a night to remember

36 0 0
                                    

Danella's POV

Hay!! Wala talaga ako ngayon sa mood. Wala nga akong balak pumasok ngayong araw, kung hindi lang dahil sa makulit kong pinsan na agang-aga na nambulabog sa mansion namin.

At may pangbablock-mail pang naganap kanina. Ikakalat daw niya ang pinakatatago kong secret. Ooh yeah! He knows it! Alam niya na, na I'm secretly inlove with Enzo. Yeah I think I'm inlove with him.

We know naman na if we like someone and if it exceeds more than 3 months, iba na yun. Parang ibang level na yung pagkagusto natin.

Haler!! E eversince natuto akong kiligin si Enzo na yung kinakikiligan ko.

Kaya nga ang sakit-sakit e. Yung feeling na yung taong mahal mo iba yung gusto, and to make it worst yung bestfriend mo pa.

I should hate her, but I can't. She's my bestfriend, and I treated her as my own sister. And there is no reason for me to hate her except the reason that Enzo likes her. Maybe nga mahal niya na si Cat.

And I know hindi kasalanan ni Cat na mahalin siya ni Enzo. She has those qualities that a man would fall in.

Kaya nga ang sakit-sakit dito sa puso ko. Buti na lang may pinsan akong mapaglalabasan ng sama ng loob.

Flashback

Naglalakad ako papuntang restroom. Kagagaling ko lang sa theater room. Haist!! Nakakapagod, ang dami kasing nag-audition. Well, madami namang magagaling na nag-auditions. Yey!! Naeexcite tuloy ako sa gagawin naming drama fest.

Teka, bakit parang nagkakagulo?

Nangharang na lang ako ng babae. If I'm not mistaking, president to ng isa sa mga funsclub ni Enzo.

"Excuse me, what's the commotion all about?"

"Ahh, H-hi Danella, uhmm si Enzo kasi nakanta sa auditorium, kaso"

Biglang nagtwinkle yung mga mata ko sa narinig ko. Agad-agad akong naglakad papuntang audi. May sinasabi pa yung babae, kaso hindi ko na pinansin.

Ibang usapan na pag si Enzo na ang pinag-uusapan. Haha. Ay magkikita nga pala kami ni Bes, mamaya ko na lang siya hahanapin andyan lang naman yun sa tabi-tabi makakapaghintay pa yun sakin. Hoho

Malapit na ko sa audi. Ohh my gosh!! Enzo malapit na ko. Gosh! Hanggang labas na yung tao. Well, what would I expect, basta si Enzo ang nagperform daig pa may concert.

Pero syempre, I'm Danella Cruz! And I'm JUST the ONLY daughter of the owner of this university kaya imposible na makapasok ako sa audi. Hindi ba?

Papalapit pa lang ako sa crowd isa-isa na silang nag-gigive way para makapasok ako. Well, genern talaga. Haha.

Gosh! Rinig na rinig ko na yung pagkanta ni Enzo. Emeghesh!! Kinikilig na naman ako. Ok Danella calm down yourself, hindi ka pa tapos sa grand entrance mo dito sa audi. Kulang na lang maglagay sila ng red carpet. Haha

Lakad.. lakad.. lakad.. pause!

Bakit parang may kaduet si Enzo?? Never pa siyang nakipagduet, never in his entire life. At babae pa yung kaduet niya.

Aba, teka the nerve of that girl. Gusto niya atang makatikim ng sabunot from Danella. Wait lang girl. Malapit na ko.

Pero infareness maganda yung boses niya. Psh! Ilang gallons kaya na ginger tea ang ininom niya. Wait for me girl, I will make laslas your neck! Para hindi kana makakanta. Ohh ehm Gee! It was so gross pala. I will just make you painom a juice with hot sauce. Haha my bitchy side is coming out of me.

I told you iba talaga pag si Enzo ang pinag-uusapan. Haha

But my laughters flew away the moment I saw Enzo singing and smiling infront of a girl. It can't be. Bakit siya!? They seem so happy together, lalong lalo na si Enzo.

the Jerk DOG meets the Brat  CATWhere stories live. Discover now