When boredom strikes... Tag ko sa isang instagram post. Isang larawan kung saan naka collage ang pa-cute kong selfie, at before-after na itsura ng kwarto ko. Nakaayos ang kama, well arranged ang mga libro, bago ang pares ng kurtinang nakasabit. Natawa ako sa ilang naging comment ng mga close friends ko. Himala! Wow! Ano'ng nakain mo? Parang hindi sila makapaniwala na naglinis ako ng bahay. Nakakatawa. However, more than all the silly comments ay mas nabaling ang atensyon ko sa mga gamit na nasama sa larawang iyon. Mga lumang gamit na nahalungkat ko. Kasama ang mga alaala ng kahapong nagdaan. Mga alaalang ang sarap balikan ngunit nakakalungkot kung ibabaling sa naging ngayon.
Isang photo album laman ang childhood pictures ko kasama ang magulang, pinsan, lolo't lola, auntie at uncle ko. Mga larawan ko ng pagkabata, mga souvenir sa bawat school activities at family outing. Iniisa-isa ko ang bawat pahina ng album at unti-unting ng throwback thursday ang drama sa puso't isip ko. Nakakaaliw balikan ang mga nakalipas na panahon lalo na ang mga mukhang hindi kapanipaniwala kung ihahalintulad mo sa ngayon. Mga larawang laman ay ngiti dulot ng tunay na pag-ibig.
May apat akong larawang nahumalingan. Apat na larawang kinunan isa iba't-ibang lugar kasama ang iba't-ibang tao sa iba't-ibang panahon. Apat na larawang ngiti at luha ang sukli sa tuwing naaalala ko ang kahapon.
Unang larawang nakakuha ng atensyon ko ay larawan ng isang batang babae na may hawak hawak na asul na lobo. Pansin ko ang galak sa mata nito, ako pa la ang batang iyon. Kuha ang larawang iyon sa may lumang cathedral. Ito siguro 'yung kinekwento ni Mama sa akin na iyak ako ng iyak ng mabitawan ko ang lobo. Napangiti ako at napatahimik. Para sa isang musmos ang pagkakaroon ng lobo o ng kahit anong klaseng laruan ay kagalakgalak. 'Yung pakiramdam mo napakaswerte mo. Lalo na't wala kang kahati.. Wala kang kaagaw.
Biglang sumagi sa isip ko ang estado ko sa pamilya...ang lumaking "only one". They say you're lucky if only child ka. Katulad sa larawang iyon, ako lang ang naging sentro ng camera. Walang ibang nakiki-eksena. Walang photo bomber. Nasa akin lahat ng atensyon, lahat ng pagkalinga. Wala kang kaagaw sa pagmamahal, wala kang kahati sa mga materyal na bagay. You own everything! Walang kaagaw sa remote control, walang kahati sa chocolate cake at walang kasiksikan sa sofa. Sana ganoon lang ka simple. Sana nga ganoon na lang. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon masayang mag-isa. Mahal ako ng Mama at Papa ko, ramdam ko 'yun. Totoo. Ang hindi ko lang gusto ay ang reyalidad na nasa iyo nga lahat pati pasakit ng pagdidisiplina, away at utos. Wala kang kahati sa responsibilidad lalo na't kagaya ko na bata pa lang ay mulat na sa katotohanang dapat triplehin ang pagpupursigi upang umangat sa buhay. Mulat na sa mga dapat bayarang utang at kahit nag-aaral pa ay may listahan ng dapat gawin na nakadikit sa noo ko. Dapat mag-aral maigi. Bawal maglakwatsa. Bawal ito. Bawal 'yan. Wala kang kasalitan. Tanggap ko naman na parte iyon ng pagkabata. Tanggap ko na obligasyon ko iyon bilang isang anak. Tanggap ko na kasama iyon sa pagbuo ng isang "ako". Hindi naman ako nanghihinayang sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Dahil, naging propesyonal ako at nag mature ayon sa kagustuhan ko. Dala lang siguro ng inggit sa tuwing maririnig ko ang mga pinsan ko na sa batang edad ay ang dami ng nagawa sa buhay. Ang daming napuntahang lugar at ang daming nakilalang tao. Samantalang ako nakasiksik ang sarili sa mga pahina ng libro dahil kailangan pumasa. Ito nalang ata ang naging paraan ko upang mapansin... Ang umangat sa klase. I got attention from people around me. Pero, minsan naisip ko may kulang sa pagkatao ko. May kulang sa pamilya ko. I need somebody to comfort me more than my mother and father does. I want a sisterly and brotherly love. 'Yung may tatawag sa iyong "ate", may magpapatulong sa iyong gumawa ng assignments, maykakulitan ka, may ka modus operandi ka at may paiiyakin ka sa lambing. 'Yung maypagsasabihan ka ng "sige, ako ngayon ikaw naman bukas". 'Yung may ka age bracket ka namakakaintindi sa pinagdadaanan mo. Hahaiiii. :( Sa tuwing nakikita ko ang mga pinsan ko with their siblings napapaisip ako "ano kayang pakiramdam na may kapatid?". Ayoko kong maging katulad ng asul na lobo na hawak ko na kapag nabitawan ay mag-isang lulutang sa hangin at mawawala sa paningin ng kawawang batang nakatanaw.
BINABASA MO ANG
UNTITLED
Non-FictionThis is a compilation of stories and lessons behind it that changed the writer's view about life, love and happiness.