Ikalimang Kabanata: Nakaraang Bangungot

1.7K 103 9
                                    


****************************************

Ikalimang Kabanata: Nakaraang Bangungot

****************************************



Nanatiling tahimik ang lumang bahay na iyon. Nililinis nya ang sahig habang tinititigan sya ni Marco na nanghina na rin kasisigaw.


"Ano bang kailangan mo sa'kin?" seryosong tanong ni Marco habang tinitignan ang babaeng pinupunasan ang nabasang sahig gamit ang isang pulang basahan.


Natigilan ito at tinignan ng diretso si Marco.


Unti-unti ay nagbabalik sa kanya ang nakaraang pilit nyang kinakalimutan ngunit lagi nyang inaalala.



"Aspasia," tawag nito sa kanya.


Lumapit sya at umupo sa kandungan nito. "Kuya, aalis na ba tayo dito?" nakangiti nyang tanong.


Hinawi nito ang kanyang buhok at inipit sa likod ng kanyang tenga. "Malapit na tayong makaalis dito. Maghintay ka lang, hmm?" Nginitian sya nito at hinalikan sya sa noo.


"Talaga?"


"Oo, 'di ba nangako sa'yo si Kuya? Kapag nakababa na tayo dito, wag kang lalayo sa'kin ha?"


Masaya naman syang tumango.



Ipinikit ni Aspasia ang kanyang mga mata at pilit na inalis ang bagay na iyon sa kanyang isipan.


Ayaw na nyang alalahaning muli ang pangakong iyon. Lalo lang syang nasasaktan tuwing maiisip ang pangakong minsan nang hindi natupad.



"Kuya... Kuya, wag..."


Naaalala nya ang takot na naramdaman. Ang takot na ibidnulot sa kanya ng taong minahal nya nang tunay.


"Kuya, wag, parang awa mo na..."


Bumabalik sa kanyang isipan ang taong minsan nyang nagtangkang kitilin ang kanyang buhay.


"Kuya... KUYA!!!"


Nadama uli nya ang napakatalim na kutsilyong minsan nyang bumaon sa kanyang murang katawan.


Naramdaman nya ang sakit...


Ang hapdi...


Ang paghihirap...


Nagbabalik sa kanya ang araw na pinatay sya ng taong pinaglaanan nya ng kanyang buong pagkatao.



At sya'y dumilat muli...


Ginising ang sarili sa panandaliang bangungot.


Isang masamang tingin ang ibinigay nya kay Marco.


Pare-parehas lang sila.


Pareho lang ang lahat ng lalaki.


At isa lang ang nararapat sa kanila...


At iyon ay ang...


Mamatay.

AspasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon