CHAPTER 7 ~ Game Time ~

92.3K 2.4K 124
                                    

CHAPTER 7

STORM'S POV

"Ma'am naman eh. Tegnan mu, senesepun na aku sa kakatulug sa kwartu ni mu. Sa'n ka ba kasi namasyal ba pag wala ka sa atek? Sama na lang aku Ma'am."

Napabuntong-hininga na lang ako habang kausap si Inday dito sa Maid's quarters. May Kool Fever na nakadikit sa ulo niya, naka-jacket na kulay pink, at gwantes na kulay pink din. Ilang araw na kasi mula nang tamaan siya ng sipon at ubo.

"Sige na, Inday. Uuwian kita ng siopao, promise." pangungumbinsi ko sa kaniya.

"Porgang porga na aku sa syupao Ma'am. Pati sa paggising syupao na ang nakikita ku. Pati si Idward Cullin sa panagenep ko, mukha ng syupao."

"Eh di uuwian kita ng Magnum. Sosyal na ice cream 'yon."

Lihim na napangiti ako ng makita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Magic word talaga kay Inday ang salitang 'sosyal'. Kaya nga siya sinisipon ngayon ay dahil sa trip na trip niya ang sosyal ko raw na kwarto. Sosyal daw dahil may aircon.

"Senesepun ako Ma'am eh."

Tumango-tango ako at pagkatapos ay nanghihinayang na pumalatak. "Hindi ka pala talaga pwede sa mga sosyal Inday. Sinisipon ka kaagad eh. Alam mo ba si Manda sa kabilang street? Pumunta pa iyon kasama ng mga amo niya sa Alaska. Aba, pag-uwi wala mang sipon. Hiyang talaga sa mga bagay na sosyal-"

"Alam niyu Ma'am parang nagdadahelan lang ang elong ku. Nawala begla ang sepun. Basta iyung Magnom Ma'am ha? Kiring kiri ko 'yan. So I'm gonna sleep there in your room later someday. See yah!"

Napatawa na lang ako ng kumekendeng-kendeng na lumabas si Inday ng kwarto. Hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi niya pero at least ang bottom line ay matutulog siya ulit ngayong gabi sa kwarto ko habang ako ay tatakas para gawin ang mga dapat kong gawin.

Lumabas na rin ako ng maid quarters at namalagi muna ako sa sala kung saan naroon ang mga magulang ko na nanonood. Saglit ko silang sinamahan hanggang sa tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Nag-intay ako ng ilang oras hanggang sa marinig ko ang mahinang pagkatok sa pintuan ko. Tumayo ako at muntik pa akong mapasigaw ng makita ko si Inday na namumuti ang mukha.

"Ano ka ba naman, Inday!" mahinang asik ko sa kaniya.

"Ma'am you make me enter muna. Ang dami kung dala kaya."

Binuksan ko ng malaki ang pintuan at pinapasok siya. Kaagad na sinarado ko ang pintuan at mabilis na lumapit ako sa closet ko para magpalit ng damit habang si Inday ay prenteng nakaupo sa kama ko habang kumakain ng popcorn.

"Ano na namang nilagay mo diyan sa mukha mo? Mukha kang multo." Sabi ko sa kaniya habang isinusuot ko ang isang itim na T-Shirt.

"Pulbus lang itu Ma'am. Naubus na ang crem ku. Ginagamet kasi ni Rosetta, akala ata shampu. Wala talagang alam sa mga susyal na gamet. Hindi niya ata alam kung gaano kaimportanti ang sken ker ku."

Si Rosetta ang isa pa naming kasambahay. Katulad ni Inday ay mahilig din ang babae sa kung ano-ano. Iyon nga lang kung pagkokomparahin mas marami pang alam si Inday sa kaniya. And that alone is saying a lot since Inday's 'sosyal sense' is a little off.

I zipped my jacket up and turned to Inday. "You stay here. Whatever happens, don't open the door. May pagkain sa lamesa kaya kapag nagutom ka kumain ka na lang. I won't be back until in the afternoon so you need to stay here for awhile then before my parents wake up tomorrow you should leave and go somewhere."

"Alam ku na pu 'yan, Ma'am."

"Mag-iwan ka ng note na nagsasabing umalis ako ng maaga."

"Yis, Ma'am"

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon