65

463 19 23
                                    

~~~

[LALAINE]

Nandito kami ngayon ni Jared sa living room ng condo ko. Naka-upo kami sa carpet na naka indian seat habang tinuturuan niya ako sa mga topic na 'di ko kabisado.

Ayaw na niya sa kwarto ko baka matuloy na talaga ang naudlot naming halikan.

"So you have to..." He explained thoroughly with hand gestures and pointing out the notes he made.

Kumunot ang noo ko kasi hindi ko talaga maintindihan! Tanggap ko naman na bobo ako pero hindi ko tanggap na habang buhay na akong maging bobo.

"Paano?!" Bulalas ko.

He looked at me and chuckled. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Pinagtatawan ba niya ako?! Hindi porket may gusto ako sa kanya at alam niya 'yon ay tatawa-tawa lang siya sa sitwasyon ko!

Infairness, ang gwapo ng tawa. Nakakahulog ng panty kong kulay pink na barbie.

He held my waist and pulled me closer to his side. My breath hitched at his sudden movement. Ang gagong 'to bigla bigla nalang nangtsa-tsansing! Ulitin mo pa!

"Basically..." He started explaining again and this time, medyo gets ko na. Pero mas lamang lang talaga ang 'di ko gets.

"Now try this," He scribbled a new problem for me to answer.

He gave me the paper with his problem and watched me answer it. Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot. Ang gwapong mukha ni Jared ay naka-ngiti na naghihintay na sumagot ako sa problema niya.

Syempre kailangan natin ng inspirasyon!

He gave an encouraging nod and pointed the paper with his head, telling me to start answering. Huminga ako ng malalim at binasa ang problema.

Putangina.

Anong pinagsasabi nitong problema ni Jared? Totoo ba 'to? Related naman ang problema kaso 'di ko parin alam. Shit na 'yan. Isip-isip, Lalaine. Huwag kang pahiya sa tabi ng taong gusto mo.

Nagsimula akong sumagot. Habang patagal ang pagsulat ko, patanggal naman ng braincells ko. Mag shift nalang kaya ako? Pero sayang ang oras. Ginusto ko naman mag MassCom kaso parang mas bumobo ako dito sa course na 'to.

Naramadaman ko ang marahang paghaplos ni Jared sa kamay kong kanina pang naka-tap sa hita ko. He told me to relax and held my hand tight. Hindi ko napansin na naa-anxious na pala ako kakasagot sa pisteng ito. Kahit papaano, nawala naman ang negatibong pakiramdam.

Nang patapos na ako, nagaalinlangan 'kong binigay kay Jared ang papel na may sagot. He took it without leaving his hand on my hand.

"Tama ba?" Nerbyos kong tanong. Syempre kinakabahan ako!

Unti-unting nagsalubong ang kilay niya at ni-squint niya rin ang mata niya. Parang hindi siya makapaniwala na nasagot ko 'yan. Sa mukha niya pa lang alam ko na, magshi-shift na ako ng course.

Padabog kong binagsak ang ballpen at yumuko sa maliit na table sa harap namin. I rested my head on top of my arms and hid from embarrassment and in irritation.

"Ayoko na! Pakuha nalang ako kay St. Gregory sa langit!" Iyak ko.

He laughed and I can feel his hand around my slouched back. He hugged me lightly as I felt his chin resting on the back of my head.

"It's okay, baby." He said, gently. "Let's just try again, okay?" and with that, he planted a little kiss on my hair.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. I met his gentle eyes. Ang singkit niyang mga mata at ang soft smile niya ang nagpapa-remind sa 'kin na kaya ko pang mabuhay.

"There's nothing wrong with mistakes. Important thing is we get to learn from them. No one is perfect naman," He said as he fixed some strands of hair on my forehead.

"Mayroon kayang perfect na tao!"

"Sino?"

"Ako!"

He laughed. "Right. But perfect people are also people. They make mistakes. That's why some people called it perfectly imperfect."

Ngumuso ako at umayos ng upo. Siya na ngayon ang dumikit sa 'kin at kinuha ang notes, papel, at ballpen na tinapon ko.

"Now let's start again, okay?" He said and I nodded.

Total EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon