chapter 15

431 12 0
                                    

ALORA AXEL VILLAFLOR'S POV

Jared:

sama ka?

me:

san?

Jared:

vacay. next week pa naman. thursday.

me:

Sino kasama?

Jared:

friends mo. friends ko.

me:

si Gab?

Jared:

sure, isasama ko siya.

me:

sige, sasabihan ko nalang mga kaibigan ko.

"Gising na!" Nagising ako sa tunog ng mga kaldero na hinahampas sa loob ng kwarto ko. Gusto ko pang matulog!

"5 minutes," request ko dahil antok talaga ako. Di ko manlang inabalang tignan kung sino ang gumising saakin. I mean wala naman akong pakialam kung sino.

"Anong 5 minutes? Gising na!" Lumapit pa siya sa tenga ko at sinigawan ako. Minulat ko ng kaunti ang mata ko at nairita na nagising ako!

It was Gab. Nandito na naman itong mokong na ito sa bahay!

"Good morning, ma'am. Breakfast is ready," he smirked.

"Matutulog pa ako," bumalik ako sa pagtulog at tinakpan ang mukha ko ng unan pero napatili nang bigla akong umangat.

"Umaga na, Axel," sabi niya nang magkalapit ang mga mukha namin. Nakahawak ako sakanyang leeg at ang isang kamay ay nasa dibdib niya. Ang matigas niyang dibdib!

I can't explain what I was feeling while I'm staring at his eyes. Merong kung ano na biglang nagpabilis ng pagtibok ng puso ko.

"I-ibaba mo ako," nauutal kong saad. "Tsaka ang lapit ng mukha mo! Di ka pa siguro nag toothbrush,"

Ibinaba niya na ako at napaupo ako sa kama. Pahiga na sana ako sa kama nang magsalita siya ulit.

"Bahala ka, tinola pa naman ang ulam," he slowly started walking outside my room.

Napatayo naman ako bigla nang marinig iyon. Paborito ko iyon! Tanginang Gab alam talaga kung ano ang kahinaan ko!

"Akala ko matutulog ka pa?"

"Gising na nga eh," sigaw ko at nagmadaling bumaba sa kusina.

Nasa hapagkainan na sina Mama tsaka ang mga kapatid ko. Nasa mataas pa na upuan si chloe dahil di niya abot ang taas ng mesa.

Nang maupo ako doon ay tumabi naman sa tabi ko si Gab. "Amo nagluto niyan," pagmamayabang niya.

Napaatras ako at napakunot ng noo. "Weh?"

"Oo nga! Tanungin mo pa si Mana," turo niya kay Mama. Tinignan ko si Mama na nakatingin lang din saamin at nakangiti. Tuwang tuwa, ma?

"Anak, lilipat na pala sa kapitbahay natin si tita Candy mo," balita niya.

Si Tita Candy ang nag iisang kapatid ni Mama at pinaka close ko din na Tita. Wala siyang anak kaya wala din akong pinsan na kakilala. Di ko din alam kung may mga pinsan pa ako sa side ni Papa.

"Mabuti po iyan, at least may tumitingin sa'yo dito kapag wala ako sa bahay," sabi ko sakanya.

"Nagpapasabi yung Tita mo na tulungan mo daw siya sa mga gamit niya,"

"Tutulong ako," agad na offer ni Gab. "Anytime tawagan niyo lang po ako,"

"Wala ka bang schedule, Gab?" Tanong ni Mama sakanya.

"Wala naman po," umiling siya.

Pumayag na din si Mama at kumain nalang ng tahimik.

Noong Friday ay wala din naman akong ginagawa kung hindi ay tumambay sa bahay nina Tita Candy. Noong Wednesday siya lumipat at malaki laki ang bahay niya kaysa saamin. Ang sabi ni Tita Candy ay dumito muna ako dahil walang tao at umalis siya ara may bibilhin.

Nakaupo lang ako sa sofa habang nanonood ng TV. Kasama ko din si Chloe nananonood. Nanunuod lang kami ng cocomelon habang kumakain ng apple si Chloe. Tutok na utok pa nga sa pinapanuod niya.

THIRD PERSON'S POV

Irish joining the audition even though she doesn't want to. Nasasayangan sia sa pera na mapapanalunan. Malaking tulong na din iyon para sakanilang pamilya kahit na consolation prize lang.

She started singing with shaky hands. She was not accustomed to auditions. The judges were impressed by her talent.

She had talent. Di naman siya sanay na ipakita ang talent niya kaya mas lalo lang siyang kinabahan.

"Wooh! galing!" Irish heard a familiar voice coming from the door. It was Sam who was cheering for her.

When the audition ended agad siyang umalis dahil nahihiya na.

"Where are you going?" Sam asked when Irish walked away.

"I can't do this," she said.

"Why not? Ang galing mo kaya! You should join Irish!" she was so impressed by Irish that she really wanted her to join. "The contest is on Thursday dapat makita kita doon ha!" He lastly said before walking away because her Dad was calling.

ASHER GABRIELLE SANTIAGO'S POV

"Hoy dito! Dito mo ilagay!"

Nasa parking lot kami ngayon ni Jason dahil tinulungan niya ako bumili ng mga kakailanganin namin sa Thursday dahil sa aalis kami.

Inimbitahan ako ni Jared na sumama dahil sabi din ni Axel. Kahit naman na ayaw ko ay papayag din naman dahil sinabi nga ni Axel.

"Hindi na nga kasya!" Reklamo ni Jason.

"Pagkasyahin mo!"

"Edi mababasag yung mga itlog dito kapag ipilit pa!"

"Lagay mo nalangdoon sa upuan sa likod," utos ko na agad niya namang sinunod.

Nang isara niya na ang pinto sa likod ay naglakad na siya papunta sa shotgun seat. Di pa naman siya nakakasakay ay biglang sumimgkit ang mga mata niya.

"Bakit?" Tanong ko at tinignan din kung ano ang tinitignan niya.

"Kanina ko pa yan nakikita yang lalaki oh," pagnguso niya sa direksyon ng isang poste na may kalayuan saamin.

"Baka may inaantay lang yan," sinenyasan ko na siyang pumasok pero nakatingin pa din siya doon. Nakasandal ang braso niya sa pinto ng sasakyan habang ang isang braso sa taas ng bubong ng sasakyan habang nakatingin doon.

"Paang hindi eh. Nakatingin siya dito," pagpupumilit niya. "Puntahan ko kaya?" He suggested.

"Wag na. Hayaan mo na yan," sabi ko at dahan dajan siyang pumasok sa sasakyan para makaalis na kami.

@ukn_own

malapit ka nang mag say hi kay san pedro, Gab.

Triple Endless Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now