Chapter 1: Ms. Know-it-all has a boyfriend?!

383 7 2
                                    

Sorry kung matagal kung na-update, busy sa school eh. . . raming gastusin, di naman kami mayaman =_____________________=

Pero atleast nakapag-update ako diba kaysa hindi na talaga?? Sa totoo lang, sinulat ko ito sa isang notebook kasi kapag di ko type makinig sa lesson eh nagsusulat ako at nagustuhan naman ng classmate ko kaya nagsuggest ang isa kong classmate na siya magtype hanggang CHAPTER10 nga lang. . . Pero okay lang, mabait ako eh xD

Kaya I'll dedicate this chapter kay NikkeMarielAguilar na sana i-fan niyo din. And salamat pala kay Ranica Cabel sa ballpen kasi dahil sa kanya nakasulat ako, hahaha XDDD

Sige na sa story na tayo. . .Pagpasensyahan niyo din po ang pagkawrong grammar ko, tao lang po ako. . .

------------

          “Yo! Ms. Know-it-all, pwede magtanong?” sabi ko ni Ms. Know-it-all a.k.a Steffi Riley, ang pinakananing sa aming lahat! Nagbabasa na NAMAN ito ng libro na iwan ko ano ang title, I’m not interested to know.

          “Nagtatanong kana nga,” sabi nito at hindi naman lang tumingin sa akin.

          “Aba!Magtatanong lang, pilosopo agad!?” nagsimula na naman ang temper ko.

          Hindi ito umimik.

          “Anyway, magtatanong  lang sana ako tungkol sa assignment natin.”

          Hindi pa din ito umimik at nagbabasa pa din.

          “Ano sagot sa 5km/hr=___kg/g?”

          Tumingin ito sa akin pero agad naman nitong inalis ang tingin at nagpatuloy sa pagbabasa.

          Ganun? Hindi ako sasagutin? ————— sa isipan ko.

          “Hoy!”mahina pa iyong sinabi ko.

          SILENCE…it irritates me!

          “Kung ayaw mo sumagot, sana sinabi mo kaagad para naman hindi ako mag-aaksaya ng panahon!” pagkasabi ko nun ay agad akong umalis.

          “Mr. Don’t-know-it-all, it’s just a simple problem with a simple answer,” agad itong nagsalita kaya napatingin ako nito with ‘WHAT’ look.

          “Wala kang sagot kung magka-ba ang mga units,” nakangiting sabi nito.

          Ako na naman ang hindi umimik.

          “Do you now understand?”

          Wala parin akong imik. Di ko gets eh…

          “Maybe this time, alam mo na,” pagkasabi niya nun ay bumalik na ito sa ginagawa niyang pagbabasa!

          “Sh** ha! Nakakairita kana!” sigaw ko.

          Tumingin lang ang mga kaklase naming sa amin at hindi man lang kami pinigilan. Palibhasa kasi sanay na sila, araw-araw nalang kasi kaming nag-aaway ni Steffi, himala lang siguro kung hindi kami mag-away. And as I can remember, there is no day/hour that we can’t have a fight in school.

          “Wag kang sumigaw, hindi ka bingi para hindi marinig ang tungkol sayo,” sabi nito at nagbasa ulit.

          “Ikaw yun, gaga!” umarap na talaga ako dito.

Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon