Chapter 4

6.4K 218 25
                                    

Samantha Torres

"Jack....."

Paulit ulit lang siya sa pangalan na iyon.
Kung hindi lang ako naligaw kakahanap ng library sa bahay na ito malamang walang tutulong sa taong ito. Lasing na lasing at iyak nang iyak, kawawa naman 'to.

Pinilit ko siyang itinayo at halos matumba kami dahil napakabigat niya.

"Konti pa, malapit na tayo sa kwarto mo. Grabe ka ang bigat mo!" Buti na lang naihahakbang pa niya ang mga paa niya, kahit nahihirapan ako pinilit ko pa rin siyang inaalalayan. Pagpasok dito sa kwarto niya ipinahiga ko siya sa kama. Grabe ang bigat!

"Johansen? Kaya mo pa ba?"

"Jack, huwag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita....."

Jack? Mukhang iniwan ito ng boyfriend niya. Maganda naman siya bakit nagpapakalango siya sa alak dahil lang sa lalake.

"Saglit lang, kukuha ako ng bimpo na basa. Pupunasan----." Hindi ako makaalis dahil hawak nito ang kamay ko.

"Don't leave me, please."

Uhm paano ba 'to? Umupo ako rito sa tabi niya at naramdaman ko na yumakap siya sa bewang ko. Sa totoo lang naiinis ako sa taong 'to dahil napakagaspang magsalita sa akin at para bang ipinapamukha niya sa akin na may masama akong balak sa daddy niya. Pero eto siya ngayon. Iyak nang iyak.

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang umiiyak siya.

"Alam mo, Johansen, college pa lang tayo gandang-ganda na ako sayo, sa inyong tatlo na magkakaibigan ikaw kaya yong lagi kong inaabangan sa volleyball games. Cute na cute ako sayo. Hindi ko nga akalain na magta-trabaho ako rito sa bahay niyo. Pero mas lalong hindi ko akalain na nakakatakot ka."

Napangiti ako dahil kinakausap ko ang isang lasing. Paano ba ako makakaalis, nakayakap siya sa bewang ko?

Alangan dito ako matulog baka kapag nagising 'to at nakita niya ako, bugbugin niya ako. Nakakatakot pa naman siya.

Naghintay ako ng ilang sandali. Nong lumuwag na yong pagkakayap niya sa akin ay saka ako tumayo at lumabas ng silid niya. Pero siniguro ko muna na maayos ang pagkakahiga niya. Inalis ko yong belt niya, yong shoes at medyas na suot niya, binuksan ko na rin yong aircon.

Pagpasok ko ng silid ko. Nagdial ako para tawagan si Mommy. "Hello, Mommy?"

["Sam, anak. Kumusta ka na?"]

"Mommy, okay lang po. Kahit paano maayos naman po ang lagay ko dito. Kayo po ni Daddy kumusta?" Hindi agad nakaimik si Mommy.

"....mommy?"

["Anak, nandito na naman kanina yong tauhan ng lending company at kapag daw hindi kami nakabayad ay ipapakulong na kami ng daddy mo."]

Nanlumo ako sa narinig ko. Kung tutuusin malaki na rin ang fifty thousand na sweldo ko kaso, hanggang kailan ko maiipon ang perang kinakailangan namin para mabayaran ang lending company? Parang sa interest lang mapupuntan yong su-sweldohin ko.

"Mommy, titingnan ko kung ano pong magagawa ko."

["Sige, anak. Mag-iingat ka palagi diyan."]

"Opo."

Mula nong bumagsak ang negosyo ng pamilya namin nagkanda utang utang na kami at umabot na sa ilang milyon ang hindi namin nababayaran. Pero anong magagawa ko ngayon?

Kapag hindi ako gumawa ng paraan makukulong ang mga magulang ko dahil sila ang nakapirma sa lahat ng loan agreements. Ang sakit sa ulo!

Nagpaalam na ako kay Mommy sabi ko huwag masyadong mag-isip. Pero heto ako ngayon hindi makatulog kakaisip.





Purple Heart (Johansen Latrel) GXG [Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon