ANDROID FIGHT
Takbo, takbo' at lakad lang ang ginawa Namin pero sadjang napaka bilis Niya at kahit Anong gawin naming pag takbo, pagliko at pagtago ay nahahanap at naabutan Niya padin kami..
Pagod na kami at nawawalan na ng lakas dahil halos magkakalahating Oras na kaming tumatakbo at nag tatago. Ayaw kaming tigilan ng nilalang na ito!
Sa kalagitnaan ng pag takbo Namin dito sa hallway kung saan Patay sindi ang ilaw ay may biglang humigit samin ni chet.
Tinutukan ko ito ng patalim pero agad din akong napa tigil ng makilala ko kung sino ito..
Gray!
"Let's Stay here till 12 am, and at exactly 1 am we will go back to our room " Gray said. Tumalikod Siya sakin at naglakad papunta sa likod tsaka Siya naupo at pumikit..
Naupo nalang din ako sa sulok kasama ng Iba pa..
Gray Lorcan, Siya pala Ang Supreme President ( lord ) ng University na ito. kilala Siya bilang Isang walang puso't brutal na presidente..
"Suguradong konti nalang ang estudyanteng papasok next week" — Klay
"Nasa 203 na ang namatay. Nasa 7,000 lang Tayo!" — Jave
Nakatingin lang ako sakanila at nakikinig. Ano bang meron sa week nato? At bakit merong ganito?
"What was bloody week for?"
Sabay-sabay silang napa lingon sakin ng tanungin ko ito..
"We don't have enough clue Veronica.. pagpasok Namin dito meron nato, Ang nalaman lang Namin ay nag start to 20yrs ago.. Isa tong sikat na university, Walang nakaka higit oh nakaka pantay dito.. Then may Isang transferee daw, sobra-sobra Ang talino Niya.. Wala siyang ginawa kundi dumiskubre ng mga bagay at lamangan lahat ng estudyante dito.. Siya din Ang dahilan kung bakit sumikat lalo Ang university nato, He's Morcha..." — Virgo
"Gumawa Siya ng underground laboratory without anyone noticing, ni Hindi din Nila napansin ang kawirdohang ikinikilos niya.. Nagimbento Siya ng mga nilalang gamit Ang malalakas na uri ng hayop. Huli na ng malaman ng head ang nangyayari.. Morcha died pero may pumalit Naman na mas baliw pa sakanya" dagdag Niya.
Tumawa Siya at umiling.
"Nakuha Niya tong university at dito na nagsimula Ang mga nakaka kilabot na Bagay" Sumeryoso Ang muka Niya ganon din ang boses Niya.
"Sunod-sunod na nawala Ang mga namamahala ng university na ito, Walang bakas na nakita at walang clue na nahap.. Dito na Nagkaroon ng Bloody week at iba pang nakakakilabot na event... Yon lang ang alam Namin."
"Eh yung laboratory?"
"Pinasabog Niya daw yon... Tapos nawala din Siya then one day inannounce nalang na meron nang bagong may-ari nitong university.."
Naguguluhan ako. Kung meron ulit pumalit oh kung merong bumili neto bakit Hindi Niya inalis to?
"Kung nagtataka ka kung bakit meron pa tong mga event well, Hindi din Namin alam" — Bryle
"Don't let your curiosity take you to death." Liningon ko si gray ng sabihin Niya ito. Naka pikit padin Siya habang naka sandal Ang ulo Niya sa pader.
Walang nagsalita samin hanggang sa may puting usok Ang lumabas mula sa apat na sulok nitong room. Lahat kami ay napa Tayo at Di nagtagal isa-isa kaming nawalan ng ulirat.
SOMEONE'S POV
Isang matandang lalaki Ang naka ngisi habang pinapanood sa screen ang mga estudyanteng walang malay. Isa-isa silang binuhat ng mga tauhan Niya at dinala Ang mga ito sa Isang malaking kwarto na mayroong daan-daang double deck.
Binihisan muna sila ng puting uniporme at sinuotan ng belt na Ang kulay ay Gray para sa mga G-12, Dark Green para sa G-11, Violet sa G10, Red G-9, at blue Naman sa G8-7.
Naka base din sa kulay ng mga belt Nila Ang magiging kama Nila, Kaya kung kulay Red Ang Isang side Doon Ang G9..
Ito Ang second event na inihanda para sakanila. Ang "Android Fight" pipili ng limang fighters sa bawat Color oh Grade level at dadalhin sila sa arena kung saan ilalaban sila sa mga A.l Robot's habang Ang mga naiwan ay dadalhin sa SD Hall kung saan mapapanood Nila Ang magaganap sa loob.

YOU ARE READING
The wicked Chaos
Mystery / ThrillerVeronica Ezea, Ang babaeng mapapalapit sa Isang mapanganib na grupo.. Ano kayang daan Ang tatahakin Niya kasama Ang mga ito? She's Veronica Ang babaeng magpaparanas ng Langit at impyerno.