Life is indeed full of suprises. There are things in life that we never expected to happen yet did happened. We ought to meet person whom we never thought we ever met. We build relationships and keep it steady as much as we can on ways we never thought we could. We all have doubts in ourselves yet we woke up one day knowing and learning that we made something different... something we are not suppose to be "we". And, that's life.
We plan things, write goals, organize ways and as much as possible we set deadlines. But, have you ever experienced and wondered why after all the hardworks everything seems so vague. That why some situations can't be explained clearly. And, some relationships are definitely undefined. That there are some difficult times in our life that really do amaze us because of its positive effects on us. That there are unexpected people comforting us during our difficult times and those who promised to be there were missing.
This fourth note I made is a compilation of my friends' stories. And, I also included some my stories and personal insights. This note is all about love, friendship, failures, success and people. Everything underneath the mysterious journey of so-called life.
#Success ---- Marami akong gusto gawin sa buhay, marami lugar na gustong puntahan, maraming librong gustong basahin, maraming bagay na gustong makamit. At isa na doon ang pagiging isang Nurse. Hindi ko man ito pangarap ngunit hindi ko sinayang ang oportunidad na abutin ang pangarap ng magulang ko. Pero, hindi nga yata ganun kadali ang lahat. Napakahirap nga talagang ipasa ang Board Exam. Kailangan mag review ng napakaraming paksa at pag-aralan ang bawat konsepto upang mas lalong maintindihan ang mga tanong. Dapat maging handa sa bawat Test Set na nakalaan. At ang paghahandang ito ay hindi lamang pag-aaral ngunit paghahanda sa buong ikaw. And, this is preparing yourself in a holistic means.
First, physical aspect. You have to be healthy. Alam mo naman, sa dami ba ng dapat pag-aralan isama mo pa ang stress/pressure na maka pasa ay talagang dadalawin ka ng katamlayan at sakit. Para maiwasan to kailangan kumain ng tama, matulog ng sapat sa oras. Well, kung exercise ang pag-uusapan ay hindi ako expert dyan pero sabi ng ibang kaibigan ko--it's a good practice too, it will make your body and mind alert. Second, mental or intellectual aspect. This explains the need to study, review and focus on your goal. Kailangan mag set ng priorities sa buhay. Kailangang alamin kung ano ang dapat gawin ngayon, ang dapat ipagpaliban bukas at iwasan kailanman. My Logic Instructor always reminds our class on the note that "Positve thoughts attract Positive things". APRUB! Totoo nga naman 'yan. Mind set ang isang sekreto upang magtagumpay. But remember, you don't have to imprison yourself on studying only. You also have to lighten up and release stress like watching a movie, reading some comics or magazines or going somewhere relaxing. Basta ba't alam mo ang priority mo. Third, emotional or social aspect. This includes your self worth and confidence. 'Yung paniniwala mo na kaya mo. It also includes moral support from your family, relatives, friends and special someone. Nakakagaan ng feeling 'yung mayroong yayakap sa iyo at sasabihan ka ng words of encouragement. Ang simpleng ngiti, tapik sa balikat at bulong ng "Kaya mo 'yan!" ay higit na nagpapalakas ng damdamin. Last but certainly not the least is the spiritual aspect of our life. This means your faith to Him. Give time to worship Him. Show Him your love even in your own humble, genuine way. Ang paniniwalang ang lahat ay hindi aksidente at sadyang naaayon sa plano ng Diyos. Ito ang isa sa naging gabay ko. Lahat ay nakatakda sa tamang panahon ayon sa kagustuhan ng Diyos. Kaya't huwag tumigil magsipag at manalangin. Hindi mo man abot ang tagumpay ngayon malay mo bukas o samakalawa sa iyo na lahat ng parangal at tropeyo.
#HisGreatLove --- Sa buhay, ang daming pagsubok na pagdadaanan at sitwasyong dapat intindihin. Isang salik ng tagumpay ang pag-ibig. Oo, pag-ibig! Akala kasi natin ang pag-ibig ay tungkol lamang sa emosyonal na pakiramdam sa ating kapareha. Ang pag-ibig ay nakakabit sa bawat bahagi ng buhay natin. Pag-ibig ang dahilan bakit may pamilya tayo. Pag-ibig ang dahilan bakit nagagalak tayo. Pag-ibig ang dahilan bakit umiiyak at nasasaktan tayo. At, pag-ibig ng Diyos ang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay at humihinga tayo.
Kung ibabatay natin sa anatomya ng ating katawan, pansin nyo bang nagkayakap yakap ang mga internal organs natin? That's God's another way to prove and share His deep love to us.
BINABASA MO ANG
UNTITLED
Non-FictionThis is a compilation of stories and lessons behind it that changed the writer's view about life, love and happiness.