Mission successful

61 3 0
                                    

Continuation...

Cris Andrea's POV

"San mo gustong sumakay?" Sabi ni Aso habang naglalakad kami.

"Ahh.. Uhmm.. Sa Carousel." Sabi ko, napangiti naman ako bigla. Naalala ko kasi dati. Pag pupunta kami nina papa sa amusement park yun agad ang sinasakyan namin.

"Carousel?"Seryosong tanong ni ASo sakin. This time tumigil siya at humarap sakin. Hawak pa rin niya yung kamay ko.

Sinabi ko naman yung totoo.

Akala ko aangal si ASO. Kasi diba pang bata yun na ride. Pero naglakad lang kami papunta dun sa carousel. Kaso ang haba ng pila. Kainis naman OH! Edi sayang sa oras. Imbes na madami ang masakyan namin na rides ngayon, pipila pa kami.

"Hala pano yan, ang haba ng pila oh!"Sabi ko sabay turo dun sa pila.

"Trust me!" Sabi nito na nagpabilis lalo ng pintig ng puso ko. Parang iba yung dating nung mga salita niya. Iba din yung way ng pagdeliver niya parang may double meaning.

Napahigpit tuloy yung hawak ko sa kamay niya.

Nakarating kami dun sa dulo ng pila. Medyo tinabig ni ASO yung mga nakapila, kaya lahat sila napapatingin samin. Kyah nakakahiya. Ano ba kasi tong si ASO, mapapahamak na naman ako nito e.

Nagbubulungan na tuloy yung mga taong naka pila.

"Uy! ASO, Tara na sa ibang ride na lang tayo."Kinulbit ko siya kaya naman napahinto siya.

"I thought you want to ride a carousel?" Humarap siya sakin.

"Ahh, e kasi pinagbubulungan na tayo dito oh! Nakakahiya naman kasi nakapila sila."

"SO? I don't care about them?" Sabi nito sabay lakad na ulit. Pero biglang may humarang na lalake sa harap ni ASO. OH NO! Eto na nga ba yung sina sabi ko e. Medyo malaki din yung lalake, pero masmatangkad pa din si ASO.

"Excuse me lang, Nakikita mo ba yung dulo ng pila? Bale dun yun Oh?"Sarcastic na sabi nung lalake sabay turo sa dulo ng pila. Medyo nagtawanan tuloy yung mga tao.

"SO?" Seryoso at cool na sabi ni ASO.

"Aba at ang hangin mo naman pre." Sabi nung lalake kay ASO

"Tsk."Sabi ni ASO at lalampasan na bale siya. Kaso nag-iba yung itsura ni ASO, sa mga sumunod na narinig niyang sinabi nung mukang jologs na lalake.

"Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na pumila? Na san ba siya at mapagsabihan."

Walang anu-anong sinuntok ni ASO yung lalake. Yung mga tao naman. Nag "Ooooh!!" Psh, pang-asar pa e. Yung lalake naman napa-upo na lang sa sahig.

"Who the hell do you think you are to do that to me? Hindi mo ba alam na pamangkin ako ng isang politician. At yung family namin in line in politics talaga, kaya pede wag kang mahangin? "

Sabi nung lalake habang inaalalayan siya nung mukang rabbit niyang girlfriend na tumayo. Aba at mayabang din naman pala ito e. Tskk.

"Who the hell I am? Well I am JUST THE ONLY SON of one of the business tycoons in this country. And as a matter of fact this theme park is one of the business we have here in the Philippines. And another thing, we also have BUSINESSES out side the country."

Talagang inemphasize niya yung word na Just the only Son. Psh. Pahumble na nagyayabang, abnormal talaga.

Ano laban ka? Ikaw pamangkin lang, siya anak ng may-ari ng theme park, business tycoon pa.. Teka? Anak ng may-ari ng theme park? Anak? SO sa kanila to? Tiningnan ko si ASO, at nakadevil look pa din siya. Pero cool pa din siya.

the Jerk DOG meets the Brat  CATWhere stories live. Discover now