CHAPTER 20 ~ Promise ~

90.2K 2.2K 117
                                    

CHAPTER 20

STORM'S POV

"Okay ka lang ba?"

Ngumiti si Snow na ngayon ay nakasandal sa headboard ng hospital bed. Di kalayuan sa amin ay naroon ang mga kapatid niya at si Hermes na nag uusap. "Ayos lang ako. Hindi naman ganoon kalala ang mga sugat na nakuha ko sa pagsabog ng sasakyan ko."

This is my fault. Dapat naging maingat ako. Kung hindi sana ako nagpabaya ng gabing iyon hindi sana madadamay ngayon si Snow. Hindi siya dapat naging parte ng XX.

"I'm fine."

"You said that already." I whispered.

"Inuulit ko lang. Alam ko kasi kung ano ang iniisip mo." umangat ang kamay niya at inabot ang sa akin upang pisilin iyon ng marahan. "Don't. I'm not like my sister or my brothers but I can still do something."

Isang gabi na pumuslit ako ay nahuli ako ni Snow. I was using the secret passage that my grandmother Katerina and Mishiella used before. Maraming mga passage ang BHO CAMP pero may isa na ang tanging dalawa lang ang nakakaalam. Ginagamit nila iyon para takasan ang mga asawa nila para gumimik o kung ano man. Aksidenteng nalaman namin iyon nila Snow, Freezale at Sky noong mga bata pa kami.

Wala ng gumagamit noon ngayon. I was confident that no one will see me. But the thing is...that passage is located near Snow and Phoenix's tree house.

Nang mahuli ako ni Snow ay wala na akong nagawa kundi magtapat sa kaniya. Snow is manipulative in a lot of ways. She may not be as good as Freezale in Experiment Department or in field like her brother but she's manipulative. And that makes her a scary enemy.

Dahil sa nangyari ay naging parte siya ng XX. Siya rin ang nagpresinta na ibaling namin ang atensyon ng Claw sa kaniya. Dahil ayon sa mensahe na natanggap nila Hermes, isa sa amin ang sasaktan ng Claw.

"Rest." sabi ko at tumayo. Dumukwang ako na animo hahalik sa pisngi niya pero bumulong lamang ako. "Ginagawa mong dibersyon ang XX para sa nararamdaman mo. I'm watching you Snow. I don't want you to be like me. Keep your head in the game."

Hindi ko na siya tinignan at dumiretso ako sa kinaroroonan nila Hermes. Nakita ko na saglit silang natigilan bago sila muling nagpatuloy sa pag uusap.

"Sasabihin na lang namin sa inyo kung kailan ilalabas si Snow dito. Mag-uusap pa kami kung saan siya tutuloy." sabi ni Freezale. "Hindi kasi pwedeng maiwan mag-isa si Snow. Gusto ko sana na sa amin na lang muna siya pero ayaw niya dahil nga sa mga bata. Hindi niya rin gusto dito kay kuya dahil lalo lang daw siyang magkakasakit."

Tumango-tango si Hermes at ipinalibot sa bewang ko ang isang braso niya ng makalapit ako. "Sabihin niyo na lang sa kaniya na okay lang na tumuloy siya sa amin. Hindi ba Storm?"

"Of course." I said in almost a whisper.

Nagpaalam na si Hermes sa kanila habang ako ay nanatili tahimik. Alam ko na iba ang pinag-uusapan nila bago ako lumapit sa kanila. I know why they are keeping a secret from me but I can't help but feel irritated. Ayoko ng pakiramdam na ito. Ayokong magtago ng sekreto kay Hermes at ayokong magtago din siya ng sekreto sa akin. Pero wala kaming magawang pareho.

He want me out of harm's way and he's doing something that is out of our protocol. Habang ako naman ay gumagawa ng paraan para hindi nila magawa ang isang bagay na pagsisisihan lang nila.

If only I can convince them to work together. To stop the Davids Code. Pero alam ko na ikukulong lang nila ako dito sa headquarters para hindi ako madamay sa mangyayaring gulo. Kung dati pagtatawanan ko lang ang magtatangka na magkulong sa akin. Besides Claw, no one beat me on the art of escaping. But it's different now because of Ale and Hermes.

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon