Chapter 9

18.3K 264 24
                                    

"The filing of COC is coming..." panimula ni Dionne. "What's your plan?"

Natigilan ako sa paghigop ng kape at tamad na nag-angat ng tingin sa aking pinsan. Parang bigla yata akong nawalan ng gana kumain ng breakfast.

"Wala. Hayaan mo na si Tito riyan." My mouth turned into a grim line and continued eating.

Suminghap siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Pabagsak niyang binitawan ang kubyertos dahilan para maglikha iyon ng ingay. "What are you talking about? Everleigh, naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko? Ikaw ang anak, eh 'di ikaw ang gumawa ng paraan..." iritado kong tugon at bumaling sa aking pambisig na relo.

Masiyado pang maaaga para pumasok pero mas mabuti pang umalis na lang ako. I'll just go somewhere else. Basta hindi rito sa bahay at pareho kami ng nilalanghap na hangin.

Bumuntonghininga siya at kinalma ang sarili, ayaw sabayan ang init ng ulo ko. "Ano bang problema mo? May ginawa ba akong mali sa 'yo?"

Oo, meron. Nagtiwala ako sa 'yo. Akala ko kakampi kita. Akala ko maaasahan ka. Akala ko iba ka rin sa pamilyang kinagagalawan nating dalawa... pero mali pala. Isa ka pala sa nagtra-traydor sa akin kapag nakatalikod ako. Sunod-sunuran ka rin pala at palaging nakatago sa anino ng tatay mo.

Gusto ko sana iyong sabihin nang harap-harapan sa kaniya pero hindi ko magawa. Dahil ako, alam ko mismo sa sarili ko kung bakit nagiging ganito ang pakikitungo ko sa kaniya.

Naiinggit ako.

Naiinggit ako kasi kahit wala siyang gawin, nagugustuhan siya. Naiinggit ako kasi sana kaya ko rin ang mga ginagawa niya. Na sana mayroon din ako ng mga katangian na mayroon siya. O di kaya'y sana... ako na lang siya.

Mabilis ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa bigat ng naiisip pero sa huli ay bumuga ako ng hangin at marahas na umiling.

"I wish you didn't exist anymore," I uttered and smiled bitterly.

I saw her froze in her position as her lips went agape. May dumaang sakit sa kaniyang mga mata at bago ko pa pagsisihan ang binitawan kong salita ay agad na akong umalis. Dire-diretso ang lakad ko palabas ng mansion. Nang makita ako ng driver na papalapit ay dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto sa nakaabang nang kotse.

"Good morning, Ma'am Leigh. Hihintayin pa ba natin si Ms. Dionne—"

Pinutol ko na agad ang tanong niya, "Umalis na tayo."

"S-Sige po..." natataranta niyang sagot at dali-daling sumakay sa driver's seat.

Sinundan ko lamang siya ng tingin. Muli akong napahugot ng hininga bago pabagsak na sumandal sa sandalan ng upuan. Nagsimula nang umandar ang kotse kaya ibinaling ko na lamang ang tingin sa bintana.

My parents already left earlier together with Lolo. Wala naman akong narinig na salita mula sa kanila bukod sa pinagalitan nila ako dahil tumakas ako kagabi kasama si Kuya Augustus at pati na rin ang pagno-notify ng bank kay Daddy sa mga sunud-sunod kong malalaking gastos.

They didn't even bother to ask me how my day is or how my life is going. O kahit simpleng tanong lang kung kailan ba ako mamamatay at bakit ang tagal?

I laughed humorlessly with my own thoughts.

Napatingin tuloy sa akin ang driver gamit ang rear mirror. Mabilis kong tinutop ang aking bibig at inabala na lang ang sarili sa aking phone.

I opened my twitter and just tweeted...

@everleighfleurvrn

She's the only thorn in that one particular and beautiful rose.

Pinagmasdan ko lang ang screen ng aking cellphone habang dinagdagsa ng iyon ng likes at comments. Nangunguna na agad doon ang mga kaibigan ko at ilang kakilala. Matipid na lamang akong napangiti bago itinago ulit iyon sa loob ng aking bag.

The Vice Mayor's Misery (Wretchedness #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon