Chapter 11

4.2K 183 20
                                    

Samantha Torres

Magkatabi at halos nakasubsob ako sa leeg ni Johansen nang magising ako. Masarap ang tulog niya, ganon din ang pinsan niyang si Guen. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng silid para hindi sila magising. Nagbreakfast at naligo ako dahil may pasok ako.

7:50AM pumasok ako rito sa office ni Sir Gerardo at nagtimpla ng kape para sa kanya. Ilang minuto lang pumasok na siya, wala siyang imik na umupo sa swivel chair at dinampot ang tasa ng kape saka ito humigop.

Nagsimula ako sa trabaho, inayos ko ang mga pipirmahan niyang documents. Ilang saglit lang tinawag niya ang pangalan ko.

"Samantha."

"Yes, Sir?" Agad akong lumapit sa kanya.

"May iuutos ako sayo. Puntahan mo ang client kong si Mr. Gareth para ibigay sa kanya ang regalo ko."

Tumango ako pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Yong mga ganitong klase ng pakisuyo ang gusto kong iwasan pero hindi ako makakatanggi sa boss ko.

"Ito ang ibibigay mo kay Mr. Gareth."

Iniabot niya sa akin ang isang paper bag. Nong hindi siya nakatingin palihim kong sinilip ang laman nito. Pagcheck ko, isa itong mamahaling relo. Kahit hindi ko nakita ang actual na relo, pero yong box at brand name ay nagkakahalaga na ito ng ilang milyon.

"The driver knows where to take you. He will accompany you."

Binitbit ko itong paper bag at nagtungo sa sasakyan. Hindi na ako nagpaalam pa kay Johansen.

Dito sa isang 5 star hotel ako hinatid ng driver. Pagbaba ko ng sasakyan may sumalubong sa akin na isang staff, sinamahan niya ako dito sa tapat ng isang executive suite. Kumatok ako, isang matandang lalake na nasa edad sixty ang nagbukas ng pinto.

"Good after, Sir. I'm Samantha."

"Ikaw ba ang secretary ni Gerardo?"tanong ng matanda saka dinampot ang wine na nasa center table at nagsalin sa kanyang baso. Nakasuot siya ng robe, hindi siya katangkaran, pero maputi at may mga suot na gold necklace at bracelet na makakapal.

"Yes po, ito po yong ipinapaabot ni Sir Gerardo."

Ngumiti siya nang makita ang dala kong paper bag. Pero dahan-dahang umakyat ang tingin ng matanda sa dibdib ko saka niya pinagmasdan ang mukha ko. Seryoso akong nakatitig sa kanya, hindi ako nagpapakita ng kahit anong ekspresyon.

"Napakaganda mo, hija. Napaka-swerte ni Gerardo."

Lumapit siya sa akin, paikot na naglakad habang pinagmamasdan ako. Hindi ako kumikibo at dahil nakaheels ako halos magkasing tangkad na lang kami.

"Ang sexy mo, hija." sabi nito habang hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. At mas tumatagal ang mga tingin niyang iyon sa dibdib ko. Nilapag ko sa center table yong paper bag na dala ko. Nilapitan niya ito at sinilip ang relo na ibinigay ni Sir Gerardo.

"Oh, ang pare ko talagang si Gerardo, napakagalante." sabi niya saka niya isinuot ang relo.

"Bagay ba sa akin, hija?"

Tiningnan ko siya pero hindi ko sinagot ang tanong niya. "Aalis na po ako Mr. Gareth, nagpunta lang po ako para iabot sa inyo iyan."

"Huwag muna, hija. Samahan mo muna ako rito."

Kinilabutan ako nang lumapit siya sa akin at parang sinusubukan niya akong akitin. "Pasensya na po Sir pero kailangan ko na pong umalis." Ipinakita ko pa rin ang pagiging kalmado ko sa kabila ng pagiging uncomfortable na nararamdaman ko.

Pero ibang usapan na nang hawakan niya ang kamay ko. "Hija, sayang naman kung aalis ka agad. Marami tayong pwedeng pag-usapan at kahit ano ang hilingin mo sa akin ay kaya kong ibigay."

Purple Heart (Johansen Latrel) GXG [Under Editing] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon