CHAPTER:(FOURTHY THREE)
Naging maayos ang paglipat namin ni Codilyn sa rest house na pinahiram muna sakin ni Throwie para sa kaligtasan ni Codilyn,narereport naman sakin lahat nang nangyayari sa trabaho ko.masyadong nagiging komplikado ang lahat dahil napag-alaman naming target talaga ako ngayon nang criminal na tinatrabaho namin
“Hon.”napatingin naman ako kay Codilyn na may dalang dalawang tasa nang kape at inabot sakin yung isa
“thank’s.”umupo ito sa tabi ko,nasa veranda kami at nakatanaw lang sa mga bituin sa kalangitan
“kamusta yung tintrabaho niyo?”napahugot ako nang malalim na hininga
“masyadong nagiging delikado ang lahat,gusto nila akong patumbahin dahil alam nilang marami na’kong nakalanap na information para mapataob ko sila.”kababakasan naman nang pag-alala ang mukha nito
“Hon,natatakot ako para sa’yo,kung..kung mag resign kana kaya sa work mo?!”ginagap ko naman yung dalawang kamay nito
“hindi maari sweety,masyado na’kong maraming nalalaman para mag resign pa,kung mag reresign ako siguradong itutumba din nila ako.”bigla naman itong yumakap sakin
“basta Hon,palagi lang akong narito para sa’yo at pangako hindi na kita susuwayin at hindi ko na aawayin si Ara para hindi ako makadagdag sa problema mo.”binigyan ko naman ito nang pinong halik sa noo
“salamat,basta dito ka lang sa tabi ko at ipangako mong hindi ka aalis nang hindi ako kasama?”tumango naman ito
“promise Hon!”mas lalo ko itong niyakap
Natatakot ako sa maaring mangyari,napaka tindi nang sindikatong kinahaharap ko ngayon,napaka lakas nang pwersa nito at sure ako talagang hindi nila ako titigilan hanggat hindi ko naititikom yung bibig ko at hanggat nasa akin parin yung Cd na kinakailangan nang mga ito para mas mapatindi pa ang pwersa nang sindikato nila.
Kinabukasan,pumasyal muna kaming dalawa sa picnic grove,nag zipline din sila,na enjoy namin ang araw na magkasama kaming dalawa pero ang hindi ko inaasahan ay ang pangyayaring hindi ko lubos na maisip na mangyayari saming dalawa.
“Hon,cr muna ako hah?!”nakangiti akong tumango rito habang hinihintay itong matapos mag cr,nasa isang restaurant kami para dun kumain nang tanghalian
Habang hinihintay ko si Codilyn at yung inorder namin,napatingin ako sa grupo nang mga lalaki na kilalang-kilala ko kung sino,miyembro sila nang sindikatong gustong patahimikin ako,dali-dali akong tumayo at hindi nagpahalata sa kanila.
Pumunta akong cr,sakto namang palabas na si Codilyn sa Cr,agad ko itong hinatak at inakbayan,sinubsob ko ang mukha nito sa dibdib ko,mabuti nalang at may suot siyang shades at cap,halata namang nagulat ito sa ginawa ko
BINABASA MO ANG
GETTING TO KNOW EACH OTHER ON BED(completed)
Storie d'amorethis story is not suitable for very young audiences parental guidance is advised..so ayun bawal ito sa mga hindi green kea kung hindi pa kaya nang utak.huwag nang basahin para hindi mabigla ok..payo lang..pero sa mga kaya naman at talagang may muwan...