Chapter 30: A Life to Love

71 3 2
                                    

sorry sa wrong grammar at typos kasi sa cp ko lang 'to ginawa kasi namiss ko kayo XOXO :*









------------------------------



Andito ako ngayon sa hospital. Kaninang umaga lang kasi nahimatay ako, mabuti nalang at nandun pa si Tsuki. At ngayon naman nalaman kong mahina ang kapit ng bata na nasa sinapupunan ko. Pabaya kasi akong ina kaya pati anak ko napabayaan ko na…

Wala akong kwentang tao!

“Stef, kumain kana…” sabi ni Tsuki sa akin pero di ko siya pinansin.

“Stef, kumain kana kahit para sa bata na lang, Maawa ka naman sa anak mo,” pagkarinig ko yun hinarap ko siya at kinuha ang nakahandang pagkain para sa akin.

Pagkatapos kong kumain, hindi ko na naman siya pinansin.

Niligpit niya ang pinagkainan ko at tinitignan ko lang siya. Bago ito umalis ay may sinabi itong nagpapaiyak sa akin.

"Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Isipin mo na may buhay sa loob mo na mas ipagtuonan ng pansin kaysa ibang bagay. Tandaan mo, a child is a great gift from God that needs love and care. A child who wants to experience the word called 'LIFE'."

Ganyan na ba ako kapabaya at pati anak ko nadamay sa kalukohang babalik pa siya?

'Sorry, baby ha. Bubuhayin kita kahit wala si daddy mo. Ako ang tatayung daddy mo, ate o kuya mo. I will be your Super Mom and you will be Mommy's Little Angel.'





Days past at okay na ang kapit ni baby sa akin pero konting stress at baka matuluyan, wag sana... 2days lang ako sa hospital kasi ayaw ko ng amoy ng hospital. Sabi ng doctor, normal lang sa mga buntis ang ganoon at normal lang din na kakain ako ng stawberry at soy sauce. Hoy! Masarap kaya!

At ngayon, yan ang kinakain ko. Kanina lang umalis si Tsuki kasi may bago silang project at monthly meeting na din ng board members. May katulong na pinay akong kasama dito dahil natakot si Tsuki at baka may mangyari na naman daw sa akin at walang makaalam kaya humanap talaga siya ng katulong paglabas namin sa hospital. Pero wala dito si Luz, yung katulong, namalingki ng pangsinigang na maasim talaga. Request ko yan eh, takam na takam na talaga ako.

Patapos na ako sa strawberry at soy sauce nang may magdoorbell. Baka si Luz na iyon, hindi kasi ito mahilig magdala ng duplicate key kasi makalimutan lang din niya kaya para lang ding walang silbi ang duplicate key.

"Luz, buti at nakabalik ka agad... Kevin?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Innocent SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon