CHAPTER 7

83 2 0
                                        

CHAPTER 7 - I FELT THAT!

"Okay ka na? Wala na bang masakit sa'yo? Kamusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo? Nilalagnat ka pa?"

"Okay na talaga ako, Camille. You don't need to worry too much. I won't die on a mere fever."

Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya bilang paalala na maayos na ang pakiramdam ko at hindi niya na kailangan pang isipin ang aking kalagayan.

She sighed exhaustedly.

I'm glad that she's worried about me even though we barely knew each other. She's reliable and she cares too much for someone like me.

"Eh, nag-alala lang talaga ako. Kinabahan kasi ako kanina noong nakita kitang nakahandusay sa kalsada. Akala ko kung napano ka na." Napahawak siya sa dibdib niya at mariing pinikit ang mga mata.

I didn't lay down on the floor, though. I was sitting and the annoying ghost just watched me suffer in pain.

Speaking of which, Felix hasn't returned yet. A while ago inside the clinic, he left without saying anything. It's his fault if he ever gets lost. Hinding-hindi ko siya hahanapin.

"Brooke looks okay to me. Saan ka ba nadapa? Baka nagkasugat ka." Nilingon ko si Alex na nakaupo ngayon sa tabi ko. I wouldn't notice him if he hadn't spoken to us.

"Wala naman siguro." I checked my arms and knees to see if there were indeed wounds.

There was a small scratch on my left knee and there was also a wound on my right elbow, but surprisingly, I didn't feel anythingn at all. Like it doesn't hurt.

Dali-dali ko iyong tinago nang lumapit si Camille sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Nasa gitna nila ako ni Alex.

"Wow! Worried much? Siya nga pala, bakit nandito ka, Pres? Hindi ba grade 12 ka na? Hindi dito 'yong building ninyo 'di ba?" Nag-iba ang tono ng boses ni Camille. Tono ng taong nang-aasar.

Tumingin ako kay Alex at nakita siyang nag-iwas ng tingin.

"Huh? Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?" He said defensively.

Camille shrugged her shoulders while smiling like she was onto something. "Pwede naman pero hindi ka naman pumupunta rito dati, eh. Minsan lang kapag napapadaan ka. Hmm, bakit kaya?" Natawa siya sa sariling sinabi at bigla akong inakbayan.

Camille's acting weird right now. She's much weirder than Felix. If she can see Felix, I bet they'll get along well.

"Bakit mo ba kasi tinatanong? Makaalis na nga." Biglang tumayo si Alex pero kaagad siyang pinigilan nang natatawang si Camille.

"Grabe naman, Pres! Hindi ka na mabiro!" Humalakhak siya at hinampas sa braso si Alex.

I saw how he rolled his eyes at her. I have no idea if they are best friends but I can tell that they're really close to each other. Malalaman mo na kaagad sa mga biro nila sa bawat isa.

"Ewan ko sa'yo, Ca-"

"Hey!"

Lahat kami napalingon sa likuran ng biglang may sumigaw.

It was Vera Alegre.

She was confidently standing at the side of the door, looking unbothered. Her face looks so angry all the time. I have no idea if it's her resting face or she's just always mad.

"Hi!" Magiliw na kumaway si Camille sa kaniya.

Pres just nodded his head. And me? I didn't say or do anything. I'm just standing between them.

I heard Vera hissed.

"Don't hi me! Aren't you forgetting something?" She asked furiously.

Lumapit siya sa amin at tumigil sa harapan ni Camille. Matangkad siya kaya kinailangan niya pang yumuko para matitigan si Camille.

The Present Is You (You Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon