Endearment DAW??

70 1 0
                                    

Dwayne's POV

Nandito na kami nina Stephen at Enzo sa pinaka tambayan namin sa school. Special place to para samin lang tatlo tska kay Dane. Syempre siya nagpagawa nito sa daddy niya e, so dapat kasama namin siyang tumambay dito.

Ok lang naman samin kasi nung naggradeschool na kami nagging magkaclassmates kaming apat, bale nung una kaming tatlong boys lang, kaso syempre cousin ni Enzo si Dane kaya nakakasama na rin namin siya. At iba si Dane sa ibang girls, hindi siya super maarte like other girls na puro make-up and such, simple yet pretty siya, at isa pa cool siya, siguro dahil na rin sa pakikisama niya samin kaya nahawa na siya ng pagkaCOOL! Hahaha

Nung gradeschool nga kami walang makalapit kay Dane, syempre parang mga  bodyguards niya kami e. Lahat ng umaaway sa kanya, sisiguraduhin naming hindi na sisikatan ng araw. Hahaha syempre joke lang. Super luma na nung line na yun e.

But seriously speaking, yun nga walang makaaway kay Dane nung gradeschool pa kami, hindi dahil sa takot sila saming tatlo kung hindi, takot sila kay Dane. Hindi mo gugustuhing makita siyang magalit.

Oo, tahimik siya pero once na ginalit mo siya, magtago ka na. Para siyang dragon kung magalit. Kawawa nga kaming tatlo dyan e. Kasi naman lagi na lang kami yung nagiging utusan niya, magpapasama kung saan saan, tapos pag nagshopping kami pa yung pagdadalahin lahat ng paper bags niya.

Pero good thing alam niya yung favorite namin. Syempre ano pa kung hindi pagkain. After niya magshopping treat niya kami kung saan namin gusto. As in lahat ng gusto namin. So, parang bonding time na namin yung apat.

In short She's our little sister, kaya nga NBSB yan e, wala ba namang makalapit sa kanyang boys. Pano pag may magtatangkang lalake  na manliligaw sa kanya. ALAM NA! Syempre kami na ang bahalang tatlo dun sa mokong na gustong manligaw sa aming little sister. Dadaan muna siya sa amin. At after dumaan sa amin, syempre mga nagsisi atrasan na sila.

Ok lang naman kay Dane yung ginagawa namin, ewan ba dun. Siguro hindi niya din mga type yung mga yun. E, sino ba type niya? Hmm.. Matanong nga minsan hahaha. Pero kahit na siya ang aming little sister. Siya pa din ang boss namin. Isang sabi niya lang sunod agad kami, syempre ayaaw naming makakita ng dragon nuh.

You may think na Bad Boys kami. Well, your right, We are bad boys, pero we RESPECT GIRLS. Pero not all girls. Only those who are deserving to be respected.

Back to reality..

So, yun na nga nandito na kaming tatlo, ewan ba kung san pa nagsuot yung Danella na yun. Talaga naman, baka naman may pumoporma na naman dun. Nako, malalagot siya sakin.

Inintay namin siya, bago kami kumain. Nakakamiss na rin yung little sis namin. Kaso gutom na gutom na ko, kaya hindi ko na napigilan. Pano ba naman hindi ako nagbreakfast tapos wala pa kaming break kahit 15 minutes lang. Nung umaga naman hindi ako makapunta sa canteen. Pano ba naman kahit saan ako pumunta may mga nakabuntot sakin na mga babae. Nakakairita e, ang sarap iwater gun isa isa.

Pero kasalanan talaga to nung PUSANG yon e. Nakakainis. At akalain mo yun yung name niya CAT, as in Pusa, sakto kasi I hate her, and I hate CAT. Magkaugali nga sila e, pareho silang nakakairita.

Nang makalahati ko na yung pagkain ko, biglang bumukas yung pinto. Syempre sino paba yung papasok edi si Dane. Hindi ko na muna siya pinansin kasi nakain ako. At gutom talaga ako. As in GUTOM AKO. Pero bigla na lang sumigaw si Stephen.

"Yow!! Mrs. Park! Kain kana dito ooh! Bakit bumili pa kayo ng foods madami naman dito e."Ano daw Mrs. Park?? Sino naman yun? Haii, nevermind busy ako e. Kaso hindi ko nagustuhan yung mga susunod kong narinig.

"COUZ, baka kasi ayaw ni CAT yung mga foods dito kaya bumili na lang kami, oh I mean kumuha pala, since hindi naman namin binayaran. Hahaha." Wait! Tama ba yung narinig ko CAT?? Don't tell me... Dahan dahan kong inangat yung ulo ko at napasigaw na lang ako sa nakita ko ng magtama yung mga mata namin.

the Jerk DOG meets the Brat  CATDonde viven las historias. Descúbrelo ahora