Dinner Part Two
Stephanie
Pagkababa ko palang sa sasakyan ay agad na kumalabog ang dibdib ko. Ito na yun, Stephanie. Meet the family na ito. Bumuntong hininga ako at nagpakalma. Hindi sa akin makakatulong kung magiging tensed ako. Kalma lang.
Nagsalita si Mommy. "Ang ganda naman pala nang bahay nang mga Zamora's." Tumawa si Mommy. "Mas elegante at mas moderno. Nakakatawa dahil nakarami rin silang puri sa bahay natin noong pumunta sila."
Tumaas ang kilay ko. "Nakapunta na po sila sa bahay? Kelan po?" Tanong ko.
Tinignan ako ni mommy. "Oo. Nung hindi ka umuuwi sa bahay. Sabi sa akin nang katulong nasa condo ka. Yun na dapat ang dinner para sa arrangement pero, minove namin kasi alam kong galit ka sa amin. At hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin ang tungkol dito." Sabi sa akin ni mommy.
Pinagbuksan kami nang isang kasambahay at imunwestra kami papasok. Tama nga si Mommy. Mas moderno ang bahay nila kesa sa amin. But knowing mom, she'll eventually renovate our house when she had a chance.
"Oh, you already arrived!" Sigaw nang isang maganda at maposturang babae. I bet na ito ang nanay ni Tristan. Magkapareho sila nang mata ni Tristan, e.
"Hi Esmeralda! Wow! You're house is beautiful! Engrande!" Sabi ni mommy at niyakap ang babae at nagbeso sila. Pagkatapos nang besohan nila ay dumapo ang tingin niya sa akin.
"So, is she your daughter?" Tanong niya kay mommy at nilapitan ako. Tumango ang mommy ko. "Yes. She's Stephanie Alea Perez. Our only daughter."
Tumungo ako at nagpakilala. "Hello po. I am Stephanie." Sabi ko sa kanya. She is so intimidating! Ang ganda ganda niya.
Hinagkan niya ako na siyang ikinagulat ko. "Your daughter is lovely and beautiful!" She said in her girly tone. "Thank you po." I replied smiling. "I heard na pareho lang kayo nang university nang mga anak ko?" Tanong niya sa akin.
"Yes po."
"I also heard that classmate mo pala si Daniel nung highschool?" Shr asked. Kumunot ang noo ko. Daniel. I heard it somewhere. Familiar. "Nakalimutan ko na po. Sorry."
Tumawa siya at pinat ang balikat ko. Naglakad kami papunta sa living room habang sila mommy at daddy ay dumiretso sa library nila sa taas.
"You know, sa dalawang anak ko, si Tristan ang pinaka-open minded when it comes to bussiness. I had to admit na pasaway siya at puro kalokohan way back but, I never thought that he could be like this. Such a great businessman." Bumuntong hininga sya. "Akala ko nga hindi siya papayag na maikasal kayo kasi I know how he hates to be manipulated. At kahit kailan wala pa yang dinalang girlfriend dito. But I got news he's into flings. Pero, he got one serious relationship with a sophomore in his senior year." She eyed me. Napalunok naman ako.
Kumibit balikat siya. "But it didn't worked out because of his fault. After that, I saw how he hate being committed. He is only committed to working. Workaholic yang panganay ko. So, I am sorry if he's stressed out minsan or hanggang sa magiging vacations nyo ay may dala parin siyang papaerworks." Sabi niya at tumawa.
Tumango ako. "Ayos lang po yun." Duh. Para namang may ggawin kami kung meron si Tristan na free time.
Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan nang living room nila. May isang flatscreen na tv na sobrang laki, home theater, may sofa, syempre, may coffee table at may isang napakalaking frame kung nasaan ang mommy at daddy ni Tristan. Ang gaganda nang mga furnitures at decorations nang bahay nila! At mas lalo na ang interior nito!
May isang frame naman roon na may dalawang batang lalaking magkaakbay. Parehas silang nakatalikod at naka-jersey. 7 ang number nung isa at 13 naman yung isa.

YOU ARE READING
Broken Hearted Girl
Teen FictionBeing ignored by her own parents, Stephanie Alea Perez grew as a rebel, a one kind of a bitch. As an only child, money was the only thing that makes her happy. Love? It is a word that she loathes the most. Being hurt by many people, she learned to...