CHAPTER:(THIRTY TWO)

28.5K 185 17
                                    

CHAPTER:(THIRTY TWO)

Sabay kaming pumasok ni Lenard sa school halos napapatingin samin lahat kasi naman dati ako nga yung panay ang dikit sa kanya pero ngayon nakaakbay pa siya sakin habang naglalakad kami sa campus.isang malaking milagro na nga ata yung nangyayari

oh,ang sweet niyo ata ngayon ah.puna samin ni Nina

ganun talaga para mag grow naman ang pag-iibigan namin.sabay kindat na sabi ni Lenard na ikinangiti ko lang

naks!kayo nang dumadamoves,haha.bigla naman dumating si Odin na ikinatahimik ko,pinagmasdan ko si Lenard pero nanatili lang kalmado ang expression nang mukha nito

mukhang ok na kayo ah!mabuti naman.

oo nga eh..si Harley kamusta kayo?sagot nito kay Odin

ok naman,nasa work siya pero uuwi na siya mamaya..tahimik parin ako habang nakatingin lang sa kanilang dalawa,alam ko at hindi makakaligtas sa mata ko na nasaktan na naman ito

ah,ganun ba?sige punta na’ko sa room ko hinatid ko lang tong si yzhel,kita tau mamaya hah?sabay tayong mag lunch.baling nito sakin at binigyan ako nang isang mabilis na halik sa pisngi

yiieee,anong pinakain mo at nagbabago na ang ugali ni Lenard?”-Nina

wala no..natatawa kong sabi

alagaan mo yung sarili mo,kung alam mong nasasaktan kana at wala nang pag-asang tumino yung shokoy mong boyfriend umiwas kana..”-ODIN

alam ko,pero hanggat kaya ko’pa siyang mahalin maghihintay akong mahalin niya rin ako nang buo..nagkibit nalang ito nang balikat at pumasok na sa room

Buong maghapon namang naging masaya yung araw namin.hindi ko naman nakitaan nang lungkot yung mata niya habang mag-kasama kami except nalang pag sa tuwing makikita niya si Odin.ngingiti siya nang pilit pero deep inside naman alam kong nasasaktan siya

Lalo pa nga nang sunduin ni Harley si Odin sa school,nahuli ko siyang nakatingin dito nang magpaalam ako saglit na mag-ccr bago kami umuwi.pagbalik ko nakita ko siyang pinapanood si Odin at Harley na naglalambingan habang papasok nang kotse ang mga ito

Lakas loob na inihakbang ko ang mga paa ko at kinuha ang mga kamay niyang nakaikom na parang doon nilalabas ang lahat nang sakit.pagkatapos kong hawakan ang mga kamay niya sinapo ko ang mukha niya at hinarap sakin

sakin kana lang tumingin para sumaya ka,ako nalang ang tignan mo para hindi kana masaktan.hindi man ako si Odin ako naman si Yzhel na handang mahalin ka kahit na may mahal kapang iba hinawakan nito yung kamay kong nakahawak sa mukha niya

GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon