Makabagbag-damdaming Huling kasulatan ng May-Akda

2.6K 83 11
                                    


Makabagbag-damdaming Huling kasulatan ng May-Akda




Title pa lang madrama na, saan ka pa?


Anyways...


Ang kwento pong ito ay hango sa maikling istoryang pinamagatang "Ang Bulaklak ng Pagbabalat-Kayo" na gawa ng kunwaring manunulat na nagngangalang Elena Buncaras.


Ipinasa po ang kwentong iyon bilang proyekto sa Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina, at makikita ang obrang iyon sa hanay ng Filipino Works ng

silid-aklatan ng kolehiyo kung saan s'ya nag-aaral. Nakalagay s'ya sa libro ng koleksyon ng mga maiikling istorya ni Elena Buncaras. Partida, sulat-kamay ang

labinlimang maiikli n'yang istorya. Hindi dahil walang pam-print kundi dahil may topak ang Professor nila.



Dream short film rin ang kwentong ito ni Mr. Aries Li, and dapat po ay rated SPG ang theme nito, although rated SPG nga dahil sa tema, karahasan at horror but hanggang doon lang po ang keri ng powers ko today. Tumataas ang degree of morality ko bilang manunulat so hindi ko na keri yung may sexual portion hehehe (sa original plot may ganun po, sensya na di ko talaga keri i-type.)


Aspasia came from one of my characters in the series The Newly Weird. Medyo malayu-layo yung ugali n'ya dito sa story na 'yon but still, kinuha ko pa rin ang

ilang detalye.


Hindi gaanong brutal ang kwentong ito. Hindi rin nakakatakot. Hindi s'ya sobrang thriller. May misteryo pero hindi naman sagad. Patula pa nga dahil sa tingin ko'y maganda ang epekto ng patulang atake sa isang nobelang misteryo at dahil adik ako sa tula ngayon. Ayun. Tama lang.


Kung alam n'yo lang kung ilang tawa ang pinigil ko para lang matapos ito. Nabago rin ang plot mula sa Ikapito hanggang dulo dahil lang sa salitang INDAYOG na 'yan na hindi ako maka-get over.


Ilang Chupeta ang kinanta ko, maumay lang ako sa kantang 'yon at maka-move on.


Ilang Pagsuko ni Jireh Lim ang paulit-ulit kong pinakinggan, matapos lang ito.


Horror/Mystery/Thriller/Action ang mga genre na ayaw na ayaw ko talagang ginagawa dahil sobrang comedy ang nagagawa ko kapag nagsisimula na akong mag-type.


Malas lang kasi iyon ang genres ng kwentong ito.


Still, sana po ay nagustuhan n'yo s'ya. Ito po ay last entry ko sa isang writing workshop sa facebook na ako po ay isang feeling lecturer na student.


Maraming salamat po sa pagbabasa ng kwentong ito.



Nagmamahal...


bigas at pamasahe.


AspasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon