"Just make sure that I will win this coming election. Do something, idiot! Hindi ako puwedeng basta-basta lang matalo ng babaeng iyon!" narinig kong wika ni Tito sa kausap niya sa telepono.
Wala akong ideya kung sino ang nasa likod ng tawag na iyon. Hindi na rin ako nagulat sa mga pagbabantang lumalabas sa bibig niya dahil matagal na niya ginagawa iyang pandaraya. A few weeks from now, elections are approaching. Ngayon pa lang ay abala na ang pamilya namin para sa pagpa-file ng COC.
My grandfather and his eldest son were running as senators, while the middle one who is my dad was running as a congressman here in our province, and the youngest, Tito Adrian was running as a mayor. Yes, all the men in our family were in the political industry.
Tinalo pa ang showbiz. Kulang na lang nga ay igawa na sila ng family tree.
Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang dumagundong ang sigaw niya kasabay ng pagkabasag ng kung anong gamit. Nasa living room ako pero dinig na dinig ko ang panggagalaiti niya sa galit.
"Wala akong pakialam kung malakas siya sa masa! I already paid you, so you better do your fucking job! Get that?!"
Umayos ako ng upo at nagpanggap na walang narinig. Nagkunwari akong abala sa paglalagay ng nail polish nang marinig ko ang mabibigat niyang yabag patungo sa direksyon ko. Lumabas siya mula sa kitchen at padabog na ibinato sa sofa ang kaniyang cellphone. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa main door. Makakahinga na sana ako nang maluwag nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at lumapit sa akin.
"Everleigh,"
I almost shivered when he called my attention. I glanced at him innocently. "Yes, Tito?"
"What are you doing here? Wala ka bang pasok? Ang pinsan mo, nasaan?"
"Aba, malay ko? Ikaw ang tatay, bakit hindi mo alam?" Gusto ko sanang sabihin pero alam kong may kalalagyan ako kapag nagkataon.
Lumabi ako't nagkibit balikat na lang. "Half day lang ang pasok namin, mamayang hapon pa ang class ko at hindi ko alam kung nasaan si Dionne..." Maybe in her room? Talking with her boyfriend? I don't know! Masiyado na siyang matanda para isipin ko pa!
I rolled my eyes mentally.
"Alright. I'm leaving." He nodded at me.
Akmang hahakbang na siya paalis nang hindi ko matiis na hindi magtanong sa mga nangyayari. "What's happening, Tito? May problema ba?"
For heaven's sake, he looked so very stressed out!
Malalim siyang bumuntonghininga at sinenyasan ang mga alagad na mauna nang lumabas. Umupo siya sa magara at mamahaling sofa na katapat lang ng sa akin. Pagod niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at hinilot ang sentido.
"I-I just can't believe na pangalawang termino ko pa lang sa pagiging alkalde ay mukhang matatalo pa ako ngayon sa pangatlo. At ang masaklap pa ay babae lang ang dahilan kung bakit may posibilidad akong matalo." Tiim bagang siyang umiling na tila malaking kabawasan sa kaniyang pagkatao ang nangyayari.
My forehead knotted with so much confusion. I didn't get it. Ano naman kung matalo siya ng babae?
"What's wrong with being a woman?" I asked in a curious way, because seriously, I couldn't understand where his grudge was coming from.
Matalim na titig ang ipinukol niya sa akin bago sumagot. "Alam mo na ang magiging sagot ko riyan. Marami. Maraming mali sa pagiging babae. Mahina kayo, uto-uto at hindi nyo kayang mamuno. Ang dapat sa mga kagaya nyo ay nasa bahay lang. Nag-aaral kung paano maging mabuting asawa kagaya ng Mommy at mga Tita mo."
BINABASA MO ANG
The Vice Mayor's Misery (Wretchedness #2)
Storie d'amoreWretchedness Series #2 There are always two sides of the story. Are you ready to hear the vice mayor's misery?