Chapter 30

4.2K 220 19
                                    


Samantha Torres

Nandito pa rin ako sa loob ng opisina ni Johansen. Naglalandian kaming dalawa. Ayaw niya akong pakawalan.

"Johansen, nagri-ring ang phone!" inilayo ko ang mga labi ko at tumayo pero hinabol niya ako at itong leeg ko naman ang hinahalikan niya ngayon.

Mababaliw na ako sa taong 'to. Natatawa ako nong mapansin kong itinaas niya ang pants niya, pati siya napangiti.

Pagkakataon ko na sana iyon para sagutin ang phone pero mas mabilis siya, nahawakan agad niya ang bewang ko. Kahit pala anong iwas ko sa kanya magagawa pa rin niya akong pasukuin dahil nakakabaliw ang mga halik niya at lahat ng mahawakan niya sa katawan ko ay pinipiga niya. Lalo tuloy tumitindi yong kiliti na nararamdaman ko at parang umaalon ang puson ko at may gustong kumawala sa loob nito.

"Ahhh, Johansen, yong phone..."

Mahigpit ang hawak ko sa mga braso niya. "Huwag mong pansinin yan. Titigil din yan."

Nakikiliti ako ng sobra! Binalikan niya ang mga labi ko at siniil na naman ako ng halik. Ayaw niya akong tantanan. Tinulak ko siya ng malakas at napaatras siya. Sa wakas!

"Johansen! Diyan ka muna." Inayos ko ang skirt ko. Kahit hinihingal ako ay inuna ko munang puntahan ang table niya para sagutin ang phone. Pero hindi ko na nagawa iyon dahil niyapos na naman niya ang bewang ko. Napakalakas niya. Hindi ako makawala.

"Sam, huwag mo na akong pigilan pa."

Kusa na lang tumigil ang pagring ng phone. Hinawakan ko ang mga pisngi niya.

"Johansen, please tumigil ka muna kailangan kong huminga." taas baba ang dibdib ko. Pero walang patawad ang taong ito. Nakasubsob na naman siya sa leeg ko.

"Ahh, Johansen." Nakasandal ako rito sa gilid ng table niya habang nakahawak sa batok niya. Nagring na naman ang phone! Paano ba 'to? Wala na akong ibang ginawa kundi ang umungol. Yong kamay niya nakasiksik na naman sa skirt ko. Pinanggigigilan niya tong pwet ko habang hinahalikan ako sa leeg.

"Johansen!" Itinulak ko ulit siya at isinangga ang palad ko sa labi niya. Kailangan ko na tong sagutin. Nakakarindi na yong ingay ng phone na to! Inangat ko na pero kailangan ko munang i-relax kahit three seconds ang dibdib ko dahil naghahabol ako ng hininga.

Okay na!

"Hello?" ito lang ang kaya kong bigkasin, napaka-unprofessional pero no choice ako dahil si Johansen ay nakadikit na naman sa akin.

["Samantha?"] si Julie!

Kinagat ko ang lower lip ko dahil muntik akong mapa-ungol nong pigain niya itong boobs ko. Naka-isa siya don, ah! Binalikan niya ang leeg ko at nababaliw na naman ako dahil sa mga halik niya. Pinipigil ko na wag umungol baka marinig ako sa kabilang linya.

"Julie?"

Ano ba 'to!  Akala ko sa movies lang nangyayari ang ganito.

["Samantha? Nandiyan ba si Mam Jo?"]

Napapakagat ako sa lower lip ko at napapahawak ako ng mahigpit sa mouthpiece ng telepono. Pero kailangan kong sumagot.

"Yesssss!" hirap na hirap akong magsalita baka bigla akong mapaungol dahil sa kiliti na ginagawa ni Johansen.

["Pakausap naman sa kanya, kanina pa ako tumatawag pati sa CP niya hindi siya sumasagot. Importante lang."]

"Okay Julie."

Pilit kong pinatigil si Johansen sa ginagawa niya. "Si Julie...." bulong ko sa kanya. Bilib naman ako sa taong ito parang hindi napapagod. Nanlalambot ang mga tuhod ko.

Purple Heart (Johansen Latrel) GXG [Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon