Chapter Seven - August Daniel

36 0 0
                                    

As promised.

August Daniel

Stephanie

Peste yung lalaking yun. Ako daw ang humalik. Aish! Badtrip. So I decided to just go to somewhere else thag I could vent out.

"Hanggang dito ba naman sinusundan ako nang malas!" I murmured as soon as I stepped into my car.

Nakakainis lang. Way ko na nga ito to relax and to forget my problems for awhile pero naalintala naman! Argh!
No choice na lang ako kundi umuwi nang bahay. Sayang pa naman ang dress ko.

"Oh, Stephanie. You're already here?" Sabi ni mom sabay beso sa akin. Naabutan nya kasi ako kaninang pababa. She asked me where I am going kaya nalaman nya. This past few day or let's just say when I formally met my fiance, naging mas maluwag sa akin si Mommy. And Dad's been, well, unlike before hindi na mainit ang ulo nya sakin lagi.

"The party's canceled, mom." I said. Alangan namang sabihin kong 'Mom, I went home early because I accidentally kissed someone in front of a crowd and I immediately slapped him.' Duh. Di pa naman ako ganun kalala.

Tumango si Mommy. "Okay. Go to sleep na. Good night." Then she kissed mey cheeks. I smiled. "Good night, My." Then I went upstairs.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pintuan ko ay bigla na lang akong napaiyak. Dahil kung kelan malapit na akong mawalay sa pamilya ko, tsaka ko lang sila makakasama nang matagal. Mom and Dad's been at home since the dinner with the Zamora's. Aniya'y wala naman daw silang gagawin sa office and they filed a leave since ikakasal daw ang anak nila. Napatigil na lang ako sa pag-iyak dahil may kumatok sa pintuan.

"Ma'am Stephanie, may tao ho sa labas." Sabi nang katulong namin.

Binuksan ko ang pinto nang kwarto ko. Itinaas ko ang kilay ko. "Sino raw?"

"Sir Daniel raw po." Sagot nito. Sinong Daniel?

Umiling ako. "Maila, wala akong kilalang Daniel. Sabihin mo hindi ko sya kilala. Paalisin mo. Pag ayaw umalis at nageskandalo, tumawag kang security. Ipakaladkad mo. Tapos kung nagpumiglas, ipabaril mo." Sabi ko. Nakita ko namang napangiwi si Maila sa huli kong sentence. Aba't pumunta sya dito sa bahay ko at inistorbo niya ang pagsesenti ko at hindi ko naman pala sya kilala?

Tumungo si Maila. "Sige po, Ms. Stephanie." At umalis na sya.

Sino naman kaya yang Daniel na yan?

Daniel POV

"Ay, sir. Hindi raw po kayo kilala ni Ma'am." Sabi nung katulong nila. Napakamot pa ito sa batok. Mukhang nagmamadali.

"Ha? Sige. Salamat." Sabi ko. At naglakad na pabalik nang Porsche ko.

Naknangpucha! Hindi raw ako kilala? Eh, ako lang naman ang taong ipinahiya nya kanina sa bar.

Yes. I am August Daniel Zamora. Ako yung guy na sinampal at hinalikan nang babaeng yun. Pag nakarating na naman ito sa papa ko siguradong walang katapusan na sermon na nanaman ang abot ko. Tch!

Halos mamatay na ako sa pagod para tanungin ang pangalan nya at luckily, kilala sya nang kaibigan kong si Danica. Kahit medyo may tama na ito at hindi na nakakatayo nang maayos ay nakakakilala pa rin siya. Sya ang naginvite sa akin na mag-party. Kaso, langya! Nasampal ako. Imbis na mag-enjoy eh puro kantyaw at gatong lang ang nakuha ko mula sa mga kaibigan ko. Badtrip!

Tignan mo nga naman ang kamalasan ko ngayong araw. Hindi ako nakapag-party, natumba ako at nagkaroon ng bukol, nahalikan sa harapan nang madla, at nasampal pa! Wow! Solve na solve sa akin si kamalasan!

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si kuya. Oo, may kuya ako. At mas matanda sya sa akin nang 2 years. Bale, 21 ako at 23 sya. Magkaibang magkaiba kami. Siya kasi ay puro business. Yan tuloy ang napala nya, naipit sa isang arrangement. Bwahahaha. Workaholic kasi.

"Kuya?" Sabi ko.

"Dan, umuwi ka sa bahay. May dinner raw tayo bukas." Dinner?

"Sinong mga kasama?" Sabi ko. One time kasi na nag ayang mag dinner sila kuya, nauwi lang sa pagwa-walkout nung kadinner namin. Paano kasi, nirereto sa akin yung anak niya. Eh, hindi ko naman type. Atsaka, mas matanda kaya sa kin yung anak nya nang limang taon. Yan tuloy nasabihan kong wag ipilit sa akin yung anak nya.
Nag walk-out. At ang malala, nagalit sa akin si papa. Ki-nut yung allowance ko. Namuhay ako nang 2 buwan na taghirap. Buti na lang binibigyan ako ni kuya nang pera.

Tumawa si Kuya. "Her family." Napangiti ako. Interesado kasi akong makilala ang babaeng yon. Balita ko kasi, matagal na silang magkakilala ni kuya. At biruin mo, classmates raw kami nung 2nd year. Naligawan pa nga raw yun ni kuya eh.

"Expect me to come."

A/N:
Share your thoughts. Hahahah. Ansabe naman ni Daniel? At sino si kuya? Hahahahaha. Abangan!

Broken Hearted GirlWhere stories live. Discover now