~~~
[LALAINE]
"Don't think about what comes after or what came before..."
I ended the song after strumming the last part. Nandito kami ngayon ni Jared sa kwarto ng condo ko pagkatapos naming kumain sa labas. Ayaw pa nga niya pumasok pero tinulak ko siya sa loob kaya no choice siyang pumasok at umupo sa kama ko.
Tumingin ako sa kanya. After I was done playing Ride, tinignan niya ako na para akong santo. His eyes were full of admiration and a small smile formed in his lips.
"Okay ba? Sabihin mo okay lang," Banta ko habang tinabi si Ryan.
Tumango siya. "It's good."
Lumapit ako nang kaonti sa kanya. Nakita ko kung paano lumaki ang mata niya at biglang umatras sa aking pag-abante.
"Galing ko noh? Beginner pa 'yan! Bilib ka na ba sa 'kin?" The playfulness in my tone didn't escape his hearing.
He looked away and cleared his throat. He pursed his lips and looked back at me again, but this time he leaned forward and locked his eyes on mine.
"You're so full of yourself," He chuckled.
I chuckled and backed away. Alam ko naman nagbibiro siya, 'di ko lang ine-expect na he would ride along. Tumayo ako at kinuha ang acoustic guitar ko. Bumalik akong umupo nang maayos sa kama para magkatabi kami.
"Eto, turuan kita," saad ko sabay lagay ng electric guitar sa kandungan niya.
"Basic muna. Ito C major..."
Nilagay ko ang braso ko around his shoulders para mas ma-gabay ko siya sa pag-execute ng chords at strumming. Hirap pa nga ako kasi ang broad ng shoulders at ang liit lang ng braso ko!
Nung hindi ko na kaya ang kaliitan ng braso ko, tumayo ako at pumunta sa likod ni Jared. Lumuhod ako at lumapit sa kanya, sapat na nagdikit ang dibdib ko sa likod niya. Nilagay ko ang braso ko sa magkaliwang shoulders niya. He hitched a breathe while I continue teaching him some chords.
Habang tinuturuan ko siya ng chords, nahawakan ko ang kanyang daliri at kamay. Ang tigas na may pagkalambot?! Ewan ko ba! Wala bang pangit na panlabas na anyo etong si Jared? Pati siguro dumi ng kanyang kuko ang ganda parin tignan pero syempre wala siya nun. Hygienic kaya 'to!
"Alam mo na?" Tanong ko pagkatapos kong turuan ang limang basic chords.
He looked up to me and I swear, I thought my heart was going to explode. Ang gwapo niya sa ganitong posisyon! Klaro-klarong ang brown at singkit niyang mata, ang makinis niyang kutis na parang hindi nababahiran ng ibang nilalang. At ang lips, mga vebs... Ang pink at basa ng lips! Sarap...
"I didn't catch any of it," He said.
Nagising ang diwa ko nang may sinabi siya sa 'kin. Binalik ko naman ang kamay ko at tinuruan siya ulit paano mag gitara.
"Okay na? Madali lang-"
"No. Hindi ko pa kabisado," He cut me off.
Kumunot ang noo ko. Akala ko ba matalino 'to? Ba't biglang humina ang utak? Sabagay may mga taong academic smart pero wala namang common sense kaya wala ako sa posisyon mang-judge.
Nang makita ko na sakto ang chord na ginawa niya, lumapit ako hanggang sa magkalapit ang aming mukha at ginabayan ang kanyang isang kamay sa pag strum.
"Tapos strum mo 'to..." I whispered in his ear.
I looked at him in his side and I can see beads of sweat forming in his forehead while his ears are turning in a shade of red. He cleared his throat and backed away a little, just enough to have space in between us.
BINABASA MO ANG
Total Eclipse
Humoran epistolary. Wherein Lalaine Naillea Gutierrez from St. Gregory University shoots her shot to University of Santa Marianna's star soccer athlete and dean's lister, Edin Jared Filiente. Start: August 03, 2022