Naranasan mo na ba ang sakit na tinatawag nilang LSS? LAST SONG SYNDROME or EARWORM. I have read a couple of internet article about it and most explanations were about on a psychological note. Walang sakit na LSS, ito ay cases of repeated musical cycle kung saan paulit-ulit bumabalik sa isipan ang isang awit. Awit na madalas nakahuli ng atensyon natin particulary if nakakarelate tayo nito. Nangyayari din ang LSS sa panahong tayo ay may subconscious issues, meaning its our bodies' way to express hidden feelings thru songs. At kadalasan ang LSS ay nakukuha sa huling awiting naririnig natin. Hindi man ito kasing tindi ng MERS-COV, SARS, AIDS or TB pero ang LSS ay sadyang nakakahawa. Pansin mo bang pag narinig mo ang kasama o kasabay mong kumakanta ay bigla ka ring mapapa-jam sa awit na iyon. Iba ang trip ni LSS!
It's quarter to 7AM at papunta ako sa trabaho. Ang lamig ng panahon, sarap pa sanang matulog pero kailangan bumangon. Mahirap kasi ang sakayan ng jeep sa umaga dahil kunti lang ang bumabyahe. Nang makahanap ako agad ng masasakyan ay feeling ko napakaswerte ko. Para akong batang binigyan ng kendi sa tuwa. Yes! Walang pang pasahero! Bakante ang front seat. Tamang-tama my favorite area. Wow! With music pa ang jeep. Cool.
Kung gaano kasaya ang pakiramdam ng makauna, ganun naman ka pangit ang naging reaksyon ko sa naging background song ni Manong Driver. Ang lakas makaSENTI. Talo pa yata nya ang SESSIONISTAS sa trip ni kuya. Nakaka HIGH.
Mayr'un akong nais malaman/ Maaari bang magtanong
Alam mo ba'ng matagal na kitang iniibig/ Matagal na akong naghihintay
Ngunit mayro'n ka nang ibang minamahal/ kung kaya't ako'y 'di mo pinapansin
Ngunit gan'un paman nais kung malaman mo/ Ang puso ko'ng ito'y
Pa lang sa iyo
Nandito 'to ako/ Umiibig sayo/ Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sa kaling iwanan ka nya/ Huwag kang mag alala/ May nagmamahal sayo
Nando akoWOW HEAVEN! Parang nakadrugs lang si Kuya. Nakapikit pa to hawak hawak ang manobela habang naka park at naghihintay ng pasahero. Fini-feel ata ang kanta. Tindi! Ang aga-aga naka senti song. Anong problema natin kuya? Need someone to talk to? Kalokohan naman o! Well, as if I can blame him dahil naka tune-in lang naman ito sa isang radio station. Ang sarap mag request na mag change station kaso nakakahiya. Baka akalain pa nito na affected ako. AFFECTED! Am I? I-deny ko man o hindi... the hell he cares.
I put on my earphones and try to divert my attention to my own playlist pero hindi ko magawang pindutin ang PLAY button dahil nakabaling ang mga tenga ko sa kanta ni Kuya. Para akong hinihila ng bawat himig ng kanta. Para akong dinuduyan sa ganda ng musika ngunit para naman akong tinutusok sa bawat salitang naririnig ko. Naka-earphones man ako ay nakikinig ako sa patuloy na tugtuging tagos sa puso ko. Bawat salita ng kanta ay napakasakto... nakakapaso. Dala pa ng malumay na boses ni Ms. Lea Salonga ay mas lalong naging makabuluhan ang buong awitin.
Dumating ako sa ospital, nagsilbi at tinapos ang walong oras na trabaho. Ngunit, nasa isip ko parin ang himig ng awiting iyon. Parang naka set on infinite playback mode ang kanta sa isipan ko. Napapakanta ako. Paulit-ulit. Ngunit, kasabay ng bawat pagkanta ko ay ang pag playback din ng mga alaala. Alaala ng kilig. Alaala ng sakit. Alaala kasama si Mr. X. Alaala ng kahapon. NGA-NGA!
I'm not writing this part to retold "again" my hopeless story about my love to him. But, I'm writing this to share my experiences and songs that marked a big difference on me. Mga awiting naging salamin ng katotohan sa panahong binulag ako ng takot sa puso ko. Mga awiting gumising sa natutulog na damdamin ko. At, mga awiting nag bigay pag-asa sa panahong nag-iisa nalang ako. So, put your earphones on and let's start the music trip.
Playlist #1 SENTI101 - Uso sa ating mga Pinoy ang mga awiting tagos sa puso, makapanirang panga at nakakabaliw sa kwento. Sabi nga nila, sadyang romantiko tayong mga Pinoy. Pansin mo ba na halos lahat ng pelikula ay love story at ang pamagat pa nito'y karaniwang title ng theme song. Naging bahagi ng bawat relasyon ang love song. 'Yung feeling na pagkarinig mo ay mapapatulala ka dahil naalala mo sya at ang ganda ng kahapon. Naks naman.. Kakakilig.
BINABASA MO ANG
UNTITLED
Non-FictionThis is a compilation of stories and lessons behind it that changed the writer's view about life, love and happiness.