chapter 23

272 6 0
                                    

ACEL'S POV (AXEL'S TWIN)

"Goodluck for your first day of school," Dad said while I was busy packing my things inside my bag.

Ngayon kasi ang first day ko and I'm so excited na kinakabahan. New environment, new faces. Di ko alam anong naghihintay saakin sa school na iyon. Sana lang ay mababait sila saakin.

Naka enroll ako sa DVMSC as a law student. I don't know, I just wanted to get thrilled by law. Mas gusto ko kasing nahihirapan.

"Uh dad?" I called bago ako umalis.

"Hmm?" He answered.

"Do you know what Mom's face looks like?" I asked curiously.

Ayaw pa kasing ipakilala no Ate saakin si Mom. She said not yet pa saw and there's time for it but I just can't wait.

"Pretty," he smiled. "The most beautiful woman I have ever met in my whole life," he proudly said.

"You must love her so much huh?" I teased.

It was pretty obvious. Behind his smiles, behind those voices on how he describes Mom there was something.

"Who wouldn't?" He smirked.

"May I ask why you two broke up?" I innocently asked.

He looked down on his plate while cutting the food using the knife.

"A long story, anak,"

Ang haba ng sagot ah? Thank you!

"You're going to be late," he reminded me.

"Okay, be careful Dad! Stay safe," I said after kissing his cheeks.

Kahit minsan ay nabi bwisit ako sa pampilosopo at kalokohan ni Dad ay mahal na mahal ko pa din siya.

Simula noon siya lang ang kasama ko at wala akong nakalakihan na Nanay. Ate Axel is so lucky.

Pagkadating ko ng school ay dumiretso ako sa registrar office para sa mga information and for ny forms pa daw.

Bakit kasi di nalang binigay noon? Bakit kailangan pang lakarin ko ang malaking school na 'to?

"Acel Sarmiento," she nodded as I stated my name. Wala naman akong pakialam dito at kung saan saan lang ako tumitingin.

"Familiar ka," she suddenly said. My brows raised. "I've seen you around the campus,"

"Bago lang po ako dito at galing pa po ako sa ibang bansa and it's impossible that you've already seen me around the campus," pangangatwiran ko. Tinignan niya ako ng masama sa diredirestang pagsagot ko sakanya.

Well, nagsasabi lang naman ako.

"Here's your room," binigay niya na saakin ang form ko. "Goodluck," she said after tapping my shoulder twice.

Inirapan ki lang siya at tuloy tuloy na lumabas ng registrar na hawak hawak ang aking form at ID na pinagawa last week pa.

Agad ko din namang nakita ang room ko at tuloy tuloy na pumasok . Salamat nalang at wala pang prof.

Umupo lang ako sa bakanteng upuan sa dulo at nagmukmok doon. Pinagtitinginan din ako ng lahat ng mga kaklase ko.

"Transferee?"

"Ata,"

"Di ba architecture student yan?

"Oo, nakita ko yan doon eh,"

"Baka lumipat?"

Di ko nalang sila inabala at kinuha ang phone ko para malibang libang naman ang sarili ko dito.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now