***********************************************************
Ikasiyam Kabanata: Kalayaan at Pagkukunwari
***********************************************************
Takbo.
Tumatakbo s'ya.
Ilang oras na nga ba? Hindi n'ya alam kung saan pupunta.
Takas.
Tama, kailangan n'yang tumakas.
Kailangan n'yang tumakas kay Aspasia. Tumakas para mabuhay.
Gubat.
Gaano ba kalaki ang gubat na 'yon at parang hindi man lang s'ya nakakakita ng dulo.
Napakaraming puno ang pumapalibot sa kanya. Hindi n'ya alam kung galing na ba s'ya doon kanina o hindi pa.
Dilim.
Madilim. Madilim ang paligid. May buwan ngunit natatakpan ng makapal na ulap.
Hindi magandang senyales ang kadilimang iyon para sa kanya.
Huminto s'ya. Nilingon n'ya ang paligid.
Parang hindi s'ya umaalis. Hindi n'ya malaman ang kaibahan ng isang puno sa iba.
Nanggaling na ba s'ya doon? Nadaanan na ba n'ya ang lugar kung saan naroon? Nakalayo na ba s'ya?
Pakiramdam n'ya paikut-ikot lang s'ya.
Paikut-ikot lang at ang paulit-ulit na bumabalik sa kung saan ba s'ya nanggaling.
Ayaw n'yang maniwala sa lumang kasabihan ngunit hindi naman masamang maniwala lalo pa't nagkakagipitan at desperado na s'ya.
Hinubad n'ya ang gula-gulanit na damit at ibinaligtad. Pinagdasal na sana'y gumana ang lumang paniniwala na kapag isinuot pabaligtad ang damit ay hindi na
s'ya maliligaw.
Nagsimula na ulit s'yang tumakbo.
Kailangan na n'yang makaalis.
Kailangan na n'yang makauwi.
Kailangan na n'yang makita ang mga kasama.
Kailangan na n'yang makabalik kung saan ba s'ya nararapat.
Takbo.
BINABASA MO ANG
Aspasia
Misteri / ThrillerSa kagubatan kung saan sya nananahan, nakatago ang mga bagay na hindi na natatarok ng sinuman. Isang estranghero ang siya'y matatagpuan. Isang estranghero ang maaakit sa kanyang kagandahan. Ngunit ang lahat ay may lihim na ikinukubli. At sa likod n...