw na muna bahala kay Ly ah, naibilin na din kita sa doctor niya. Mauuna na ako Jus. Salamat ulit "

"Go ahead po tita mag iingat po kayo" pag papaalam ko kay tita and nag beso na kami at umalis na din siya.

After umalis ni tita pumasok na din ako sa room ni Ly and naawa ako sa itsura ni Ly pagpasok ko kasi this is the first time na nakita ko siyang nasa hospital at may mga nakaturok sakanya. Lumapit ako agad sakanya at umuponsa tabi niya. "Ly, wake up na. Ano ba kasi ginawa mo doon at nagkaganyan ka pag uwi mo dito." Pagpapakausap ko sakanya.

Tinext ko na din si Kief na andito na ako sa hospital at inupdate ko na mukhang tulog pa si Ly kaya hindi ko pa makausap. Hindi din naman din nag rereply si Kief so i think nag papractice na sila kaya nag phone muna ako.

After an hour gumising na si Ly kaya tumayo ako agad to check her. "Hey Ly, kamusta? May masakit ba? May kailangan ka ba? " Tanong ko sakanya.

"Jus" nanghihinang sabi ni Ly

"Hey don't move na muna Ly. Hindi pa kaya ng katawan mo. How are you? Okay kana ba? May masakit sayo?"

"I'm okay na Jus medyo nahihilo na lang"

"Are you sure? "

"Yes, btw where's tita?" Tanong niya sakin

Sinabi ko naman sakanya kung nasaan si tita at yung dahilan bakit ako yung nandito.

"Thank you, Jus. Thank you for being one call away"

"Hey stop ano ka ba okay lang yon at mas panatag ako na ako yung nandito sa tabi mo para makasure ako na okay kana" sabi ko sakanya at smile.

Bigla naman nag ring yung cellphone ko. "Si Manong" sabi ko kay Ly kasi nakatingin siya sakin. Sinagot ko naman agad.

"Hello Nong" sabi ko then inispeaker phone ko para marinig ni Ly.

"Jus, how's Alyssa? Gising na ba siya?"

"Ah yes Nong kagigising lang niya you want to talk to her?"

"Yes Jus pls and facetime sana. Salamat"

"Arte" bulong ko tas tumawa, natawa naman din ng slight si Ly then nilipat ko na sa facetime at binigay ko kay Ly.

"Hey" Alyssa

Alyssa's POV

"Hey"

"Babe" mahinhin na sabi ni Kief

"Hmm" nanghihina kong sagot

"How are you? Okay ka lang ba? Ano ba nangyari bakit naman umabot sa ganyan?" Nag aalalang tanong ni Kief

"I'm okay na medyo nahihilo na lang tsaka nanghihina pa din"

"Babe, ano ba kasi nangyari? Nag aalala na ako sayo."

"I'm okay don't worry about me mag focus kana muna jan sa practice niyo"

"You think makakapag focus ako dito ngayon sa ganyang kalagayan mo? Nag aalala na ako sayo. Jus" paghahanap niya kay Jus. Binigay ko naman yung phone kay Justine

"Yes Nong?"

"Ano daw nangyari?"

"May dengue daw Nong yon din yung sinabi ni tita sakin before she leaves. Hindi ko pa nakakausap yung doctor din eh pero maya maya tatawagin ko para din masabi ko na gising na si Ly."

"Dengue?! What? Why? Babe?"

"Yes?"

"Why dengue? Of all people naman na nandoon bakit naman ikaw pa natripan ng mga lamok don" iritang sabi ni Kief

"Calm down nong"

Napabuntong hininga na lang si Kief at kinausap si Jus

"Jus update mo na lang ako ulit ah. Mamaya na lang ako ulit tatawag para makapag pahinga na ulit si Ly. Thank you Jus"

"Yes Nong tawag ako mamaya kausapin ko din muna doctor na tumingin kay Ly para malaman natin ano na mga gagawin."

"Salamat Jus. Pabigay kay Ly saglit yung phone" inabot naman sakin ni Jus yung cellphone niya.

"Babe please take a rest okay? Kaya yan ha, wag matigas ulo please kung ano yung bilin ng doctor sundin at kumain ka please dahil kailangan mo magpalakas at may mga iinumin kang gamot." Tumango naman ako

"Sorry love" biglang sabi ni Kief kaya napatingin din ako ng diretso sakanya

"Sorry for what?

"Sorry if wala ako sa tabi mo ngayon. Sorry kung hindi kita napuntahan agad jan."

"Hey love it's okay. Andito naman si Jus hindi naman ako papabayaan neto okay? Wag na masyado mag worry. Mag focus ka muna jan sa practice niyo."

After the call umupo din si Jus agad at kinamusta ko. Sinabi ko na okay lang at talagang nahihilo na lang kaya umalis muna siya para puntahan yung doctor and while waiting sakanya nag scroll muna ako sa phone ko and nag update na din ako kay Vania at sa teammates ko especially sa management. Lahat sila nagulat at nag aalala well ganon talaga because wala naman nag expect samin kahit ako na ganito yung mangyayari knowing na we have a tournament na paparating.

Cainta is Home 🤍Where stories live. Discover now