Chapter 8

4.7K 188 15
                                    

Johansen Latrel

Umupo ako dito sa pampang habang nakatanaw sa malayo. Ang lahat ay nagkakatuwaan sa cottage.

Mula nong nasabi ko sa mga kaibigan ko ang pinagdaraan ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko pero mas pinipili kong maging tahimik ngayon. At hayaan na sanayin ang sarili ko sa kalungkutan, hindi katulad noon na pinapakita ko sa kanila na masaya ako kahit ang totoo sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Kaya siguro ang tagal kong maka move on dahil sinolo ko lahat. Hindi katulad ni Jill at Jean, lagi nilang nilalabas yong mga sama ng loob nila sa aming mga kaibigan nila.

"Jo."

Napalingon ako-----si Jill, ang tuwag sa akin.

Nilapitan niya ako. "....malapit na tayong umuwi. Magkikita kita ulit tayo ng madalas. Pangako ko iyan sa inyo."

"Salamat, Jill." Tumayo ako at niyakap ko siya, saka niya ako inakbayan.

"Pero bago tayo magkanya-kanya. I just want to remind you."

"About what?"

"I know it still hurts what happened between you and Jack. Natatandaan mo ba nong kami ni Anne ang laging may problema, ganon din sina Jean at Mira, you were always the one reminding us not to hurt them, di ba?"

"Yeah, I remember that." sagot ko.

"Kaya huwag mo ring sasaktan ang ibang babae dahil lang sinaktan ka ni Jack. Love when you're ready."

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya, at si Sam agad ang pumasok sa isip ko.

"Salamat, Jill. Tatandaan ko yang sinabi mo."

Umalis na siya, naiwan akong nakatayo rito. Tinanaw ko si Sam masaya siya habang nakikipagkwentuhan kina Anne, Mira at sa iba pa. At ngayon ko lang siya nakita na tumatawa, kapag nasa bahay kasi kami lahat kami doon seryoso. Hanggang sa kailangan na naming umuwi.

Pinipilit ko ring ngumiti.

"Mukhang maganda ang mood natin ngayon ah." si Jean.

Pauwi na kami ng Manila. Pasakay na kami sa Van.

"Mukha ba?" tanong ko sa kanya.

"Nakita kitang ngumiti, pati mata mo nakangiti. Kinikilig na ba yang pepe mo kay Sam?"

"Sira ulo ka talaga."

Natatawa siya. "Sige na, hindi ko na irereto kay Yana. It seems like you're getting jealous."

Natatawa rin ako. Gusto ko siyang hambalusin. Sabi ko na nga ba!

"Nagkamali ka ng iniisip, Jean."

"Ahh talaga? Oh sige mali pala ako, eh di kung di mo siya gusto kay Yana talaga siya."

"Stop teasing me, Jean." Pinanlakihan ko siya ng mata.  Tinanguan niya ako na mukhang alam niya ang iniisip ko.

Sumakay na rin ako dito sa van katabi ni Sam. Dating pwesto. Halatang inaantok at pagod siya kaya hinayaan kong mag-unan siya dito sa balikat ko at yumakap dito sa bewang ko. Sabay kaming nakatulog hanggang sa makarating kami rito sa harap ng bar ni Yana. Nagpaalam na kami sa mga kaibigan ko saka ko kinuha yong kotse ko.

"Sam, sakay ka na rito." Sumunod siya sa akin after niyang magbeso sa mga kaibigan ko.

Nagbyahe kami pauwi, pagdating dito sa bahay sabay kaming umakyat ni Sam papuntang second floor. Pinihit niya ang doorknob ng silid ko pero nahintuan siya nang tawagin ko ang pangalan niya.

"Sam."

"Hm, Yes?" tumingin siya sa akin. Nandito kaming pareho sa labas ng pinto habang hawak niya ang doorknob.

Purple Heart (Johansen Latrel) GXG [Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon