Love makes the world go round. Isang linyang simple ang gamit na salita ngunit malalim ang kahulugan. Love, Pag-ibig, Gugma. Marahil para sa karamihan, ang pag-ibig ang nag bibigay kabuluhan sa bawat tawa, iyak, mangha at takot sa mga puso natin. Pag-ibig ang dahilan ng pag ngiti ng taong umiibig. Ang pag-iyak ng taong nagalak o nasaktan dahil sa pag-ibig. Ang pagkamangha sa mga bagay na nagagawa natin dahil sa pag-ibig. At, ang naiiwang takot sa puso't isipan dahil sa kabiguan sa pag-ibig.
Ang daming explanation tungkol sa LOVE. Scientifically, may stages of falling in love silang pilit pinapaintindi. Mga kaso kung saan physiological hormones daw ang dahilan kung bakit tayo kinikilig, nag blu-blush at na e-excite whenever we see our love ones. However, No one can explains bakit higit ba sa pain scale 1 to 10 at hindi maipinta ng Wong-Baker pain scale ang aura mo sa tuwing mabibigo ka ng dahil sa lintik na pag-ibig na ito. Experts are trying to explain how our brain works when we are inlove. And, how this vital organ controls our emotional, mental and physical aspect everytime we are happy or sad because of love. But, more than those explanations is the reality na kahit ang pinakamatalinong tao ay na bobobo dahil sa pag-ibig. Bakit nga ba ganun? Bakit nga ba kay daling umiibig ngunit ang hirap makawala sa parusa't bilangguan nito?
Allow me to share to you thoughts I've learned and retold my stories about love, infatuation, failures and friendship.
1. Love is a part of our life that's indeed ironic. Imagine. Kung gaano kadali ang pagbikas, pag syllabicate at pag spell out ng salitang pag-ibig ay ganun naman kahirap aminin sa iyong iniibig ang iyong tunay na damdamin. Kung gaano kasarap ng pakiramdam na may iniibig ay ganun naman kapait ang epekto ng sobrang pag-ibig. Minsan, may tao kang mahal pero may mahal nang iba. That feeling when you finally meet the man of your standards but suddenly you knew he is married or into relationship. And the most common case is falling inlove to someone who you can't call "mine" because your bestfriends. At, aaminin ko most of the time I always end up with that story... Ang kiligin, umibig, umiyak at mawalan dahil sa pagmamahal sa taong kailanman kaibigan lang ang turing sa iyo. Sheeet. Ang hirap. =(
2. Meeting someone who suits your standards is a form of miracle. Sabi ng kaibigan ko, walang perpektong tao na papantay sa lahat ng hinahanap mo. Who says I'm looking for a perfect guy? How I wish meron.... Pero, kung mayroon man ay sure akong mag hahanap din iyon ng perfect partner nya. And, definitely I'm not that woman. Simple lang naman ang gusto ko ang makahanap ng isang lalaking mamahalin ako bilang ako at dahil ako ay ako.
Nang tumungtong ako ng adolescent stage ay nag simula akong naging curious sa tinatawag nilang love. What is it all about? What does it imply to a teenager like me? Buti nalang at nakinig ako sa Biology teacher ko na nag explain na sa panahong ito infatuation at hindi love ang karaniwamg nararamdaman. Ano nga ba ang kaibahan ng infatuation sa love? Basi sa pagkakaintindi ko, ang infatuation stage ay may kinalaman sa hormonal changes sa katawan natin. Ang endorphines, serotonin at dopamine ang dahilan kung bakit tayo na a-attract sa physical na anyo ng isang tao. Pheromones kung baga. Sabi sa nabasa ko, time bounded daw ang infatuation. Ibig sabihin madalas madali itong nawawala. Samantalang, love daw ang tawag sa pakiramdam kung saan kahit hindi sya masyadong kagwapohan, mayaman, matalino ay nanatiling attracted o attached ka sa partner mo. Lalung-lao daw pag nalampasan mo ang kilig stage. Simple pero hindi ganoon kadaling intindihin kasi may mga bagay o konsepto ang pag-ibig na hindi kayang ipaliwanag ng sensya.
Naalala ko pa noong nasa high school ako at nag aaral sa isang pampublikong skwelahan. I'm on my early teenage year pero isip bata parin akong kumilos. Siguro dahil iba ang panahon noon. Panahong mayayaman lang ang may cellphone, matatalinong studyante lang ang allowed sa computer class at hindi uso ang friendster, FB, twitter, instagram o ano pang social media apps. Kaya akala ko laro lang lahat. I never thought being attracted to someone at that young age is a form of infatuation. Kaya't dedma lang ako. Hindi naging mahirap ang lahat dahil puro kalokohan ang trip namin ng barkada ko. Akala nga nila lesbyana ako dahil hindi ako mahilig masyadong mag ayos ng sarili at palaging naka ponytail ang istilo ng buhok ko. Well, ganun siguro pag mag isa ka lang. Wala kang makukumperahan kung tama ba ang itsura mo. Nang tumungtong ako ng 4th year high school ay doon ko naramdaman na nahuhuli na ako. Pansin ko maarte na ang kaklase ko. Naka lip balm, lip color, blush-on, maarteng hairstyle. At, isa-isa ng nagkakarelasyon. Kakapressure naman.
BINABASA MO ANG
UNTITLED
Non-FictionThis is a compilation of stories and lessons behind it that changed the writer's view about life, love and happiness.