The Truth

30 1 0
                                    

Chris Andrea's POV

Haaaay!!! Monday na naman.

Naglalakad na ako papasok ng school.

As usual konti palang ang tao. Ordinary school day lang kasi, no event or school activity kaya tamad ang mga studyante na pumasok ng maaga. Syempre iba ako sa kanila.

Coz I've got a lot of reasons to go to school at 6:30 kahit na 8 pa ang start ng class. Gusto niyo malaman???

Well, First of all kasama ko lang naman sa bahay ang isang JERK DOG. Second of all kasama ko lang naman sa bahay ang isang nakakainis na tao , natinubuan ng sungay. Pshh And third of all.. Gusto niyo pa bang malaman??? Haist hanggang ngayon badtrip pa din ako sa kanya. Nakakainis kasi yung ginawa niya.

Hindi lang yung feelings ko yung nasaktan pati yung kay Enzo. Grabe ang pagka- self-centered niya!! He's just thinking for his own sake. Urrrghhh!!!! WHAT A JERK!!

I supaaah dupaaah hate him. Kainis.

But for now. I need to be in a positive aura. Aba!! it's Monday and it's a start a new school week. Ayokong pati studies ko madamay noh!!

I'm not a nerd nor a grade concious. It was just like I dont wanna be referred to the famous line "Beauty with out brain."

Kaya nagpunta muna ako sa canteen para kumain. Akala niyo sa library ako pupunta noh!!! Well, mas-uunahin ko ang pagkain. Aba mahirap mag-aral kapag gutom noh!

Bumili lang ako ng Cheeseburger, fries and chocolate shake.

Then nagpunta na ako sa favorite place ko sa school. Yep yung garden sa likod nung campus building. Hay ang peaceful kasi dun. Tamang-tama magrereview nga pala ako. May long exam nga pala kami ngayon sa Basic Finance.

Kinuha ko na yung lectures ko para magstart na mag-aral at kumain na din. Haha

Ok basa.. basa...

Hmmm...

Finance is the study of..

Haaaaaaaaay!!! Bigla akong inantok ahh. Maaga pa naman. Maybe I could take a nap for a while.

Stepehen's POV

"Kyaaaaaaaaaaah!!!!!!"

Ok here they go again. Daily routine na ata nila yan. Ang intayin at sumigaw kapag parating na ako.

Well, I can't blame them. With the looks and charms that I've got. Ewan na lang kung walang mainlove sakin.

Halos lahat ata ng babaeng madaanan ko, namamagnet sa charisma ko. Isa lang naman ang kilala kong hindi tinalaban ng charisma ko.

Ewan ko ba kay Cat kung bakit hindi niya na appreciate yung kagwapuhan ko. Akala niya siguro porket playboy ako. I can't take a serious relationship. Tssk3

Well, hayaan na nga. Story nila toh. Isa lang naman akong GWAPO AT SUPER CHARMING NA EXTRA. Tandaan niyo, magkakaroon din ako ng sarili kong story. BUWAHAHAHA!!!

I just go directly to my classroom. It's almost time na din naman. Good boy naman ako e. Sinong angal??? Bangas sa muka gusto mo? Huh?

Muka ko pa lang, wala ng sinabi ang mga artista. Pasalamat sila hindi ako nag-artista, kung hindi wala silang future.

Pagpasok ko, nakita ko na agad yung pinsan kong makulit, pero broken e kaya hindi masyadong makulit ngayon. Sana lagi na lang broken para hindi na sumasakit ang katawan ko sa kurot at pambubugbog niya sakin.

"Hi couz. Napanood mo na ba yung That thing called tadhana. Grabe it was a great movie. Lalo na yung part nung sa videoke. Yung kumanta sila ng Where do broken heart goes? Yung sayo, saan ba pumunta? Araaay naman!!!" Batukan ba daw ako.

the Jerk DOG meets the Brat  CATWhere stories live. Discover now