Chapter 3: What happened?!

233 6 0
                                    

late update na naman po kasi busy sa js prom namin at palagi na ding may assignments dahil sa mga student teachers kaya sorry po ha..mahirap talaga life ko ngayon >.<

---

          Dumating na kami sa bahay nila Steffi at wow, malaki ito pero mas malaki pa sa amin, indi sa pagmamayabang ako, I’m just telling the truth. xD

          Dalawang palapag ito at maganda din ang paligid, tanaw na tanaw iyon kahit hindi pa buksan ang gate.

          “Ano po kailangan niyo sir?” tanong ng guard nila Steffi nang makalapit ito sa sasakyan ko.

          “Ako po’to kuya Noland,” sabi ni Steffi sa guard na Noland ang pangalan.

          “Ma’am Steffi kayo pala…”

       “Oo pwede buksan mo ang gate?” utos niya/

          “Okay po,” at agad binuksan ang gate.

          May fountain din doon na madadaaanan mo. Malaki at malinis ang yard nila.

          “Salamat sa paghatid,” sabi ni Steffi.

          Agad akong bumaba at binuksan ang pinto nito sa sasakyan, kunwari gentleman.

          “Salamat,” ulit nito.

          “Saan daddy mo?” tanong ko .kao;angan naming ipaalam nito para hindi na din ito mag-alala o mamroplema man lang, baka kasi atakihin sa puso.

          “Bakit?”

       “Sagutin mo na lang tanong ko, pwede?”

       “Aba, malay ko! Kakarating ko pa mga lang diba?”

       “Kahit ba ngayon, ganyan ka pa rin!”

       “Paki mo ba ha!”

          “May paki ako kasi ako ang ama ng dinadala mo!” sigaw ko.

          “Anong dinadala niya?” biglang lumabas ang isang matanda sa bahay nila Steffi, nakarobe ito ng pula.

          “D-dad,” nabubulol na sabi ni Steffi.

          “Ama mo?” tanong ko sabay turo sa matanda.

          “Dad, wala poi yon. Pasok na nga po tayo sa loob maaga pa ang trabaho niyo,” sabi ni Steffi.

          “Buntis po anak niyo,” matapang kong sabi. Wala na akong paki kung papatayin ako ng matanda basta masabi ko lang ang totoo.

          “Ano?”

       “D-dad, s-sorry…” umiiyak na naman si Steffi.

“Pumasok kayo sa loob, pag-uusapan natin ito,” yun lang ang sabi ng matanda.

Umupo ako sa sofa katabi ko si Steffi at katapat namin and daddy nito. Ganda ng loob nila, parang mansion pero mas gusto ko sa amin kasi ag bahay nila Steffi parang pang prinsesa, too girly.

“Paano ito nangyari?” tanong ng dad ni Steffi matapos ag malaking buntong hininga.

“Nagyaya po ako sa kanya mag-inum kagabi hanggang malasing kami at hindi ko na namalaya ang sumunod na pangyayari,” sabi ko.

Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon