Masakit
Stephanie
Pagkatapos nang sinabi ko ay umalis na ako dun. At siya? Wala na akong pakealam. But I think I saw something glimmer in his eyes. Tears? Nah. Sanay naman siyang makipagbreak sa mga babaeng pinapaasa niya.
Naglakad ako papunta nang sala at saktong nagbebesohan na sila. Mukhang paalis na rin kami.
Unang nakakita sa akin si Tita Esmeralda. "Halika, Stephanie." Sabi niya. Pumunta ako at hinalikan siya sa pisngi.
Hinawakan nya ang pareho kong balikat. "I am so happy na mangyayari ito. You are the perfect one for my son. I can feel it." Sabi nito at niyakap ako.
Ngumiti naman ako sa kanya. Hindi genuine kundi pilit nung kumalas na siya nang yakap.
Tumayo na si Daddy. "O sige, mauuna na kami. It's already 10 pm. And maaga pa bukas ang mga bata." Sabi ni daddy na nagpakunot sa noo ko.
"Ano pong meron bukas?" Tanong ko.
"Bukas ang planning and arranging ng kasal. And bukas ka na rin pipili nang wedding gown." Sabi ni mommy.
Bakit naman ang bilis? Bukas agad? So it means na hindi ako makakaiwas kay Tristan dahil magkikita kami bukas? Bakit naman minamadali nila ang lahat?
"Can we resched it?" I said absentmindedly. It was supposed to be a whisper pero narinig nilang lahat iyon.
"What?" Tanong ni mommy.
I faced her. "Mom, don't rush this wedding. Alam naman nating lahat na gaano man katagal o kabilis ang mga preparation ay sa kasalan pa rin po ito mapupunta." Sabi ko.
"Well said. Pero we need to rush things so the merging will be done earlier." Sabi ni Tito Leo.
Hinawakan ni Tita Esmeralda ang braso ni Tito Leo. "Hon, I think that kailangan muna nilang magfreshen up bago ikasal." Tinignan ako ni tita at nginitian. "A vacation will help, perhaps?"
Pumalakpak si mommy. "A very nice idea! Vacation para maging mas close ang mga bata!" Nakangiting sabi niya.
Tumango naman si Daddy at si Tito Leo. "Okay. If this will make things easier." Sabi ni Tito Leo.
"And it will help things to be lot easier for them."
Pagkauwi namin sa bahay, tinanong agad ako ni mommy kung anong problema.
"Mom, wala po. Na-stress lang ho yata ako." Sabi ko.
Pero ang totoo ay kinakabahan ako at naiinis sa hindi ko malamang dahilan.
Hinawi ni mommy ang buhok ko at inilagay sa likod nang tenga ko ang mga takas na buhok.
"Are you okay?" She asked worriedly.
Tumango ako. "Opo. Pahinga lang po ito. I'll just go upstairs."
Pagkapasok ko sa kwarto, humiga na lang ako hanggang sa nakaramdam ako nang pagkaantok.
Tristan
Damn. Mahal ko siya. Pero hindi siya sa akin naniniwala. Ang gago ko kasi eh. Bakit ko nga ba nagawa yun.
Dahil sa badtrip ko, nagpagpasyahan kong mag facebook.
Tommy Sarmiento is with Aliyah Mae Cruz.
Wait. Pamilyar siya ah? Tinignan ko ulit ang mukha niya. Pta. Di ako pwedeng magkamali siya nga.
Yung bata..
Flashback:
"Tristan, buntis ako! Ikaw ang ama! Anong gagawin ko?" Humihikbing tanong ni Aliyah.
Umiling ako. "Hindi ako ang ama niyan. Alam ko at sigurado akong hindi ako." Mariin na sabi ko. Alam kong hindi ako ang ama ng dinadala niya dahil may boyfriend siya, si Troy.
Sinampal niya ako. "Hindi ikaw?! Ha?! Eh, ang kapal naman pala nang mukha mo eh! Pagkatapos nang nangyari? Ganito na lang?" Sigaw niya sa akin.
Lumayo ako sa kanya. Sapo-sapo ko parin ang pisngi kong sinampal niya. Tumalikod na ako. "Aliyah. Makinig ka. Hindi ko yan anak. Paano ko naman yan magiging anak kung kahit kailan ay walang nanyari sa atin."
Sinampal niya ulit ako. "Walang nangyari? Nung birthday ni Troy? Nung nalasing tayo. Nung tayo na lang ang natira. Dun na yun nangyari!" Sumisigaw na sabi niya.
Pilit kong inaalala ang nangyari. At nagulat ako nang meron nga akong naalala na ganon.
"Bullsh*t!" Sigaw ko at napasuntok ako sa pintuan nang lumang classroom kung nasaan kami ngayon.
"Ngayon naalala mo na?" Sabi niya na naging dahilan sa pagharap ko sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti nang mapait at nakahawak sa tiyan niya.
Pumunta siya sa harapan ko at tinignan ako nang mariin. "Kung iiwan mo ako at hindi mo pananagutan ang bata ay mapipilitan ako sabihin ito kay Stephanie!" Nakangiting banta niya.
"Sigurado ka bang akin yan, ha?! Alam mo naman kasing may boyfriend ka pero paanong nangayari na may nabuo tayo?" Sigaw ko.
Sinampal niya ulit ako. Mas malakas ngayon. Marami nang luha ang umaagos sa mukha niya.
"Hindi-- hind--hindi ko alam. Mahal ko si Troy at kahit kailan ay wala akong pagdududa don." Napatakip siya sa bibig nya para pigilan ang paghikbi. "Mahal na mahal ko siya. Kung siya lang naman ang tatay ay bakit pa ako lalapit sayo? Bakit ako gagawa ng ganitong istorya?"
Tumalikod na sya. "Sabihin mo lang kung gusto mong panagutan ito. Pero kung oo man o hindi, ayos lang. Hindi ko ito ipapalaglag o papatayin katulad ng ginawa ng tatay niya sa kanya. Bubuhayin ko siyang magisa. Pero kahit kailan hindi mo siya makikilala."
End of flashback
Ang anak ko.
Helloooo worrllllld!! Yas! I am really back in writing! Shocks ang tagal ko nang hindi nakakaupdate! And you all deserve a big SORRY GUYS SORNA PLEASE. Huhu. Pero thank you dahil sa everlasting support niyo. I know some of you will skip this but THANK YOU VERY VERY VERY SO SO SO MUCH I LOVE YOU ALL!😘😘😘😘😘
YOU ARE READING
Broken Hearted Girl
Teen FictionBeing ignored by her own parents, Stephanie Alea Perez grew as a rebel, a one kind of a bitch. As an only child, money was the only thing that makes her happy. Love? It is a word that she loathes the most. Being hurt by many people, she learned to...