Chapter 17

4.3K 186 8
                                    

Johansen Latrel

Late na naman akong pumasok dito sa office. Umupo ako dito sa swivel chair at nagbukas ng laptop sakto naman ang pagpasok ng sekretarya ko.

"Ma'am, Jo. Ito na po yong kailangan niyo." Ibinigay sa akin ni Julie ang isang folder. Binuksan ko ito at napasandal ako sa kinauupuan ko. Naglalaman ito ng mga documents tungkol sa background ni Sam.

"Relay ko na po sa inyo, Mam Jo. Samantha Torres is the daughter of a couple who used to be business owners. However, their businesses failed four years ago. They had to sell most of their properties to pay off their debts."

Nakikinig ako kay Julie.

"They still have a remaining debt of thirty million pesos. Initially, they borrowed 10 million pesos to start a new business, but it failed again, and the debt increased to 30 million pesos due to accumulated interest. They have already paid off half of the debt. The lending company has given them a four-month grace period to settle the remaining amount. If they fail to pay it by the specified date, Samantha's parents may face imprisonment if the lending company proceeds with legal action."

Tumango-tango ako.

"Thank you, Julie."

"Welcome po." Ngumiti si Julie, saka bumalik na ito sa table niya.

Habang nagtatrabaho ako hindi ko maiwasang isipin si Sam. Kinuha ko ang phone ko at saka tumawag kay Jill, gusto ko sana siyang makausap ngayong hapon. Pumayag naman siya kaya kailangan ko siyang puntahan sa office niya. Nagdrive agad ako papunta sa kanya at ilang minutong byahe ay nakarating na ako dito sa JF Tower.

Kumatok ako dito sa sa office niya at binuksan ito.

"Jo, pasok ka."

"Ang sersoyo natin Jill, ah."

"Ikaw nga diyan, eh. Ano ba ang atin?"

"Okay lang ba talaga Jill? Baka nakakaistorbo ako."

"Nagcancel na ako ng mga meetings ko ngayong hapon para sayo."

"Ang sweet mo naman."

"Kapag ikaw ang nagrequest, hanggat kaya kong ibigay gagawin ko. Mas nag-aalala kasi ako kapag ikaw ang nangilangan ng oras ko."

"Baka magselos si Jean kapag narinig niya yang sinabi mo."

Napangiti siya.

"Kahit nong nag aaral pa tayo, Jo. Mas inaalala kita kesa kay Jean. Dahil pag dating sa kanya kampante ako kahit marami siyang kalokohan, magaling lumusot yon. Kapag ikaw naman ang may gagawing kalokohan nag-aalala ako ng sobra. Kaya hindi kita matanggihan."

Umupo ako rito sa visitor's chair na nasa harap ng table niya.

"Okay lang ba na maglabas ako ng problema? Ayokong solohin dahil masisiraan na ako ng bait."

"Ang totoo hinihintay lang kita na magkwento sa akin. Gusto mo bang papuntahin ko si Jean dito?"

"Oo okay lang."

"Saglit lang papupuntahin ko siya." Nagdial sya sa phone niya at kinausap si Jean na pumunta rito sa office niya.

"Sige, Jo. Ituloy mo yong sasabihin mo. Magusap tayo habang papunta si Jean dito."

Tumitig ako sa kanya at saka nagumpisang magsalita.

"Masyadong mabigat ang iniwan sa akin ni Jack. Five years na umikot ang buhay ko sa kanya, punong-puno ng pagnanasa ang pinagsamahan namin. Gusto ko sana totally makalimutan na ang lahat. Pero paano ko gagawin iyon? Nakatatak na sa mga tao lalo na sa inyo na nakikipagsex ako kay Jack in public. Paano ko mababago ang image na iyon?"

Purple Heart (Johansen Latrel) GXG [Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon