chapter 4

666 16 13
                                    

Alora Axel Villaflor's POV

"Dahlia alis tayo!" Sabi ko kay Dahlia nang lumabas siya sa banyo.

"Huh? Saan?" Tanong niya.

"Sabi nung manliligaw mo punta daw tayo amusement park," excited na pagkakasabi ko habang kumukuha ng damit sa cabinet ko.

"ah..," she nodded.

"Ilang months ka na bang nililigawan niyang si Ethan?" Tanong ko, curious.

"1 year?" Patanong niyang sagot at nagkibit balikat.

"1 year?!" Di makapaniwalang tanong ko. "Tagal na ah? Bat di mo ba sinasagot? Bat mo pa pinatagal! Baka sumuko na yan," napatawa ako sakanya.

Bat di ba kasi kahit ilang months lang sagutin na kaagad kung mahal mo naman? Pero wala naman akong pakealam dun wala akong interes sa mga bagay na ganyan.

"Yun nga yung point eh! Oo, mahal ko siya, pero kailangan niyang patunayan na mahal niya ako, hindi yung mahal mo nga sasagutin mo kaagad. Kailangan niyang patunayan na willing to wait siya at para mas makilala pa namin ang isa't isa," seryosong sagot niya. Di na ako umangal pa at pumasok sa banyo para maligo.

Ganoon ba dapat yun? Pero bakit nung highschool ako yung mga nakikita kong mga classmates ko ilang weeks or days palang sinasagot na kaagad? Atat na ba silang magkajowa?

"Ate?!" Narinig kong tawag ni Brielle habang nasa banyo ako.

"Naliligo pa beh," sabi ni Dahlia.

"ah sige," sabi ni Brielle pabalik.

"Bakit?" Tanong ko nang makalabas na ng banyo at nakabihis na.

She scratched the back of her head and said, "ano.. may pera ka ba?" Nahihiya pa siyang manghingi eh.

"Bakit?" I raised a brow.

"Pamasahe lang aalis ako," she awkwardly laughed.

"San ka nanaman pupunta?"

"Sa kaklase ko may gagawin kasi kaming project,"

"Babae lalaki?" I crossed my arms.

"Babae kaming lahat,"

"payagan mo na. Sa project lang naman yan eh," sagot ni Dahlia sa gilid.

"Naku kapag ikaw talaga may nalaman akong may jowa ka lagot ka sakin," pagbabanta ko sakanya.

"luh?" Napaatras siyang hindi makapaniwala. "Grabe ka naman ate! Wag kang mag alala di kita uunahan sa pagjowa. Pauunahin ko muna si Kuya Gab manligaw sa'yo bago ako magkajowa," she winked.

"Huh? Pinagsasabi mo?"

Di siya nagsalita at nagmadaling lumabas ng kwarto ko. Narinig ko naman ang tawa ni Dahlia kaya humarap ako sakanya.

"Pinagsasabi non?" I asked and she just shrugged.

"Baka crush ka ni Gab," she chuckled.

"Crush? Tsk asa," sabi ko at kinuha ang bag ko para bumaba sa sala.

Impossible naman magkacrush saakin si Gab. Mga tipo non babae yung magaganda, opposite ng personality niya, mayaman, kasing pantay lang niya. At hindi ako iyon. Boring ako at di kasing yaman sila kaya napaka imposible.

Nang makababa kami sa sala ay saktong nag text naman si Jared na nasa labas na daw sila kaya lumabas ako ng bahay para pagbuksan ko sila ng gate.

"Axel!" Tawag saakin ni Gab.

"Oh? Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.

He laughed. "Narinig ko kasing pupunta daw sila sa bahay niyo kaya sumama ako,"

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now