CHAPTER 22 ~ Face ~

94.2K 2.2K 73
                                    

CHAPTER 22

STORM'S POV

Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga agent pero pinigilan ko na rumehistro sa mukha ko ang pagkagulat. Pilit pinapakalma ang sarili na sinalubong ko ang mapanuring tingin ni Freezale. Hindi niya pwedeng mahalata ang pagkabigla ko.

"Bakit sa headquarters pa tumawag kung pwede naman sa akin?"

"Kahit na sa iyo pa siya tumawag masasagap pa rin namin ang tawag niya." seryosong sabi ng babae. "Alam ko na malaki ang naitulong sa iyo at sa atin ni Waine Claw pero hindi ibig sabihin ay buo ang tiwala namin sa kaniya. Anong kailangan niya sa iyo, Storm?"

"I don't know."

Akmang magsasalita pa si Freezale pero nilagpasan ko na siya. This is not part of the plan. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Waine at mismong headquarters pa ang kinontak niya at hindi ako. Freezale was wrong with one thing. Hindi nila magagawang madetect kapag tumawag sa akin si Waine dahil kung iyon nga ang mangyayari ay ibang telepono ang gagamitin ni Waine para kumonekta sa teleponong hindi magagawang masagap ng BHO CAMP. Kaya nakakapagtakang kumikilos ng ganito si Waine.

"Storm?"

Nilingon ko si Hermes na nakasunod pala sa akin. "I'm going to the control room."

"Sasama ako."

Nagkibit-balikat ako. Kung ano man ang kailangan ni Waine ay natitiyak ko na hindi ito para sa ikasisira ng plano. Something must have happened. Something else.

Pagkapasok sa control room ay kaagad na tinungo ko ang harap ng monitor at tumipa ako sa keyboard roon. Hindi nagtagal ay pumailanlang sa paligid ang boses ni Waine.

"Waine."

"Storm." he said in relief. "I need you to open the gates. Kasama ko si Tita Joy at Tito Carlo."

BHO CAMP has been closed down because of the lock down. Pinalabas lang na under construction ang lugar kaya isinarado pansamantalaa. Pero alam ko ang totoong rason kahit na itago pa nilang lahat iyon sa akin.

Akmang ititipa ko na ang code para magbukas ang mga gate ng may pumigil sa mga kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Hermes na pinipigilan ako.

"Let go." I said.

"What if it's a trap?"

"It's not-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin iyon ni Waine. "Wala akong planong gawin na kakaiba Hermes Scott. Joy and Carlo Hunt was nearly murdered by my brother's men. There's no safe place for them now."

Pakiramdam ko ay tinadyakan ako sa narinig ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang mga narinig ko noon dito sa control room. Ang mga narinig ko na pinag-usapan nila Hermes tungkol sa mensahe ng Claw sa amin.

Surrender yourself or I'll get her. You know who I'm talking about Storm Reynolds. A week. That's all you have. Be late in a day, someone will get hurt. Be late for two days, someone will be close to death. Be late for three days, I will take her. Decide.

I was confident that nothing would happen. Naka lock down ang buong BHO CAMP. Lahat kami ay nandito at nasa ligtas na lugar naman ang Second Gen at Original Elites.

"You said they were safe Waine." I whispered.

"I know! Just please open the gates."

Pumiksi ako sa pagkakahawak ni Hermes at mabilis na tumipa ako sa keyboard. Ilang sandali lang ay bumukas ang gate kung saan naroon ang kotse na sinasakyan ni Waine na ngayon ay nakikita ko sa monitor. Nang makapasok ang sasakyan nila ay kaagad rin na sinarado ko iyon.

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon