Justine's POV
Inaayos ko na yung gamit ni Ly ngayon dahil pauwi na kami. Yes ididischarge na siya today kasi wala na mang nakitang iba sa mga test na in-undergo sakanya but still she needs to rest a lot and imomonitor pa din siya ng mga doctor kasi kailangan niya pa din mag under go sa iba pang mga test just to make sure na she's totally okay.
"Ly" pag tawag ko sakanya sa CR kasi nag CR siya saglit at nakabantay lang ako kasi she's not that strong enough pa din para makaya niya kumilos mag isa. Nanghihina pa din siya kaya kailangan pa din talaga niya ng alalay kapag ganito na kailangan niya tumayo tayo.
"Jus i'm done na"
"Open ko na yung door ah" inopen ko naman na yung door and tinulungan ko siya na umupo sa wheel chair and inayo yung gamit na kailangan pa namin iuwi.
After ilang minutes natapos na din ako and saktong pag pasok din ni tita Mozzy saying na okay na yung nga bills and all nakausap na din yung doctor regarding sa pag momonitor kay Ly. All her bills pala sinagot ni Kiefer ayaw sana ni Ly kaso wala na din siya nagawa, wala soyang lakas pa para makipag talo kay Kief kaya hinayaan niya na din siguro.
Tulak tulak ni tita yung wheel chair ni Ly at dala ko naman yung isang bag and yung ibang gamit inuna na sa sasakyan ni kuya June.
"Are you okay there Ly?" Tanong ni tita kay Ly
"Ah yes tita, thank you po"
"Malapit na tayo sa parking, papabilisan ko na din konti pag ddrive ni kuya June para din makauwi tayo agad at makapag pahinga ka."
"Thank you tita"
Nakasakay na din kami agad sa sasakyan at dumiretso sa cainta. Hindi si Kief ang nag sundo sa amin kasi nasa practice siya pero oras oras din tumatawag if kamusta at nakauwi na daw ba kami, kada break time ata nila yung oras non sa pag tawag sa amon na lang niya nalalaan eh.
After ilang minutes nakarating na din kami sa Cainta at nakita namin si Karlo na nakaabang sa gate. Bumaba na din kami agad at binuhat ni Karlo si Ly pababa sa wheel chair at siya na din nag tulak neto at ipinasok sa loob.
"Kuya, patulong na lang po sa mga gamit. Salamat po" after non pumasok na din ako sa loob at dumiretso sa kwarto nila Kief dahil andon na siya diniretso ni Karlo.
Alyssa's POV
Andito na ako ngayon sa kwarto namin ni Kief nagpapahinga. Actually nanghihina pa din ako, hindi ko pa din talaga kaya gumalaw ng sobra pero hindi na siya ganon kalala kagaya nung unang araw ko sa hospital.
-----
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako ulit. Well hindi ko na din talaga mapapansin dahil wala din naman ako ginagawa dito sa kwarto, okay na din to kasi nakakabawi yung katawan ko ng pahinga.
Gagalaw na sana ako nung naramdaman kong may parang mabigat sa gilid ko pag tingin ko nakita ko si Kief na nakahiga sa gilid ko at yung kamay niya nasa ulo ko habang tulog
"My Kiefer Isaac" sabi ko sa isip ko
Nakatulog na siguro habang hinihintay ako magising, pagod din kasi to sa practice nila. napagalaw ako konti kaya gumalaw din si Kief at nagising
"Babe gising ka na pa, sorry nakatulog ako. How are you? Okay ka lang ba? May masakit? May kailangan ka?" Sunod sunod na tanong niya natawa naman ako konti at hinawakan yung kamay niya
"I'm okay aayusin lang sana kita kaso nagising naman kita"
"Kamusta pakiramdam mo?"
"Medyo okay na i think pero mabigat pa din talaga yung pakiramdam ko, medyo hirap pa din ako sa pag hinga and masakit pa din ibang parts ng katawan ko but other than that okay naman na"
"Sino ba kasi yung lamok na kunagat sayo para mabalikan ko. Sa lahat ng kakagatin niya ikaw pa ako lang may karapatan kumagat sayo." Hinampas ko naman siya
"Aray babe!"
"Tumigil ka nga jan, may sakit na nga ako nagbibiro ka pa jan"
"Joke lang naman babe eh, pinapatawa lang kita. May gusto ka ba kainin babe? Mag 6PM na din you need to drink your meds na din eh "
"Wala naman, kung ano na lang din siguro yung food na naka prepare for dinner okay na ako don"
"Are you sure?" Sasagot na sana ako nung may kumatok sa door. Tumayo naman si Kief at binuksan yung door. Si tita Mozzy pala
"Yes ma, bakit po"
"Tatanong ko lang sana kung kakain na si Ly, nagpaluto ako ng food for her. Nasabi ng doctor kasi sakin yung mga food na pwede niyang kainin"
"Ah ganon ba ma sakto kasi inaaya ko na din si Ly na kumain kasi by 6PM kailangan niya na uminom ng gamot kagaya ng sabi ni Jus. Sinend niya sakin yung time ng pag inom ni Ly ng meds eh."
"Babe, punta lang akong kitchen ah. Prepare ko lang yung food mo okay?" Saba smile sakin.
"Thank you" smile ko pabalik sakanya. Lumapit naman siya sakin at umupo sa gilid ko.
"Always welcome my love. Magpagaling ka agad ha? Namimiss na kita" sabay kiss niya sa noo ko, medyo tinagalan niya kaya napapikit din ako. After a minute inalis na din ni Kief yung labi niya sa noo ko.
"Wait for me here okay, prepare ko lang food mo" tumayo na din siya at lumabas na ng kwarto.
Kiefer's POV
Pagkalabas ko ng kwarto namin ni Ly dumiretso na ako ng kitchen at naabutan ko si Mama na inaayos na sa tray yung food ni Ly.
"Ma"
"Oh Nong saglit matatapos na 'to yung Vegetable juice na lang ni Ly. Sabi din kasi ng doctor na kailangan ni Ly ngayon ng madaming fluids sa katawan niya para maiwasan yung dehydration eh nung nag research naman ako sabi okay daw yung mga vegateble juice kasi it will provide you daw the right nourishment and it will keep you healthy at the same time. Kaya sabi ko kay Yaya nors bawiin na lang namin sa vegetable juice kasi hindi ganon kadami food ni Ly dahil kailangan niya nga ng light na food lang para mas mabilis yung pag digest niya ng food." Pagpapaliwanag ni Mama sakin habang inaayos niya yung food ni Ly. Napangiti naman ako pagtapos ni mama magsalita, bigla naman siya napatingin sakin kasi wala ako sinagot after niya mag salita.
"Oh, okay ka lang ba?"
"Ah yes Ma. Ang saya ko lang kasi ang hands on mo kay Ly."
"Aysus ang Manong naman. Ano ka ba, si Alyssa yan hindi na iba sakin or sa atin dito yan. Simula nung dito na siya sa atin tumira hindi ko na tinuring na iba yan. Anak na din turing ko jan, kami ng papa mo. Siya ang tumayong ate kay Dani at sa pamilya natin. Ang laki ng saya na dinulat niya sa bahay na 'to. Kaya maliit lang tong ginagawa ko ngayon para sakanya. Tayo na yung pamilya ni Alyssa dito sa Manila, kaya tayo dapat yung unang malalapitan at maasahan niya sa ganitong sitwasyon na nangyayari sakanya."
"Thank you, Ma. Thank you sa lahat. Sa pag tanggap kay Ly lalo yung pag tulong sakanya para madala agad sa hospital nung nahimatay siya at ngayon sa pag tulong sakin sa pag aalaga sakanya. It means a lot to me, Ma. Sobrang na appreciate ko po and i know Alyssa too. Thank you so much, Ma."
"Alyssa has a place here sa house anak. Alyssa will always have a special place sa mga puso nating lahat. Hindi na lang dahil girlfriend mo siya. Kundi dahil siya si Alyssa na minahal nating lahat. Naging parte na siya ng buhay at ng pamilya nating lahat for the longest time kaya maliit na bagay lang tong ginagawa ko para sakanya. She deserve this kind of treatment. Deserve niyang mapaligiran ng mabubuting tao dahil siya mismo ang bait bait niya. Kaya kahit sino, kahit hindi tayo hindi magdadalawang isip na gawin tong mga bagay na 'to para kay Alyssa because this is her home, Anak. This house will always be her home." Pagpapaliwanag sakin ni Mama kaya pag tapos non niyakap ko siya at nag thank you ulit.
"Sige na at ang drama na natin oh yung pasyente natin don baka gutom na at kailangan pa uminom ng gamot non" natatawang sabi ni Mama sakin kaya kinuha ko na din yung tray na may lamang food ni Ly at pumunta na sa kwarto namin.